MaS Entry 45

86K 2.1K 292
                                    

"Artemis, alam mo ba kung sino ang Daddy mo?" Malumanay kong tanong kay Artemis. Pumunta ako sa kwarto nila dahil hindi ako mapakali sa nakita ko nakaupo kaming dalawa sa gitna ng kama nila ni Near. Kanina pag uwi nila, masayang masaya ang mukha nya. At may dala sila ni Near ng mga bagong laruan, may dala pa nga sya saking lasagna pinabibigay daw ng sicret admirer ko.

Nakatingin lang sya saakin, na parang nag iisip kung sasabihin nya ba saakin o hindi.

"Sige na, hindi ako magagalit" sabi ko sa hinaplos ang buhok nya. Nakayuko sya saka dahan dahang tumango.

Kahit ineexpect ko na ang sagot nya ay hindi ko maiwasang magulat. Paano nya nakilala si Pierre?

"But he told me na huwag sabihin sayo kasi baka magalit ka." Mahinang sabi ni Artemis

"Are you happy?" Tanong ko sakanya. Tumingin lang sya sa kin na may pag tataka sa kulay asul nyang mata.

"Are you happy when you saw him?" Tanong ko.

Ngumiti ang anak ko at saka sunod sunod tumango. Sa loob  ng pitong taon na nakasama ko si Artemis ngayon ko lang nakita ang mga ngiting nakikita ko sakanya ngayon. Alam kong masaya sya noon pero alam ko rin na mas masaya sya ngayon na nakita na nya ang Daddy nya.

"You're not mad Mom?" Tanong ni Artemis.

"No Baby, hindi ko magagawang magalit sa nag bibigay ng kasiyahan sayo." sabi ko sakay sya dinampian sa labi. Halik ng isang ina sa anak. Mabilis na yumakas sakin si Artemis.

"I love you Mom" sabi nya.


"I love you too baby"

***

"Okay Sir" sabi ng babae na tingin ko ay Secretarya nya

"Pasok na po kayo Ma'am" sabi ng babae. Nginitian ko sya at saka kinakabahang lumapit sa isang glass door kung saan ang opisina ni Pierre.

Nalaman ko na si Papa pala ang dahilan kung paano nagkita ang ang dalawa. Nag kita daw sila sa Mall noong pinapasyal nya ang dalawa, sinabi nya din daw na anak ko sa naging boyfriend ko sa London si Near. Medyo nainis ako ng nalaman ko na sinabi nya kay Pierre iyon, pero mabuti na rin siguro iyon para walang masyadong makaalam sa tunay na pagkatao ni Near.

Huminga ako ng malalim at saka bahagyang itinulak ang pinto. Bumungad sakin ang black and white na loob  ng opisina, simple lang ang desenyo nito pero kung kilala mo si Pierre malalaman mo agad na sakanya opisina ito.

Dahan dahan akong nag lakad, nakita ko ang isang lalaki na nakaupo sa isang swivel chair, naka puting long sleeve, naka loose ang necktie at nakabukas ang tatlong bitones ng suot na long sleeve at seryosong nakaharap sa laptop.

Dumoble ang kaba ko habang nakatingin sakanya. Ibang iba na ang itsura nya simula noong huli naming pag kikita. Kahit hindi sya nakatingin saakin ay kita kita ko ang physical na nag bago sakanya. Mas lumaki ang katawan nya, mas nadepina ang magandang hubog ng panga nya dahil sa pagkakatali ng kulay blonde na nyang buhok.

Tumikhin ako para kuhanin ang atensyon nya. Nagtagumpay naman ako dahil tumingin sya sa akin, nakatitig lang sya pero wala akong makitang emosyon sakanya. Kahit na kinakabahan ay naglakad ako papunta sa lamesa nya  at habang nag lalakad ako ay nakatitig lang sya sa akin kaya medyo nailang ako.

"Take a sit" seryosong sabi nya. Pati boses nya ay mag bago ng kaunti. Mas naging lalaking lalaki ito. Pinilig ko ang ulo ko para tigilan ang pagpuna ko sa mga pag babago kay Pierre.

"Andito ako dahil sa anak ko" umpisa ko.

"Anak natin." pag tatama  nya saka sumandal sa swivel chair nya. Saka muling tumitig sa mukha ko, umiwas ako ng tingin. Nakakainis lang dahil nakalimutan ko ang gusto kong sabihin.

Mom at 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon