KABAKLAAN ENTRY #25

24 6 7
                                    

Hi mga baklaaa! Please don't forget to vote, comment, and share. Hihi. Enjoy reading. Salamat!

***

Dear Diary,

Hello, Diary! Kumusta ka? Ayos lang ba pakiramdam mo? Ako kasi hindi. Hindi ko alam kung magiging maayos pa ba ang pakiramdam ko dahil sa mga nangyari.

Napakabilis nga naman talaga ng nga mangyayari. Masaya pa ako no'ng araw na 'yon eh. As in sobrang saya! Pero 'yong kasiyahang naramdaman ko pala sa ilang sandali lang eh may kapalit na kalungkutang mararamdaman ko sa loob ng ilang araw. Bakit naman gano'n? Bakit kailangan pang mabuo ang problema? Bakit kailangan pa nating umiyak? Ayoko na, diary. Ang sakit-sakit na.

Maraming nagsasabi na masakit daw kapag hiniwalayan ka ng jowa mo. Parang guguho raw ang mundo mo. Hindi mo raw kakayanin pang mabuhay. Pero para sa akin, mas masakit talaga kapag nawalan ka ng tunay na kaibigan. 'Yong kaibigang tunay na nagmamalasakit sa 'yo.

Nakakainis kasi talaga ang pag-ibig! Letse! Gusto kong hanapin ang pag-ibig na 'yan at murahin nang murahin! Gusto kong sabihin sa kaniya na shutanginerns mo! Hayff ka! Bakit kailangan mo pang guluhin ang tulad naming super duper close na magkaibigang hayuff ka!

Nasira ang pagkakaibigan namin ni Jayson dahil lang sa letseng pag-ibig na 'yan. Well, hindi naman totally nasira pero sigurado akong may lamat na. 'Yong tipong kahit lagyan mo ng maraming band aid 'yong sugat na nabuo, hindi na no'n mabubura ang peklat dahil lang diyan sa letseng pagmamahal na 'yan!

Diary, paano ko nasabi na tuluyan nang nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan namin ni Jayson? Well, ganito kasi 'yon.

Hindi na niya ako kinukulit. Hindi na niya ako tinatawagan o tinetext man lang. As in hindi na! Hinding-hindi ko na maramdaman ang presensiya. Totoo nga ang sinabi niya, iiwas na talaga siya. Pero naaalala mo ba 'yong sinabi ni Jayson, diary?

“ Potpot, please, sabihin mo sa akin. Kapag sinabi mo sa aking mahal mo ako, ipapangako ko sa 'yo na ikaw langang magiging laman ng puso ko. Handa kitang ipaglaban. Pero ayaw ko namang umasa sa wala, Potpot. Kapag sinabi mong hindi mo ako mahal, huwag kang mag-alala. Ako na ang kusang lalayo. Hindi na kita kukulitin pa. Pero ipapangako ko pa rin sa 'yo na kung sakali mang ako na ang kusang lumayo, hindi pa rin magbabago ang pagtingin ko sa 'yo. Mababawasan lang no'n ang pagpaparamdam ko kung gaano kita kamahal. ”

Diary, inuusig talaga ako ng konsensiya ko. Alam kong mahal na mahal ako ni Jayson. Hindi naman ako ganoon kamanhid para hindi 'yon maramdaman. Napakadaling mahalin ni Jayson, diary. Napakadali. Pero bakit hindi ko magawa? Bakit parang may tumutulak sa aking huwag tanggapin ang pagmamahal na ibinibigay niya. Bakit may pumipigil sa akin na mahalin siya pabalik? Dahil ba 'to sa feelings ko para kay Howard? Pero mukhang hindi naman. Hindi ko talaga alam kung ano.

Natatakot ako para kay Jayson, diary. Alam kong kahit tuluyan niya na akong iniiwasan ay sigurado akong hindi niya malilimutan 'yong sinabi ko. Alam kong hindi niya makalilimutan 'yong eksena na kung saan pinagmukha ko talaga sa kaniya na hanggang kaibigan ko lang siya. Diary, gusto kong humingi ng sorry kay Jayson nang ilang beses pero paano? Wala na akong mukhang maihaharap sa kaniya.

Alam mo bang pumunta ako noong isang araw sa kanila? Siyempre hindi mo alam kasi ngayon ko pa lang sinabi sa 'yo. Pero oo, diary. Pumunta ako sa kanila noong isang araw. Pinuntahan ko siya para humingi ulit ng tawad. Para makausap siya nang mas maayos. Alam ko kasing nadala lang din siguro siya sa emosyon niya noong nakaraan kasi nga naka-inom siya.

Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )Where stories live. Discover now