MaS Entry 15

97K 2.7K 291
                                    

Makalipas ng ilang minuto ay lumabas na ako ng cubicle. Nanginginig parin ang mga tuhod ko, pero hindi na katulad kanina na parang kahit anong oras ay matutumba ako.

Nag hilamos ako at tinignan ang mukha ko sa salamin. Namumula ang mata at ilong ko. Halatang kagagaling ko lang sa pag iyak.

Habang tinititigan ko ang mukha ko ay biglang nag replay sa utak ko ang nakita at narinig ko sa room. Hindi ako makapaniwala. Hindi ganon si Pierre. Ni minsa simula ng naging kami ay hindi kami umabot sa ganon. Masaya kami na nag kukwentuhan at nag tatawanan lang kami. Nirerespeto nya ako.

Ako pa nga ang nag kusang ibigay ang sarili ko sa kanya. Ginawa ko iyon dahil natakot ako dahil gusto na nya akong iwanan. Akala ko iyon ang dahilan kung bakit gusto nya akong hiwalayan. Binigay ko ang sarili ko sa kanya. Ayaw nya dahil hindi daw iyon ang dahilan nya. Nagalit sya dahil parang minamaliit ko daw ang pag mamahal nya sa akin. Pero takot ako ng mga oras na iyon, takot akong iwanan ng lalaking mahal ko.

Isang beses lang may nangyari sa amin, pero hindi ko inakalang may mabubuo. Pag karaan ng isang linggo ay hindi na sya nagpakita, ni ang mag txt wala. Wala may alam kung nasaan sya. Hanggang sa nalaman kong buntis ako, doon lang rumehistro ang lahat sa akin. Iniwan ako ni Pierre at may anak kami.

Inayos ko muna ang itsura ko bago lumabas ng cr. Medyo marami ng estudyanteng pumapasok. Dumiretso na ako sa room at nakayukong nag lakad papunta sa upuan ko.

May ilan ilan narin akong kaklaseng nasa room. Pati ang mga kaklase kong barkada nila Pierre ay nasa loob ng room. Nagtatawanan sila at nag aasaran.

Pinilit kong mag focus sa naiwan ko kanina. At pilit binabaliwala ang mga naririnig ko.

"Ano Pierre, Naka first base naba?"

"First base? Third base na bro" mayabang nasabi ni Pierre.

"WHOOO!!!" sigaw ng mga barkada nya.

"Bangis!"

"Tang ina. Bilis ah!"

"Iba ka bro!"

'huwag kang mag pa apekto Kallen' bulong ko sa sarili ko.

Hindi ko alam pero biglang sumagi sa isip ko ang nakangiting mukha ni Artemis.

Kinuha ko ang phone ko at binuksan ito. Unang bumunga sa akin ang picture naming dalawa. Nakadapa sya sa katawan ko at nakaunan sa dibdib ko. Nakaharap ang mukha nya sa kaliwa kung nasan ang phone ko. Tuwang tuwa sya kasi nakikita nya ang sarili nya sa phone ko. Nakangiti kaming pareho. Inedit ko ito at binigyan ko ng qoutes na ' Mommy Loves Baby Artemis'.

Biglang gumaan ang loob ko habang patuloy kong iniscan ang mga picture ni Artemis sa phone ko. Bigla ko syang namiss. Bigla kong namiss yung kulitan namin nitong mga nakaraang araw. Natawa ako ng makita ko ang picture namin na nakahiga ako at sya'y naka dapa sa tabi ko. Nag pipicture taking kami ng bigla nyang isuot ang daliri nya sa butas ng ilong ko. Pag tinatangal ko ay umiiyak sya. Kaya pinabayaan ko sya. Tuwang tuwa naman sya habang nilalaro ang ilong ko.

"Ang cute naman ng baby!"

Bigla kong pinatay ang phone ko. Lumakas din ang tibok ng puso ko.

"Sino yon?" tanong ng kaklase kong babae na nakatayo sa likod ng upuan ko.

"A-ano.. S-sinearch ko lang sa ... G-goole. A-ang cucute kasi ng mga b-babies" kinakabahang sagot ko. Feeling ko mawawalan ako ng hangin sa katawan.

"Oh .. Bakit namumutla ka?" natatawang tanong nya.

" Nanggugulat ka kasi!" sagot ko.

"Napaka nerbyosa mo naman Kallen" sabi nya at umalis na.

Nakahinga ako ng maluwag ng umalis na sya. Napatingin ako sa gawi nila Pierre. Nakatingin sya sa akin, pero wala akong mabasang emosyon kahit ano. Umiwas sya ng tingin at bumalik sa pakikipag kwentuhan sa mga kaibigan nya.

* * *

Sa school na ako kumain ng Lunch. Ayoko kasing umuwi dahil tiyak tatamarin akong bumalik sa school. Dahil mas gugustuhin kong manatili sa bahay at laruin nalang si Artemis.

Sakto namang ka didissmiss lang ni Ma'am ng mag ring ang phone ko. Si kuya ang tumatawag.

"Hello kuya." sagot ko sa kabilang linya habang nililigpit ang mga gamit ko.

[bunso, asan kana?]

"Nasa school pa."

[umuwi kana, bilisan mo.]

Bigla akong kinabahan, iba kasi ang tono ng boses nya. para syang nag aalala na kinakabahan.

"B-bakit? May nangyari ba? S-si Artemis?" kinakabahang tanong ko. Basta ko nalang pinag sasaksak sa bag ko ang mga gamit ko.

[okay lang ang anak mo. Basta bilisan mo, umuwi kana]

"T-teka kasi. A-ano bang nangyayari dyan?!" sigaw ko. Dahilan para mapatingin sa akin ang mga kaklase ko. Pati si Thea at Pierre, Kita kong titig na titig si Pierre sa akin. Pilit ko namang iniwas ang tingin ko at pinakalma ang sarili ko.

[Si Papa andito na. At hinahanap ka.]

"Oh god!" sabi at dalidaling lumabas ng room

Akala ko ba next week pa sya uuwi? Kinakabahan at natatakot ako para sa amin ni Artemis. Dahil kung meron man akong kinakatakutan ay si papa iyon. Pati ang mga kuya takot kay Papa. Kaya maingat sila sa lahat ng ginagawa nila. Takot silang mag kamali dahil takot silang makaharap ang galit ni Papa.

At ganoon din ako. Pero kailangan kong harapin ang galit nya, dahil alam kong may pag kakamali ako.


(Pierre na ngayon ang dating Vince)

Mom at 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon