MaS Entry 32

89.5K 2.4K 188
                                    

MaS Chapter 32

Nagising ako na medyo masakit ang katawan, tinignan ko ang buong paligid at puro puti ang nakikita ko. Pumikit ako at doon ko naalala ang nangyari, may batang patawid sa karsada at tumakbo ako papunta sakanya para sana iligtas sya dahil may papadaang motor, nahinto ako sa gitna ng daan ng makuha na sya ng nanay nya. At nasa ganoong posisyon ako ng may humaharurot na sasakyan huli na ng mag rehistro sa akin ang mangyayari dahil nahagip na ako ng kotse. Hanggang sa mawalan na ako ng malay.

"Okay lang po ba sya doc?" Narinig ko ang boses ni Mama.

"Dont worry Mam your daughter is fine. Nag karoon lang sya ng mga Wounds at pasa pero hindi naman malala. Pasalamat nalang ho tayo at hindi sya napuruhan at sugat at pasa lang ang nakuha nya dahil sa pag kakahagip sakanya. Ang malala ang pinsala ay yung nag mamaneho ng sasakya, dahil sumalpok sya sa pader para lang maiwasan ang anak nyo." Rinig kong sabi ng lalaki

Dumilat ulit ako at nakita ko si mama na papalapit sakin.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Sabi nya at hinawakan ang kamay ko.

"Ayos lang ma" sabi ko at saka umupo. Nakita ko ang braso ko na may pasa at sugat.

"Masakit ba ang sugat mo?" Tanong nya. Umiling lang ako bilang sagot.

"Ma, narinig ko yung sabi ng doctor. Puntahan natin yung may ari ng kotse" sabi ko. Alam kong kasalanan ko ang nangyari, sino ba naman ang matinong tao na tatayo sa gitna ng daan?

Nakaupo ako sa wheelchair, at nasa likod si Mama at tulak tulak ang inuupuan, kaya ko namang mag lakad pero noong nakita nya ang pasa ko sa binti ay nag pakuha na agad sya ng wheelchair sa nurse. Papunta kami sa kwarto ng may ari ng kotse'ng nakahagip sa akin. Nakausap ko ang asawa nya at sinabing stable na ang lagay ng asawa nya, humingi ako ng sorry sa nangyari. Ngumiti sya at sinabing okay lang dahil may kasalanan din ang asawa nya dahil nakainom ito. Kinamusta nya pa ang kalagayan ko, sinabi ko na sugat at pasa lang naman ang natamo ko. Nag kwentuhan ng konti bago kami nag paalam. Bago kami umalis ay nag sorry ulit ako, ngumiti lang sya at sinabing ang kulit ko daw pala.

Bumalik kami sa kwarto ko, bukas pa ako pwedeng lumabas dahil alas dyes na ng gabi ngayon. Nag pahinga na ako para mabilis ang oras at para makauwi na

***

Nagising ako ng maramdaman kong may maliit na kamay na humahawak sa kamay ko. Dumilat ako at nakita ko si Artemis na hawak hawak ang kamay ko, na oara bang gusto nyang alisin lahat ng nararamdaman ko. Nakatitig lang ako sakanya, nang bigla syang tumingin sa akin at ngumiti saka itinaas ang dalawa nyang kamay.

Agad akong umupo saka sya kinuha kay Papa. Pinag hahalikan ko sya sa mukha at leeg kata Tili sya ng tili at pinalupot ang maliit nyang braso sa leeg ko.

"Hindi ba masakit ang mga sugat mo?" Tanong ni Papa

"Medyo mahapdi lang, pero kaya ko na" sabi ko kay Papa, hinaplos nya ang buhok ko.

"Sa susunod kasi wag kang tatambay sa gitna ng daan" sabi ni Papa, sumimangot ako sa sinabi nya. Tinawanan nya lang ako.

"Pa, pag labas ko mamaya, kain tayo sa Mcdo ah" sabi ko. Tumango lang sya bilang sagot.

"Kallen buti gising kaba, ayos yan para maaga tayong makauwi" sabi ni mama pag kapasok sa pinto.

"ayusin lang namin ni Papa mo yung bill para makalabas kana." Sabi ni Mama, ngumiti lang ako saka tumango.

Lumabas na sila ni Papa kaya kami nalang ni Artemis ang nasa kwarto.

Nag kulitan lang kami ni Artemis.

"Sino ang magandang mommy ni Artemis?" Tanong ko kay Artemis habang nakaupo sya sa hita ko at nakaharap sa akin. Kinakausap ko siya na para bang naiintindihan nya ako.

"Si Mommy Kallen" masayang sabi ko at pinag hahalikan sya. Tawa sya ng tawa.

"Artemis, pinapangako ni Mommy na magiging mabuti akong ina sayo ah, tatandaan mo yan. Kung noong una ay hindi ko matanggap na may anak na ako sa batang edad ngayon ko pinag sisisihan iyon. Kung alam ko lang na ganito pala kasarap na tanggapin ang sarili mong anak sana noon pa ay tinanggap na kita ng buong puso. Alam mo ba feeling ni Mommy nadagdagan ang 10 years ang buhay ko. Basta Artemis dito kalang ha? Wag na wag mong iiwan si Mommy. Magiging maayos ang lahat pangako iyan, wala ka mang daddy pero meron ka namang tatlong papa. Si papa Mj, si Papa Miguel at si Lolo Papa, o diba ang dami? " sabi ko, tawa lang sya ng tawa na para bang naiintindihan nya talaga ang lahat ng sinabi ko.

"Anak mo sya?"

Napalingon ako sa pintuan at halos makalimutan ko ang pag hinga ko. Nakatayo sa pinto ay ang lima kong kaklase si Ches, Kath at Thea. At dalawang lalaki pa na kabarkada nila Thea at Pierre. Nasalikod ng naka ngising si Thea habang pinitignan ako.

"Ang sarap namang pakinggan ng sinabi mo Kallen." Sabi ni Kath

"A-anong ginagawa nyo dito?" Kinakabahang tanong ko.

"Nagulat kami ng mabalitaan namin na naaksidente ka, pero mas nakakagulat pala ang maaabutan namin" sabi ni Kath na nakatingin sa batang yakap yakap ko.

Lalo kong hinigpitan ang yakap kay Artemis buti nalang at nakatalikod sakanila ang anak ko.

Bakit hindi ko agad pinansin ang pag bukas ng pinto para tignan kung sino ang pumasok? Bakit naging panatag ako na si Mama at Papa lang ang labas pasok sa kwarto ko? Bakit nakalimutan kong masa ospital ako, na kahit anong oras ay pwedeng may pumunta?

"Pwede bang makita ang baby mo Kallen?" Sabi ni Ches

"Lets go guys, baka may malanghap pa tayong germs dito" maarting sabi ni Thea at lumakad palayo.

Nag silabasan na silang lahat at naiwan akong nakatulala. Anong gagawin ko?

***

Depressed si Palibhasa pusa.

Mom at 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon