MaS Entry 9

102K 2.8K 349
                                    

Simula ng harapin at tangapin ang responsibilidad ko kay Artemis. Ay araw- araw kong ipinag dadasal na sana makaya ko lahat ng pag subok kakaharapin ko bilang ina nya. Sana wag naman masyadong mabigat. Na sana huwag biglaan. Na kung pupwede ay bigyan ako ng sign.

Nag uumpisa palang ako. Kaya hindi ko pa alam kung paaano humandle ng mga mabibigat na pagsubok.

Pero sa nangyayari ngayon, mukang hindi nya pinakingan ang araw araw kong dinarasal.

Dahik Nasa harapan ng klase namin ngayon ang lalaking may blonde na buhok at asul na mata.

* * *

Balisa ako pag kayari ng tatlo naming subject sa umaga. Dumiretso ako sa cr ng mga babae at pumasok sa isang cubicle. Nanginginig ang katawan ko, gustong gustong kumawala ng mga sari-saring emosyon.

Hindi ko alam na tumutulo na pala ang luha ko. At isa lang ang nararamdaman ko. Nasasaktan ako. Triple to sa sakit ng iniwanan nya ako. Pag Na alala ko ang nangyari kanina. Pag kayari ng first period namin ay nilapitan ko sya. Tinignan nya ako at tinanong ang tanong na hindi ko alam na sobra pala ang dulot na sakit.

Ganoon naba nya kaayaw sa akin? Ang mag pangap na hindi nya ako kilala?

* * *

Umuwi ako sa bahay pag kayari ng klase ko ng umaga.

Pagdating sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko at nag kulong. Kusang tumutulo na parang may sariling buhay ang mga luha ko. Sa tuwing binabalikan ang sa utak ko ang nangyari kanina.

Nang tinanong nya kung sino ako? Bakit kailangan nya pang mag kunwari na hindi nya ako kilala?

Nag pahid ako ng luha ng bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Mama na dala ang natutulog na si Artemis.

Nilapag nya si Artemis sa crib at lumapit sa akin. Naramdaman ko ang kamay nya na humahagod sa likod ko kaya lalo akong naiiyak.

Ang kaninang iyak ko ay naging hagulgul na. Patuloy parin sa pag hagod sa likod ko si Mama.

"M-ma.. B-bumalik na s-sya.." sabi ko kay mama sa kalagitnaan ng pag iyak ko.

"P-pero nag p-papangap sya na h-hindi nya ako k-kilala. M-ma ang sakit!. Ang sakit sakit!"

Hindi kumikibo si Mama at hinahagod lang ang likod ko.

Nang kumalma na ako ay hinawakan nya ang mukha ko at hinarap sa kanya.

"Tahan na.. Normal lang masaktan ang mga taong nag mamahal" sabi nya sa mahinahong tinig

"Pero Ma, hindi ko kaya yung sakit. Lalo na't malapit lang sya sa akin."

"Bakit hindi ka kumuha ng lakas sa Anak mo? Bakit hindi mo gawing dahilan ang Anak mo para makaya ang mga sakit na nararamdaman mo. Bakit hindi mo gawing dahilan si Artemis para mabuhay. Hindi mo kailangan ang ama ni Artemis para masabing buo ang pamilya nya. Andito kami, kami ang pamilyang nag mamahal sa inyo."

"Pero Ma, mahal ko sya! At gusto kong lumaki si Artemis na kumpleto ang pamilya nya." sabi ko at patuloy pa rin ang pag iyak.

"Hindi kayo matatawag na pamilya hangga't isa lang ang nag mamahal sa inyong dalawa. Mag kakasakitan lang kayo, hanggang masira ang sinasabi mong pamilyang pag hihirapan mong buo-in."

"Sasabihin ko sa kanyang may Anak kami." desididong saad ko. May karapatan naman talaga syang malaman ang tungkol kay Artemis. Dahil sya ang Ama.

"At ano sa tingin mo ang mangyayari? Na ma aalala kana nya? At pagkayari ano? Paano nya tutustusan ang pangangailangan nyo kung magsama man kayo? Hihinto sya ng pag aaral at magiging gasoline boy o constraction worker? Ganoon ba ang gusto mo?!" sabi ni mama. Nakatingin lang ako sa ngayon ay galit nyang mata.

"Mayaman sila" sabi ko nalang . Ang totoo ay wala na akong masabi. Dahil lahat ng sinabi ni Mama ay may punto.

"Tingin mo ba tatangapin kayo ng mga Wayland? Magiging Kahihiyan ang ama ni Artemis sa pamilya nila."

"Bakit parang ayaw nyo akong maging masaya? Bakit parang ayaw nyong mabuo ang pamilya ko?!"

"Yan ba ang tingin mo sa pag poprotekta ko sayo?. Kallen, hindi mo ako katulad. Lahat gagawin ko para sa anak ko. Dahil walang ina ang ayaw sumaya ang anak nila. "

Napaawang ang bibig ko ng makita kong galit at sakit sa mga mata ni mama. Para akong tinamaan ng kidlat.

"Akala mo ba okay lang sa akin ng mabuntis ka?! Gabi gabi tinatanong ko sa sarili ko kung saan ako nag kamali sa pag papalaki sayo! Masakit sa akin na sa batang edad mo ay mararanasan mo ang hirap ng responsibilidad bilang ina. May narinig kaba sa akin?! Binibigyan kita ng panahon para maging handa sa responsibilidad mo sa anak mo. Hindi ako nag sasalita sa pambabaliwala mo kay Artemis. Inintindi kita, dahil hindi kapa handa. Tinangap ko lahat ng pag kakamali mo dahil anak kita! Dahil mahal kita!"

Nakayuko ako habang umiiyak. Nasasaktan si Mama pero masyado akong naging makasarili. Mas pinag tuunan ko ng pansin ang sakit ng pag iwan sa aking ng ama ni Artemis. At hindi pinansin ang sakit na nararamdaman ni Mama ng malaman nyang buntis ako.

"Mula ngayon bahala ka na sa gusto mong gawin sa buhay nyong mag ina. Hindi na kita pakikialaman. Gawin mo ang sinasabi mong makapag papasaya sa inyo." sabi ni Mama at lumabas ng kwarto ko.

* * *

-_-

Mom at 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon