MaS Entry 3

114K 3.4K 324
                                    

Nakatingin lang ako sa natutulog na si Artemis. Hanggang ngayon iniisip ko ang sinabi ni Mama. Hindi ko alam pero parang hirap na hirap ako. Hindi pa talaga ako handa. Hindi pa ako handa para maging ina. Hindi planado ang pag buo sakanya, pero dahil sa isang kapusukan. Eto ang naging bunga, ang pagiging ina ng maaga.

Napatingin ako sa crib kung saan sya nakahiga. Tumatawa sya kahit nakapikit at natutulog, mukang maganda ang panaginip nya. Baka sa panaginip nya buo ang pamilya nya. Kung saan mayroon syang masayang pamilya, mayron mapag mahal na Ama at maarugang ina. Masayang Pamilya na malayo sa reyalidad. Dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko mabibigay sa kanya ang masaya at buong pamilya nakahit sino ay gustong mag karoon.

Napakunot ang noo ko ng bigla syang sumibi. At nag umpisa ng mag sipag labasan ang mga luha sa mga mata nya.

Masama kaya ang panaginip nya? Pero kanina lamang ay nakangiti sya. Bipolar din kaya sya katulad ng Ama nya?

"Sshhh, Hush na baby" sabi ko at tinapik tapik ang binti nya.

'Baby' ngayon ko lang nasabi sakanya yon.

Ilang sandali lang ay naging maayos na ang pag hinga nya, ibig sabihin ay mahimbing na ulit ang tulog nya.

Lumabas na ako ng kwarto nila Mama at Artemis. Naririnig ko pa ang ingay sa kusina, hindi pa tapos si mama sa pag lilinis. Gusto ko sana syang tulungan, pero pagod na rin ako.

Nag tuloy na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. Ilang sandali lang ay nakatulog na ako.

* * *

Nagising ako dahil sa pag tunog ng Alarm clock. Ala sais na ng umaga, at alas otso ang pasok ko sa school. Inayos ko muna ang pinag higaan ko bago tumuloy sa banyo para mag hilamos at mag toothbrush. Pagkayari ay lumabas na ng kwarto ko at bumaba papuntang kusina. Naabutan ko si Mama na nag luluto, si Artemis naman ay nasa isang tabi at nakaupo sa walker habang may hawak na kulay blue na laruan. Tawa sya ng tawa habang sinusubo sa bibig nya ang laruang hawak nya.

"Morning Ma!" bati ko kay mama. Paupo na sana ako ng tumingin sya sa akin at pinilig ang ulo papunta kay Artemis.

Napabuntong hininga ako na syang ikinataas ng isang kilay ni Mama.

Nag lakad ako kung saan naroon si Artemis at umupo para mag kapantay kami. Nakatitig ako ngayon sa tila replika ng taong buong puso kong minahal. Habang sya ay busy sa pag subo ng laruan nya.

"Good Morning Artemis" sabi ko at hinalikan sya sa noo.

Tumingin ako kay mama na nakatingin sa amin. Nag kibit balikat lang sya at bumalik sa pag luluto.

Tumayo na ako at nag lakad pa balik sa mesa nang mapahinto ako dahil sa maliit na boses. Na nang gagaling sa likod ko.

"M-mimmimmi"

Napalingon ako kay Artemis na ngayon ay hinahampas hampas ang laruan nya sa harap ng walker. Habang binibigkas ang salitang nag panginig sa tuhod ko.

"Mmimi"

Ngayon ay nakatingin sya sa akin . Habang panay pa rin ang pag bigkas nya ng Mimi.

Alam kong normal sa mga bata ang mag sasasalita ng wala sa dictionary ang mga words. Pero iba ang ipekto ng mga lumalabas sa maliit na bibig ni Artemis ngayon. Parang alam na alam nya na ko ang mama nya. Na pinapa alam nya na alam nya, kung sino talaga ang Mama nya.

Ang ina nya.

Nag tatakbo akong pumanhik sa kwarto ko at doon bumuhos ang mga luha ko. Kaya ko ba? Kaya ko bang maging ina kay Artemis? Gusto ko, gusto ko pero paano? Handa na ba ko sa ganito?



* * *

Mom at 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon