KABAKLAAN ENTRY #5

50 9 0
                                    

Dear Diary,


Oyy! Sorry , Diary, kung ngayon lang ako nakapagsulat ng entry ah? Can‘t you remembrance? January 15 ngayon hihi. Oo, tama ka! Pumunta ako kina Jayson kasi nga inimbatahan niya ako , remembrance? Tama ba english ko , Diary? Basta ‘yorn na ‘yorn hihi. So ‘eto na nga , Diary huhuness. Ang saraaaaaaap ni Jayson este ng handa ni Jayson hihi. Ano ka ba , Diary?! Ang dirty-dirty mo ah? Bad ‘yern.

Grabe , Diary , enjoy ako sa 17th birthday kanina ng best friend kong si Jayson hihi. Bukod kasi sa masasarap na pagkain eh may mga bisita rin siyang masasarap huhuness. ‘Yong mga kasama niya sa pag-basketball , Diary. Kaso naiinis ako sa kanila. Eh kasi naman eh! Tinutukso nila boy bespren ko na bakla rin daw kasi nga kaibigan niya ako. Ang harsh nila , Diary ‘no? Hindi ba puwedeng makipagkaibigan ang isang straight na lalaki sa mga bakla? Bakit? Hindi naman kabawasan sa pagiging lalaki ‘yon ah? Nakakadagdag pa nga ng pogi points kasi marunong silang rumespeto ng tulad kong binabae. At saka, por que ba sumasama o kaibigan ang bakla eh bakla na rin? Ang stupid nila , Diary. Nakakainis hmp! Gusto kong kumuha ng gunting at putulin ang mahahaba nilang— hmm, Diary? Anong naiisip mo? Ambastos mo na naman ah hihi. Gusto ko lang naman putulin ang mahahaba nilang sungay. Sa sobrang haba kasi, andami nang branches. Anueyorn? Business lang ang peg? Hmp!

So ‘yon na nga , Diary. Sinabihan ko na lang si Jayson na huwag nang pakinggan ‘yon kasi masisira lang talaga pinaka-importanteng araw niya. Sabi ko sa kaniya, alalahanin niya lang lagi na nagmamahalan kaming dalawa hihi. Siyempre echoss lang , Diary! Hanggang friends lang kami ‘no! Oo, ako na ang nang-friendzone sa kaniya hihi. Mahirap na! Ang isang baklang tulad ko kasi ay hindi nararapat sa tulad niyang lalaking pinapantasya ng karamihan. Isang kahihiyan kaya ‘no! Buti na nga lang at hindi siya nahihiya na ipagmalaking kaibigan niya ako. Overcooked ako , Diary dahil sa ginawa niya huhuness. Tama ba ‘yong term ko , Diary? Overcooked ba ‘yong english no‘ng feeling na parang labis-labis kang na-touch. Parang ganern! Hihi basta may over ‘yon hihi nakalimutan ko lang.

Bakla, may chika pa ako hihi. ‘Eto kasing si Jayson chinachansingan ako kanina eh hihi. No‘ng kukuha na sana ako no‘ng spaghetti na anemic hihi. Hindi ko alam kung anong tawag do‘n basta parang spaghetti siya na hinaluan ng tamodchii kasi amputi hihi. Basta ‘yorn, tawagin na lang natin siyang “Spaghetting Anemic” , no‘ng kukuha sana ako no‘n eh biglang tinapik ni Jayson ang puwet ko huhuness. Parang may kuryente tuloy akong naramdaman. Vibrator ba kamay niya , Diary? Hihi echoss lang

Grabe rin makatitig sa akin si Jayson , Diary. Naiilang ako sa ginagawa niya kasi siyempre magkaibigan kami tapos gano‘n siya tumingin sa akin habang kumakain ako. Naiisip ko tuloy na baka nilalait niya ako sa isip niya huhuness. Parang gan‘to, “ Ang takaw naman ng baklang ‘to! ”, parang gano‘n , Diary. Ewan ko ba, pero siyempre lamunara ang Nyokla cheness niyo kaya gora lang ako sa paglamon ko hihi.

So ‘yon na nga , Diary. Busog na busog din ako hihi. Ang PG ko ‘no? ‘Yaan mo na, once a year lang naman ‘yong birthday niya eh.

Diary, alam mo ba na kanina eh pumunta rin si Howard sa bday ni Jayson? Siyempre ‘di mo alam, eh wala ka naman kasi do‘n kanina eh hihi. Don't worry, next time isasama kita. So ‘yon na nga, tumabi pa sa akin si Howard , Diary. Tapos kinausap niya ako owemjiiii!

“ Hello, kumusta ka Porschia? ” Diary, alam mo ba na parang tumibok nang bonggang bongga ang aking heart dahil sa boses niya. Huhuness, why namern kasi ampogi ng boses niya ebritaym na binabanggit niya name ko huhuness. Para tuloy akong nasa ulap.

“ Ayos naman, ‘di ko in-expect na darating ka rin pala. ” Nginitian ko siya , Diary , tapos sumubo ako ng isang hotdog hihi. Malaswa na ba ako, Diary? ’Di naman siguro ‘no?

“ Hindi pa ako kumakain pero parang nabusog na ako, ” aniya. Diary, nagshashabu ba ’tong si Howard? Hindi pa nga siya kumakain pero nabusog na raw. Ano kaya ’yon?

“ Bakit naman? ” tanong ko , Diary habang kumakain ng spaghetti hihi. Oh echosera, alam ko na spelling ng spaghetti hihi.

“ Kasi nakita na kita. ” Bigla akong nasamid, Diary nang sabihin niya ’yon huhuness. ’Yong spaghetti pa ngang kinakain ko eh biglang lumabas sa ilong ko maygash! Naging kulay puti bigla, Diary. Bakit kaya? Hmm, hinigop siguro ng ilong ko ’yong sauce hihi. Shutay nyutom din pala ilong ko owmaygash!

“ Enebe , pere keng tenge! ” Hinampas ko siya sa braso, Diary. Grabe, ang sherep-sherep ng braso niya , Diary. Parang gusto kong lumuhod sa kaniya at isubo ang— echosss, bawal malaswa rito, Diary ha?! So ’yon na nga, parang gusto kong lumuhod at magmakaawang yakapin niya ako huhuness. Why naman kasi ampogi ni Howard at ang hot-hot pa? Shutang-inerns.

Tumawa lang din si Howard , Diary. Grabe, ang ganda-ganda ng ngipin niya , Diary , parang gusto kong magpakagat hihi.

Magsasalita na sana si Howard , Diary , kaso bigla akong pinatayo ni Jayson. Why kaya?

“ Halika na, Potchi, iuuwi na kita. ” Hinila niya ako , Diary, kaso biglang pinigilan ni Howard si Jayson tapos hinawakan niya ’yong isa kong braso. Feeling ko tuloy eh pinag-aagawan ako nila , Diary. Taray ko ’no? Entry #4 pa lang pero may nag-aagawan na hihi. Ganiyan ako kagondo!

“ Nakita mo naman pre na kumakain pa si Porschia eh, hayaan mo muna siya rito. ” Bigla akong hinila ni Howard , Diary , kaya bigla akong napayakap sa kaniya. Siyempre eksena lang ’yon ’no, ang totoo sinadya ko talagang yakapin siya hihi.

“ Teka nga lang, imbitado ka ba rito sa birthday ko?Hindi ko maalalang inimbitahan kita, ” kunot-noong tanong ni Jayson sa kaniya. Grabe, Diary, kahit galit si Jayson eh mas gumaguwapo siya hihi. Nagiging hot din siya. Parang gusto kong magpaliyab sa kaniya hahaness.

“ Baka nakakalimutan mong kaibigan ko ang Kuya mo? ” tugon ni Howard sa kaniya, Diary. Naiinis na ako! Bakit kasi kailangan pa nilang mag-away dahil sa akin? Huhuness, ang ganda-ganda ko na tuloy.

“ Puwes, hindi kita kaibigan! ” Walang pasabing bigla akong hinila ni Jayson , Diary , at dinala sa labas. Kainis ’tong si Jayson, kumakain pa nga ako kanina eh! ’Di ko tuloy nakain lahat hihi. Shutay nyutom ako ’no? Hayaan mo na, kuwento ko naman ’to.

Hindi na ako nanlaban kay Jayson, Diary , kaya sumunod na lang ako sa kaniya. Hinatid niya ako pauwi sa bahay gamit ’yong motor niya. Siyempre , Diary, malantod ako kaya nakayakap ako sa kaniya habang nagmamaneho siya. Ewan ko ba kay Jayson, Diary, kasi kapag ibang lalaki niyayakap ko eh nandidiri sila pero siya? Hindi mo makikita na naiilang o nandidiri siya. Kaya proud akong naging bestfriend ko si Jayson hihi.

No’ng nakauwi na ako , Diary , eh kaagad ko rin siyang kinausap. Tinanong ko siya kung bakit niya ginawa ’yon pero ayaw naman niya akong sagutin. Why kaya? Siguro napansin na ni Jayson na nakarami na ako ng nakain hihi. Gutom kasi ang amo mo, Diary. Hihi.

Nang makaalis na siya , Diary , eh doon ko lang namalayan na hawak-hawak ko pa pala ’yong tinidor na ginamit ko kanina. May tira-tira pang spaghetti do’n kaya kinain ko muna hihi. Nang masimot ko na eh tinapon ko na papunta ro’n sa kabilang bakuran ng jejemong neighbors namin. Hindi ko naman akalain na andun pala ’yong shungang kapitbahay namin, nagsa-sunbathing kahit dapithapon na, kaya ayon tuloy! Natusok siya ng tinidor na tinapon ko hihi.

Oyy, Diary, next time naman kita susulatan. Abangers na kasi ’tong modules ko. Don’t worry, next time dadamihan ko na lahat ng entry ko hihi. Labyuuu , Dairy!

Nabitin sa handaan,

Porschia.

---

Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon