KABAKLAAN ENTRY #16

30 10 5
                                    

Dear Diary,

Diary, ano ba ang pag-ibig? Ang pag-ibig ba ay 'yong tipong parang lumilipad ka sa hangin kapag nakikita mo siya? 'Yong tipong ayaw mo nang kumain kasi feeling mo busog ka na kapag nariyan siya? Or baka naman 'yong mga moment na kahit naghuhugas ka ng pinggan eh napapangiti ka? Kasi kung ganoon nga talaga ang pag-ibig, baka umiibig na talaga ako kay Howard. Owemji! Na-fall na ang haliparot! Haha!

Basta, Diary, sinasabi ko sa 'yo. Walang makatitibag sa tambalang PorWard. Porschia plus Howard is equal to PorWard. Ang ganda ng complication ng name namin 'no?! Oh, baka 'di mo gets ang meaning ng complication? Ang complication is kapag may pinagsama kang isang substansing sa isang substansing. Oo, yorn na yorn! Di mo pa rin ba gets, Diary? Bahala ka na nga riyan.

Kahit anong mangyari, hindi ko ipagpapalit si Baby Howard ko kahit kanino 'no! Especially, sa shibuling yorn. Wala naman siyang tweety bird eh so useless lang siya. Hihi. Para sa akin talaga si Baby Howard at walang makapipigil sa pagmamahalan namin, kahit pa ang kamatayan. Ako kaya ang taga-sundo ng mga kaluluwa, hihi. Charot!

Pero alam mo ba, Diary, naiinis ako kay Nammy. Oo, eksena na naman siya sa entry ko ngayon. Nakaka-ilan na 'yang shibuli na yarn ah. Nag-enjoy na sa kaka-expose ng name niya. Jusko!

Naiinis ako kay Nammy, diary, kasi nag-chat siya sa akin kanina. Akala ko pa naman eh tinanggap niya na ang apology ko pero hindi pa raw. Nakakainis talaga, diary! May sasabihin pa raw siya sa akin eh. Condition daw para mapatawad niya ako. Ang hayuff! Ang daming arte sa buhay, kala mo naman kung ikina-straight niya! Hayst!

“ Hoy, Honeybunch sugar plum ko, nagtatampo pa ako sa 'yo. ” Feeling jowa ang gaga! Kaderder namarn 'yong call sign niya, ewws. Buti pa sa amin ni Howard, simple but— saka na nga lang, diary. Naubusan na ako ng adjectives. Hihi.

“ Puwede ba, may pangalan ako, huwag 'yan ang itawag mo sa akin, ” reply ko sa kaniya.

“ Ayy, oo nga pala. Ang ganda pala ng pangalan mo. Lalo na ang apelyido mo. Pero alam mo may naisip ako, ” sagot niya sa akin.

“ Paki ko? ” walang interes na tanong ko rin.

“ Ang atichod mo talaga, honeybunch sugar plum ko, tsk! Mas lalo tuloy akong naiinlab sa 'yo. ” Gusto kong maduwal sa pinagsasabi niya, diary. Hindi ba siya nandidiri? Yocc lang ah!

“ Tigil-tigilan mo nga ang katatawag sa akin ng ganiyan, nakadidiri! ” Napairap na lang ako, diary, nang mag-reply na ako sa kaniya.

Eh letse! Mukhang nag-eenjoy ata na asarin ako. Aba'y futanginerns lang ah!

“ Sorry na, gusto ko lang naman na lambingin ka eh, ” aniya.

“ Letse! Close ba tayo? ” tanong ko sa kaniya. Nandidilim na ang oaningin ko sa shibuling 'to ah!

“ Grabe ka talaga sa akin, pero btw, may sasabihin pa pala ako. ” Naiinip na ako, diary, kanina pa niya sinasabi sa akin na may sasabihin niya pero panay pa-cute pa rin. Akala mo naman ikinacute niya. Letse 'to!

“ Bilisan mo na kasi may gagawin pa ako, ” naiinis na reply ko.

“ Bakit, ano bang gagawin mo? ” Shutanginerns, chismosa rin pala 'tong shomboy na 'to!

“ 'Pag sinabi ko ba, makakatulong ka? ” tanong ko sa kaniya.

“ Oo naman! ” proud na proud niyang sagot tapos may emoji pa na kiss. Ampotanginers, limang emoji yorn! Shuta, 'di ba siya nandidiri sa ka-jeje-han niya? Hayst!

“ Puwes, magjajakol ako. Ano? May titi ka ba para sabay tayo, huh?! ” sarkastikong tanong ko sa kaniya. Ano ka ngayorn?!

“ Wala pero puwede namang ako na lang magjakol sa 'yo. ” Buwisit na buwisit ako, diary, dahil sa reply niya. Akala ko nabara ko na siya pero nakahanap pa rin pala siya ng butas. Siguro sa butas ng pempem niya nakuha yorn?! Shutaness!

Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ