MaS Entry 46

82.1K 2.2K 378
                                    

Nakatingin lang ako kay Pierre at Artemis na nag kuwentuhan, nakakandong si Near kay Pierre habang kumakain. Nanahimik lang ako habang kumakain dahil hindi ako maka relate sa pinag uusapan nila. Boys talk nga daw sabi ni Near.

"Finish your food" baling sakin ni Pierre ng makitang hindi na ako kumakain.

Umiling lang ako. "Busog na ako" sabi ko saka umiwas ng tingin.

"Ginugutom kaba ng fiancee mo kaya ang payat payat mo?" Seryosong sabi nya.

"Sexy ang tawag sa katawan ko at hindi payat. At isa pa hindi ako ginugutom ni Castle" inis na sabi ko.

"Mas gusto ko ang mataba masarap yakapin" sabi nya

"Edi maghanap ka ng matabang girlfriend" sabi ko saka uminom ng juice.

Yung dalawang bata ay tahimik lang na nakatingin samin.

"Bakit pa ako mag hahanap ng mataba kung pwede naman kitang patabain" sabi nya saka nakipag high five kay Artemis.

Inirapan ko lang silang tatlo. Pagkayaring kumain ay nagkayayaan silang mag swimming. Ako naman ay tumulong sa pag liligpit ng pinag kainan.

"Ma'am okay na po kaya ko na po iyan, baka po kasi mapagalitan kami ni Sir" sabi ng isang katulong ni Pierre ng nagtangka akong mag hugas ng plato

Tumango ako saka nag hugas nalang ng kamay, ayoko namang mapagalitan sila ni Pierre sa simpleng bagay.

Dumiretsyo nalang ako sa sala para ayusin ang damit na susuotin nila Artemis pagkayaring maligo. Mula dito sa loob ay naririnig ko ang halakhakan nila Artemis at Near. Ang sarap pakinggan ng tawa ng dalawa kaya para tuloy akong baliw pag naririnig ko ang tawa nila dahil pati ako ay napapangiti rin mag isa.

Palakas ng palakas ang naririnig kong tawa ng dalawa habang papalapit ako sa pool. Nakita ko sila mula sa glass wall kung saan tanaw ang pool mula sa loob ng bahay, ngayon ko lang napansin na gawa pala sa glass ang side ng bahay na ni Pierre na ito. Buong pool ay kitang kita mula dito sa kinatatayuan ko, malaki ang pool ni Pierre at merong maliit sa isang side na parang ginawa talaga sa mga bata.

Tinuturuan ni Pierre si Artemis lumangoy,  si Near naman ay nakaupo lang habang nakababad sa pool ang paa at tinitignan ang kuya. Tawa sya ng tawa habang pinapanuod si Artemis.

Napatitig ako kay Pierre na matiyagang tinuturuan ang anak. Natali ng mataas ang buhok nya kaya mas lalong nadedepina ang mukha nya, palibhasa may lahi ay bumagay sakanya ang mahaba nyang buhok. Napakunot ako ng noo ng makita kong mayroon syang tattoo sa dibdib at sa tapat ng sikmura. Hindi ko masyadong naaninag kung ano ang tattoo nya dahil medyo malabo ang mata ko.

Hahakbang na sana ako papunta sa kanila ng mag ring ang phone ko.

Si Castle.

"Hello" sagot ko. Medyo naguguilty ako dahil kung hindi pa sya tumawag ay hindi ko sya maalala.

"Okay kana?" Bakas sa boses nya ang pag aalala

"Oo okay na ako. Kailan ka uuwi?" Tanong ko saka tumingin ulit sa pool at si Artemis at Near nalang ang nandoon sa pool na pangbata.

"Hindi ko pa alam kung kailan, hindi pa kasi maayos ang lagay ng Gail" malungkot na sabi nya.

Mahal na mahal ni Castle ang bunsong kapatid nya. Nakikita ko iyon noong minsan na nameet ko ang pamilya nya, kung paano nya ako asikasuhin ay doble ang asikaso sya sa kapatid nya.

"Ganoon ba? Mag pray lang tayo lagi magiging okay din si Gail. Wag mong pababayaan ang sarili mo dyan a baka ikaw naman ang mgakasakit" sabi ko.

"Yes ma'am. Ingat kayo dyan ah, Kallen mahal na mahal kita" sabi nya

Biglang parang gusto kong maiyak. Naguguilty ako sa mga nangyayari Alam kong mahal ko sya pero bakit parang may doubt akong naramdaman?

"Mahal din kita Castle" sabi ko saka pinatay ang phone pagkayari nyang mag paalam na may gagawin sya.

"Sa susunod matuto kang mag patay ng phone pag nasa bahay kita!"

Halos malaglag ang puso ko sa pagkagulat ng marinig ko ang sinabi ni Pierre. Humarap ako sakanya at sumalubong sakin ang malamig nyang tingin. Narinig nya ba ang sinabi ko kanina? Teka e ano naman kung narinig nya?

"Excuse me?" Kunwari tanong pero ang totoo wala akong maisip na pag depensa sa sinabi nya.

"Pag kasama kita wala kang ibang kakausaping lalaki maliban saming tatlo ng mga anak mo!" Galit na sabi nya

"Pwede ba boyfriend ko ang kausap ko! At isa pa ano ba kita?! Wala naman diba? Kaya wala kang karapatang sabihin kung sino ang dapat o hindi  ko dapat kausapin! Huwag mong pakialaman ang personal kong buhay!" Inis na sabi ko.

Madilim ang mukha nya habang nakatingim sakin. Umiwas ako ng tingin at naglakad para sana iwanan na sya ng hinawakan nya ang braso ko dahilan para mapahinto ako sa pag lalakad

"Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko pag hindi mo sinunod ang gusto ko Kallen." Madiing sabi nya. Alam kong galit sya base sa pag kakahawak nya sa braso ko.

Humarap ako sakanya at sinalubong ang asul nyang mata na mag uumapaw sa galit.

"Ano ang gagawin mo? Pag hihiwalayin kami ni Castle?! Wala ka ng magagawa Pierre kaya tanggapin mo ang katotohanan na wala kanang makukuha sakin. Nandito ako sa bahay mo dahil nandito ang Anak ko at hindi dahil gusto ko. Pierre malalaki na tayo, hindi na tayo bata katulad noon at alam na natin ngayon ang tama at mali" Sabi ko sakanya. Nakita ko ang pagtaas ng isang sulok ng labi nya na nag pakaba saakin.

"Kung hindi kita makukuha sa fiancee mo. Ang anak ko ang kukunin ko sayo."

Biglang nanlaki ang ulo ko sa narinig ko.

***

Hinahaplos ko ang buhok ni Artemis na katabi ko ngayon. Napagod ata kaka swimming, dahil pagkayaring maligo ay inantok na silang dalawa. Nasa bahay parin kami ni Pierre, hindi ko alam kung anong oras nya kami balak pauwiin.

Naalala ko ang napag usapan namin kanina. Naalarma ako sa sinabi nya, pero hindi ko na nagawang sagutin ang sinabi nya dahil iniwanan nya na agad ako pagkayari nyang sabihin iyon. At hindi na humiwalay sa dalawang bata kaya hindi ko na sya nagawang komprontahin.

Nakaramdam na rin ako ng antok kay pinikit ko na ang mga mata ko, narinig ko pa ang pag bukas ng kwarto at ang pag uga ng kama na hinihigaan namin. Masyadong mabigat ang mga talukap ng mata ko para magmulat.

Bago ako tuluyang makatulog ay naramdaman kong may dumamping malambot na bagay sa labi ko at may brasong pumalupot sa bewang ko. Hindi ko alam pero parang ang gaan ng pakiramdam ko habang nakakulong ako sa bisig mg kung sino .

***

A/N: patry din neto

Become my daughter's nanny

Mom at 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon