MaS Entry 55

80.5K 1.8K 659
                                    

"Thank you Mr ang Mrs Martinez" sabi ni Pierre sa dalawang matandang Martinez saka tumayo at nakipag kamay.

Nag set sya ng appointment sa mga Martinez. At sinabi ang gustong iparating ni Near sa kanyang mga lolo.

Nakiusap sakanya si Near na kausapin nya mga lolo nito at sinabing huwag na sya kuhanin mula kila Kallen. Nag pa video pa nga ito sa kanya at sinabing ipikita sa dalawang matanda. Sinunod naman nya ang gusto  ni Near binigyan nya ito ng cd kung saan nandoon ang video ni Near.

Sinabayan nya sa pag labas ang dalawang Martinez. At hinintay muna itong makasakay sa sasakyang dala ng mga ito bago siya naglakad papunta sa sasakyan nya.

Wala syang ganang mag trabaho ngayon. Pinacancel nya lahat ng meetings nya, at nag pasyang pumunta kila Kallen.

Pag dating sa tapat ng bahay ng mga Marfori ay huminga sya ng malalim. Kahit paulit ulit nyang isik-sik sa isip nya na kaya lang sya nandito ay dahil ay dahil sa anak nya ay hindi nya magawa. Alam nyang isa pa sa dahilan ng lagi nyang pag punta dito dahil kay Kallen.

Noong malaman nya na hindi pala nito totoong anak si Near ay gusto nya itong komprontahin. Gusto nyang magalit dito, at sabihing pinagmukha sya nitong tanga. Na kaya naman nyang tanggapin kahit na may anak itong iba, kaya nyang tanggapin ang lahat ng naging parte sa buhay nito ng mga nakalipas na taon. Pero parang isipa sya sa dibdib ng maalala nya na wala naman syang karapatan. Hindi nya girlfriend o asawa ito para sabihin sa kanya ang totoo. Hindi sya responsibilidad ni Kallen, at wala itong pakialam sa nararamdaman nya.

Masakit malaman ang totoo. Na sa nakalipas na mga taon sya lang pala ang nag aakalang mahal pa sya nito. First love never dies, iyon ang itinatak nya sa utak nya. Ang akala nya tulad nya ay hindi sya basta basta makakalimutan ni Kallen. Pero mukhang malaking pag kakamali iyon. Dahil sa kanilang dalawa sya nalang ang naiwan.

Nalala nya noon ng binigyan nya ng closure si Kallen. Gusto nyang mag move on ito, pero ang totoo ay maski sya ay hindi magawang mag move on. Hind naman talaga nawala ang pag mamahal nya kay Kallen, kahit isang minuto, kahit isang segundo. Natakot lang sya ng mga panahon na iyon. Natakot sya na baka magalit ito pag nalaman nito na nawalan sya ng tiwala dito. Naniwala sya sa lahat ng sinabi ng kanyang ina. Umalis sya at hindi na muling nagparamdam kay Kallen. Ang kapal naman masyado ng mukha nya kung babalik sya kay Kallen gayung iniwan nya ito.

Bumalik sya ng buo ng loob. Dahil ang akala nya hindi na sila mag kikita ni Kallen dahil graduate na ito ng high school. Sya naman ay bumalik sa pagiging 4th year, dahil noong umalis sya ay wala syang ginawa kung hindi sirain lalo ang buhay nya.

Pero mapaglaro talaga a g tadhana. Imbis na umahon at lalo syang nalubog sa pangungulila sa babaeng mahal nya. Sinusundan nya ito kahit saan, pinag mamasdan lahat ng galaw nito, sinusuri lahat ng kinakausap nito.

At kulang ang salitang nagulat ng malaman nyang may anak ito. Gusto nyang hanapin ang lalaking nakabuntis dito at pira-pirasuhin ang katawan. Pero sa isang bahagi ng utak nya, hinihiling nya na sana sya nalang ang ama ng anak nito. Noong itanggihan sya nito na bumuo sila ng pamilya kasama ang anak nila pitong taon na ang nakakaraan. Nasaktan sya kaya tinigil nya ang pagbisita dito, at ng bumalik sya sa bahay ng mga ito upang kumbinsihin si Kallen ay ang ama na nito ang kumausap sakanya  at sinabing aalis sila at maninirahan na sa ibang bansa. Sinabi nya dito ang gusto nyang mangyari at doon nabuo ang kasunduan nila ng ama ni Kallen. Nasa Airport sya noong papaalis ang mga ito, gusto nyang pigilan ang mag ina nya pero tama din ang ama ni Kallen. Hindi nya pa kayang  umuha ng pamilya.

"Dad!"

Napatingin sya sa batang tumatakbo papalapit sa kanya.

Si Artemis, ang anak nya.

"Hey young man" masayang bati nya dito saka niyakap. Nag papasalamat sya kay Kallen dahil kahit na ang laki ng pagkukulang nya kay Artemis ay hindi pinagkait sakanya ang anak.

Wala syang balak totohanin ang banta nya na kung hindi nya makukuha si Kallen ay si Artemis ang kukuhanin nya. Hindi sya ganoong kasama para ilayo sa babaeng mahal nya amg anak nila. Masaya na syang nakikita at nakakasama ang anak, kontento na sya doon. Kahit naman kasi hilingin nya na makasama ang mag ina nya alam nyang hindi pwede. Sa isang banda hindi din naman nasayang ang pinaghirapan at isinakrepisyo nya. Dahil lahat ng pinag hirapan nya ay mapupunta sa anak nya.

"Hi Sir" bati ni Pierre kay Mr Gabriel Garcia ang ama ni Kallen. Tumango sya sakin saka ngumiti. Isa sa dahilan ng pag punta ko dito ay para makausap ai Mr. garcia.

"Hiramin ko lang yung mga bata." Paalam nya sa ama ni Kallen. "Artemis, tawagin mo na si Near. Alis tayo" baling nya sa anak.

Mabilis namang sumunod ang anak.

"Anong plano mo?" Tanong ni Mr. Garcia pagkadaan ng ilang sandaling katahimikan.

"I want Kallen to be happy. At nakikita kong kay Castle sya masaya, ayoko namang ipag pilitan ang sarili ko. At isa pa, hindi naman nya ipinag kakait sakin ang anak ko." Sabi nya saka nakangiting tumingin kay Mr. garcia

"Masaya kaba sa desisyon mong ito? Paano ang pitong taong pag hihintay mo?" Sabi ng ni Mr. Garcia

"Actually No, the last time I felt happy when I saw my son seven years ago? But this is life. You can't always get what you wanted.. And besides ang pitong taon na hinintay ko, tingin ko nakabuti naman sakin iyon. At isa pa nandyan naman si Artemis, kay Artemis ko nalang ibubuhos ang pagmamahal ko kay Kallen" sabi nya. Nakita nya ang pag ngiti ni Mr Garcia kaya napangiti din sya.

"Tungkol pala kay Near, pasensya na kung sinabi ko sayo na anak sya ni Kallen. Gusto ko lang makita ang reaction mo, o kung matatanggap mo si Near kung sakali mang magkaayos kayo ng anak ko." sabi ng ni Mr Garcia

"It's okay Sir, I understand. At isa pa nakausap ko na sila Mr. And Mrs Martinez, nakapag desisyon sila na hindi na kuhanin si Near sa pangangalaga ni Kallen." Sabi nya saka tumingin sa kausap. Bakas sa mukha ni Mr Garcia ang pagkagulat sa marinig.

"Daddy, We are ready!"

Napalingon sila sa dalawang bata na tumakbo papunta sakanila.

"Ok, let's go?" Sabi nya sa dalawa.

"Bye Popsie" paalam ng dalawang bata sa kanilang lolo.

***

Nakatingin lang ako sa natutulog na si Castle sa tabi ko. Nasa condo nya kami, sumama ako ng ihatid nya ang gamit sa condo. Sa guest room sa bahay sya nag palipas ng gabi.

Yumakap ako sa hubad nyang dibdib. Naramdaman ko din ang kamay nya sa bewang ko at kinabig ako palapit sakanya. Dinig na dinig ko ang tibok ng puso nya. Naalala ko ang nangyari kanina, kung paano nya ako tignan ng nasa ibabaw ko sya. Punong puno iyon ng pag mamahal. Bawat kilos, halik ay maingat na parang pag nagkamali sya ay mababasag ako.

Yes, we did 'that'. We make love.

***

A/N: easy lang .. Wala sanang mag welga... Lol

Add nyo ako sa fb. Chikahan tayo. XD i-spoil ko kayo... Lol

Other Stories

*Becomes My Daughter's Nanny
*Mr. Knight Son

Mom at 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon