MaS Entry 35

91.8K 3.1K 421
                                    

"Hindi natin kailangan manghusga ng kapwa natin, dahil lang sa nakikita natin. Kilalanin nyo sya, at doon nyo sabihin ang natuklasan nyo. Katulad kay Kallen, hinusgahan nyo sya agad dahil nagkaanak sya ng maaga. Kung ano anong masasamang salita ang lumalabas sa mga bibig nyo patungkol sakanya, pero sa inyong mga kaklase nya. May nakakakilala ba ng lubos kay Kallen? Alam nyo ba ang pinag daanan nya? Kasama ba kayo sa pag hihirap na naranasan nya? Hindi naman diba? Hindi din ako pabor na may estudyante akong maagang nagkaanak, pero humanga ako sa lakas ng loob ni Kallen na harapin ito na sya lang mag isa. Kayo ba kayo nyo? O baka mamatay kayo sa kahihiyan? Kaya imbis na husgahan sya at pag salitaan ng masasama, bakit hindi nyo sya hangaan nalang dahil kahit hindi sya handa ay pinilit nya, sinubukan nya. Hanggang sya mismo ay matanggap nya, at isa pa kahit kailan hindi naging option ang abortion. Isang malaking kasalanan iyon lalo na sa dyos, anyway alam nyo naman na siguro ang tama at mali. Any question? Tungkol sa topic?" Tanong ni Ma'am

"Ma'am pwedeng magtanong ako kay Kallen" sabi ng kaklase kong babae.

Napatingin sakin si Ma'am na parang nag tatanong. Tumango lang ako bilang sagot.


"Okay, please stand up" sabi ni Ma'am. Tumayo ang kaklase isa kong babae.

"Ang sabi mo hindi mo sya natanggap noong una, tanggap mo naba sya ngayon?" Tanong nya.

"Hindi ko agad sya natanggap noon dahil hindi pa ako handa na maging ina, at natatakot ako sa sasabihin ng mga nakakakilala sakin. Umabot sa puntong gusto ko na si mama ang makilala nyang ina at hindi ako, pero sa tuwing tinititigan nya ako at parang alam nya na ako talaga ang mommy nya. Sa tulong ng mga kuya at mama ko, nag tulungan sila na ipaantindi sakin ang lahat. Sinabi nila ang lahat ng mali sa ginagawa ko, at ginabayan nila ako sa mga dapat kong gawin. Hanggang sa unti-unti namamalayan ko nalang na nahuhulog na ang loob ko sa anak ko, nahalos hindi na pala para sakin ang puso ko kung hindi para na sa anak ko." Sabi ko may isa ulit nag taas ng kamay para magtanong. Pinatayo sya ni ma'am


"Masakit bang manganak?" Tanong ni Cero, nag tawanan ang mga kabarkada nya sa tinanong nya.


"Bakit pre gusto mong maranasan? Kaso pang babae lang yon!" Kantyaw ng isa nyang barkada.


"Ang totoo hindi ko alam ang pakiramdam, isa iyon sa pinag sisisihan ko hanggang ngayon. Yung pakiramdam na mula sa loob mo ay ilalabas mo ang batang habang buhay na mag mamahal sayo. Noon kasi ang nasa isip ko lang na mailabas ko lang sya at tapos na ang responsebilidad ko sakanya. Nabaliwala ko ang isang napaka importante bahagi ng buhay ko." Sabi ko,

"Bakit wala kang kaibigan?" Tanong ni Kath, may mga nag tawanan sa tanong nya at sinabing ang layo ng tanong sa topic.

"Dahil takot ako na may makaalam ng tungkol sa anak ko. Lahat ng dati kong kaibagan iniwasan ko, dahil ayokong malaman nila na may anak ako at pag kayari ay iwanan. Mababaw ang dahilan pero alam kong iyon ang makabubuti para samin dalawa" sagot ko.

Napatingin ako ng biglang tumayo si Thea at tinignan ako.


"Bakit nagkaroon ka ng lakas ng loob na aminin samin ang tungkol sa pagiging ina mo? Hindi kaba natakot sa sasabihin sayo ng ibang tao? Hindi ba kaya mo nga hindi matanggap noon ang anak mo dahil takot kang mahusgahan? At kaya ayaw mo syang makita ng iba dahil takot ka sa mga negative comments. Kaya sabihin mo ano ang rason?" Mataray na tanong nya.


"Kulang ang salitang takot noong nakita nyo ako sa ospital habang hawak ang anak ko. Halos mabaliw ako sa kakaisip ng mga posibleng mangyari, mga negative comments na maririnig ko. Pero naisip ko, siguro eto na yung panahon para malaman ng lahat na may anak nga ako. At pina realize sakin ng kuya ko na unti-unti ko ng ipinag kakait sa anak ko ang mundo sa labas ng comfort zone nya, may karapatan din syang makita ang mundo na pilit kong ipinag kakait sakanya. Pinalakas ng pamilya ko ang loob ko, at araw-araw sinasabi nila sakin na nasa likod ko sila kahit na anong mangyari, lagi nilang sinasabi na parte lang ito ng pag subok sakin ng dyos, at lahat ito malalagpasan ko rin." Sabi ko sakanila. Tahimik ang lahat na parang ang lalalim ng iniisip.

"Any questions?" Tanong ni Ma'am. Pero walang sumasagot, parang busy sila sa kani-kanilang mundo.

"Kung wala na, Kallen pwede kabang mag bigay ng advise sa mga kapwa mo estudyante?" Sabi ni ma'am.

"Kung kaya nyong iwasan, iwasan nyo kasi hindi madaling maging ina sa batang edad. Mahirap ang responsibility na nakapatong sa bawat isang babae pag naging ina na sya. Ngayon ko nakita ang hirap ni Mama noong mga bata kami, yung pagod at mga sakrepisyo. Walang madali, pero lahat natututunan. Huwag nyong tularan ang pagiging ina ko sa batang edad, marami pang mangyayari sa bawat isa sa atin. Oo nga't may anak na ako pero hindi pa dito natatapos ang buhay ko. Huwag kayong mag madali, at habang nag hihintay kayo ng tamang panahon, mahalagahan nyo ang pamilya nyo lalo na ang magulang. Kasi base sa naranasan ko, sa lahat ng pinagdaanan ko hindi ako iniwan ng pamilya ko. Pamilya ang unang magiging sandalan mo pag nahihirapan kang tumayo mula sa pag kakadapa mo, sila ang unang sasalo sayo pag dumating ang panahon na hindi mo na kayang kumapit. Sila ang higit na makakaintindi kaysa sa kaibigan mo." Sabi ko. Tahimik silang lahat hanggang pumalakpak si Ma'am Nestlee. Hanggang nasundan ng isa, dalawa hanggang hindi ko na mabilang.

***


Nag breaktime at inayos ko na ang mga gamit ko, wala na akong masyadong naririnig tungkol sa hot issues sa school. Pag kaayos ng gamit ko ay nag lakad na ako balak kong pumunta sa library para tumambay. 'Tumambay? Baka para iwasan ang mapanuring tingin ni Pierre' tudyo ng isang bahagi ng utak ko.

Papasok na ako sa library ng may biglang humatak sa kanang braso ko at hinatak ako sa isang room katabi ng Library. Pagkasara ng pinto ay mabilis nya akong isinandal doon, mahigpit ang pag kakahawak nya sa braso ko.

Tumingala ako at nasalubong ko agad ang kulay asul nyang mata na puno ng galit. Alam ko galit sya base sa higpit ng pagkakahawak nya sa braso ko.


"Who's the fucking father?" Madiing tanong nya.

***


Magulo ba? Paki intindi nalang ...

Pengeng Comment saka Vote!

Mom at 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon