MaS Entry 26

94.1K 2.8K 339
                                    

Naging okay ang lahat kinabukasan. Masaya si Mama dahil nag kaayos na kami ni Papa, sabik si papa kay Artemis lagi nyang karga ito. Ang dami nya ring pasalubong na damit at laruan at kung ano ano pa para kay Artemis. Puro kay Artemis nga lang ang dala nyang pasalubong.

Niloloko sya nga sya ni Mama na mukhang nag gagalit galitan lang daw sya, dahil kung titignan ay parang gustong gusto nito sa bata. Sinagot naman sya ni Papa na labas ang anak ko sa sama ng loob nya sa akin. Masaya na ako kahit ganoon, na hindi sya galit kay Artemis.

Magaan ang loob ko na papasok ngayon sa school. Wala nang nag papabigat ng dibdib ko katulad kahapon.

Natanaw ko agad si Castle na nasa tapat ng room.

"Hey!" Bati ko pag kalapit ko sa kanya.

"Okay kana? Hindi kana bad mood?" Tanong nya agad. Ngumiti ako at umiling.

"Mabuti naman, nakakatakot ka kahapon! Parang mag papakamatay ka anytime." Natatawang sabi nya. Sinimangutan ko lang sya. Naging magaan ang loob ko kay Castle, kahit na makulit sya ay masarap syang kasama.

Nag bell na hudyat na mag uumpisa na ang klase. Nag paalam na sa akin si Castle at pumasok na rin ako sa room at Naupo ako sa upuan ko. Sampung minuto ang lumipas pero wala parin si Ma'am. Maingay ang buong room may kanya kanyang mga ginagawa. Sa ganitong pag kakataon hinihilang ko na sana ay may kaibigan ako para may ka kwentuhan at kakulitan din ako katulad nila.

Ramdam ko ang paminsan minsang pag sulyap sa akin ng barkada ni Thea. Hindi ko nalang pinansin iyon at inabala ang sarili ko sa phone ko.

Napatingin ako sa papel na nalaglag sa desk ko. Tumingin ako sa paligid pero busy ang lahat, nakita ko pa si Pierre na cool na lumabas ng room.

Hindi ko alam kung itatapon o ibabato ko rin ang naka lamukos na papel. Sabandang huli ay napag pasyahan kong buksan at tignan kung kanino papel ito.

Hindi ko naman alam kung paniniwalaan ko ang nabasa ko sa papel

'rooftop- P.E'

Bumilis ang tibok ng puso ko. Alam kong si Pierre ang nag sulat nito, base na rin sa initial na nakasulat. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, may parte sa akin na gusto at mayroong parteng natatakot.

Nang lalambot ang tuhod na tumayo ako at lumabas ng room. Saka tinahak ang daan papunta sa rooftop.

Pag punta ko sa rooptop ay nakita ko sya agad na naka tayo malapit sa railing na nag sisilbing harang sa rooptop.

Nakabulsa ang dalawa nya kamay at naka tingin sa malayo. Lumingon sya sa akin, wala akong makitang kahit na anong emosyon sa asul nyang mata. Ako lang ata ang kinakabahan sa pag haharap namin na ito.

Lumapit ako sa kinaroroonan nya, pero sinigurado ko ang distansya ko.

Tanging sipol lang ng hangin ang matitinig sa paligid. Walang gustong mag salita sa aming dalawa.

Gusto kong mag tanong pero natatakot ako sa magiging sagot nya.

"Kallen"

Napapikit ako sa narinig ko. Nahihirapan akong huminga dahil sa pag pipigil ng emosyong gustong kumawala sa akin. Ayokong umiyak sa harapan nya.

"Bakit?!" Mapait na tanong ko, hindi ko alam kung anong emosyon ang ilalabas ko. Alam kong alam nya ang tinutukoy ko sa tanong ko. Matagal bago sya sumagot.

"I fall out of love"

Kumurap ako ng sunod sunod para pigilan ang pag tulo ng luha ko. Pero walang epekto dahil natuloy parin sila sa pag tulo.

Parang may mga karayom na tumutusok sa puso ko sa mga oras na ito. Oo gusto ko ng closure, pero hindi alam ko alam na ganito pala ito kasakit ang malaman ang katotohanan.

"B-bakit?!" Basag ang boses na tanong ko. Parang ito nalang ang salitang kayang lumabas sa bibig ko ngayon. Pinilit kong huminga ng normal kahit na pigil na pigil ko pag iyak ko.

"I just wasn't inlove anymore."

Napahawak ako sa bibig ko. Ang sakit lang malaman ang totoo. He fall out of love.

Matagal bago ako maka recover sa narinig ko. Pinunasan ko ang nga luha ko at pilit pinatatag ang sarili.

"Bakit nag panggap kang hindi mo ako naaalala?" Tanong ko at pilit na inihahanda ang sarili sa isasagot nya.

"Because I want you to move on. At para hindi ka umasa na babalikan kita."

Napangiti ako ng mapait sa sinabi nya. Akala nya sa pag papangap nya na hindi nya ako naaalala ay makaka move on agad ako? Hindi madali iyon lalo na at araw araw kong nakikita si Artemis.

"Kaya ba gusto mong makipag break sa akin noon? Dahil noon paman ay nawala na ang pag mamahal mo sa akin? At nang hindi ako pumayag ay iniwan mo ako ng walang paalam? Ganoon ba iyon?" Ayako ng umiyak pero sa ganiyong situation ay hindi maiwasan. Pinunasan ko ang pisngi ko ng may maramdaman akong mainit na likidong tumulo mula sa mata ko.

"Yeah"

"B-bakit mas pinili mong umalis kaysa kausapin ako para linawin lahat? Bakit ngayon lang?"

"I have a reason kung bakit ako umalis." Sabi nya sa haba ng pag uusap namin ay ni hindi ko man lang sya nakitang limingon sa akin.

"And you want a closure right? So here i am, i want to clear everything. So you can move on."

Move on? Napakadaling sabihin pero napakahirap gawin. Sana ganoon lang kadali, napag nag hugas ka ng kamay ay mawawala ang lahat ng sakit. Pero hindi eh, mahabang proseso ang pag momove on.

"Gusto mo bang malaman ang mga pinag daanan ko ng iwanan mo ako?" Tanong ko pero hindi sya sumagot. Pinag patuloy ko ang pag sasalita.

"Hindi naging madali, nawala ka pero may panibagong dumating. May mga nagalit. Pero lahat iyon nalag pasan ko ng ako lang mag isa na dapat tayong dalawa ang ang humaharap. Pero nangyari na ang lahat, lahat nakaya ko sa tulong narin ng pamilya ko. Gusto kong mag pasalamat sa lahat ng sakit na naidulot ng pag iwan mo sa akin, nakita ko ang pag papahalaga ng pamilya ko sa akin. Hindi nila ako iniwanan kahit na hirap na hirap akong tanggapin ang katotohanan. Masakit malaman ang totoo, pero ngayon alam ko na ang dapat kong maramdaman sa tuwing nakikita kita. Alam ko kung saan ako lulugar. Salamat sa pag bibigay ng inspirasyon para patuloy na mabuhay. Pierre salamat sa sakit na naidulot mo. Ginising ako non." Mahabang sabi ko at huminga ng malalim bago tumalikod para lisanin ang lugar . at iwanan dito lahat ng sakit na naramdaman ko nitong mga nakaraang buwan.

Desi sais palang ako at may mga magagandang bagay pang nakaabang sa akin. Hindi ko kailangan may stay sa isang lugar na puro sakit lang ang nararamdamam. Kailangan kong umusad kailangan kong umabante para makita ang nakaabang sa akin.

Mom at 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon