MaS Entry 11

97.9K 2.6K 83
                                    

Nang nagising aako ay nasa Clinic na ako ng school. Pinayuhan lang ako ng nurse ng school na mag pahinga at gumawa na sya ng excuse letter para sa akin. Medyo okay na ang pakiramdam ko. Dahil siguro sa nakatulog na ako. Hindi ko alam kung paano ako napunta dito. Ang natatandaan ko lang ay nag ii-iyak ako habang naka upo sa gitna ng hallway. Nakakahiya kung may nakakita man sa nangyari. Para siguro akong bata na inagawan ng candy. Parang hindi ako isang ina sa inasta ko.

Nang uwian ng tanghali ay nag paalam ako sa nurse na uuwi ako at sa bahay nalang mag papahinga. Pumayag naman sya.

Pag dating ko sa bahay ay hindi ko nadatnan si Mama. Dumiretsyo na ako sa kwarto ko.

Nagpalit lang ako ng damit pambahay at humiga sa kama ko. Saka tumitig sa kisame.

Naguguluhan ako! Hindi ko alam kung ano ang susundin ko. Ang utak ko o ang puso ko? Gusto kong habang lumalaki si Artemis ay may kilalanin sya ama. Pero tama si Mama, hindi kami tatangapin ng pamilya nya. Siguradong pag nalaman ng mama ni Pierre na may anak kami ay gagawa sya ng paraan para mawala kami. Simula palang naman ay ayaw na sa akin ni Mrs. Wayland.

At ngayon, hindi ko alam kung totoo bang hindi nya ako nakikilala o nag papanggap lang sya.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito at pumasok si mama buhat buhat si Artemis na nakasubo nanaman ang maliit na kamay sa kanyang maliit na bibig.

Inilapag nya sa tabi ko si Artemis. Ni hindi man lang nya ako tinignan at tuloy tuloy na lumabas ng pinto. Tumulo ang luha ko pag kalabas nya. Ang bigat sa pakiramdam pag galit sa akin si Mama. Gusto kong ngumawa dahil hindi nya ako pinapansin.

Napatingin ako kay Artemis ng humiga ito sa ibabaw ko. Nakadapa sya sa akin at nakaunan sya sa dibdib. Parang alam nya na nasasaktan ako. Nag sasalita sya ng kung ano ano habang nakahiga sya sa ibabaw ko. Niyakap ko sya at hinalikan sa ulo. Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng binabalewala ng sarili nyang ina. Masakit!

"Sorry.. Artemis, hindi ko alam na ganito pala ang nararamdaman mo. Babawi si Mommy. Hindi kita mabibigyan ng ama, pero bibigyan kita ng masayang pamilya." sabi ko na parang naririnig nya ang sinasabi ko.

Nakatulog sya sa ganoong pwesto.

Ibinaba ko sya sa kama at binigyan ng dalawang unan sa magkabilang gilid nya. Para hindi sya mahulo. Lumabas ako ng kwarto ko at dumiretsyo sa kwarto ni Mama. Pag bukas ko ng pinto ay nakita ko syang nakahiga sa kama nya. Nakatalikod sya sa akin.

Habang naglalakad pa punta sa pwesto nya ay kagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pag tulo ng luha ko.

Pagkapanhik ko sa kama nya ay niyakap ko sya at sinubsob ko ang mukha ko sa likod nya. Hindi ko na mapigilan ang luha ko. Iyak ako ng iyak habang nakayakap sa kanya.

"M-ma... S-sorry!"

Humarap sya sa akin at kinabig ako papunta sa kanya at niyakap ng mahigpit. Nakasubsob ako sa dibdib nya habang patuloy parin sa pag iyak.

"Sssshh.... Tumahan ka na! Daig mo pa ang anak mo sa pag iyak" sabi nya habang hinahaplos ang buhok ko.

"M-ma... Sorry na! W-wag kanang magalit sa akin." sabi ko at pilit pinapatahan ang sarili ko.

"Kallen, hindi naman ako galit sayo. Binibigyan lang kita ng panahon para makapag isip. Oo nga't nasaktan ako sa sinabi mong parang ayaw kitang sumaya. Pero anak kita at mahal kita. Kaya hindi ko na inintindi yon" sabi nya at patuloy parin ang pag haplos sa buhok ko.

"Hindi ko na sasabihin kay Pierre kung ayaw mo Ma" sabi ko at niyakap sya ng mahigpit.

"Hindi naman sa ayaw ko Kallen, kaya lang kasi nagawa ka na nyang iwanan dati. At maaaring iwan ka ulit ngayon. At ikaw na rin ang nag sabi na hindi ka nya naaalala. Nag papangap man sya o hindi. Ibig lang sabihin non ay hindi sapat ang pag mamahal nya para manatili sya tabi mo."

Sabi nya at lalong nag patulo ng luha ko.

"Hindi ka nya magagawang iwan kung malalim ang pag mamahal nya sayo." dugtong nya.

"Ma... Ang s-sakit kasi eh. Nag babaka sakali rin kasi ako na b-bumalik sya sa akin pag nalaman nya na may a-anak kami." sabi ko na patuloy parin sa pag iyak.

"Masakit. Oo, pero kasama yan pag nag mahal ka. Pag nakaramdaman ka ng sakit ay tunay kang nag mamahal." sabi nya at hinawakan ang mukha ko at tinuyo ang luha ko. Saka ako hinalikan sa noo. Tinitigan nya ako sa mata at ngumiti.

"Gawin mo ang tingin mong makakapag pasaya sa inyo ni Artemis. Pero this time susuportahan kita. Anak ko."

"M-mahal kita Mama" sabi ko sa pagitan ng pag hikbi ko.

Mom at 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon