MaS Chapter 51

73.2K 1.8K 174
                                    

"I hate you! I hate you!"

Galit na galit na sigaw ni Near sakin. Kita ang sakit at galit sa magaganda nyang mata.

"Near Anak mag-"

"You're not my Mom"

Putol nya sa sasabihin ko. Masakit na kay Near mismo manggaling ang mga salitang iyon. Pilit ko syang hinahawakan pero tinatabig nya ang kamay ko.

"Near listen to me" makiusap ko. Nanikip ang dibdib ko ng umiling sya. And he mouthed 'I hate you'

Hindi ko mapigilan ang mga luhang kanina pa gustong lumabas. Karma ko ba ito dahil hindi ko na ipinag patuloy ang pag hahanap sa mga kamag anak ni Near?

Natakot lang naman ako na baka mawala sya sakin. Na baka kuhanin sya sakin.

Napatingin ako kay Near ng nag lakad sya palayo sakin at humawak sa kamay ni Pierre.

"Daddy"

Dinig kong tawag ni Near kay Pierre.

"Alam mo bang pinag mukha mo akong tanga?!"

Galit na sabi ni Pierre. Dumoble ang sakit na nararamdaman ko habang nakatingin kay Pierre at kay Near na parehong galit ang mga mata.

"Napaka selfish mo! Hindi mo ba naisip na may karapatan din ang mga taong nakapaligid sayo na malaman ang totoo?!"

Galit na galit na sabi ni Pierre. Saka kinarga si Near, yumakap sa leeg nya si Near at ipinatong ang ulo sa balikat ni Pierre.

"Hindi ka mabuting ina dahil sa ginawa mo! Ako na mismo ang mag bibigay sa lola't lolo ni Near, dahil sila ang totoong may karapatan sa bata. At hindi ikaw na kaibigan lang ng totoong Ina nya!"

Bigla akong naalarma sa sinabi ni Pierre. Hindi nya pwedeng ilayo sakin ang anak ko. Akin si Near! Hindi ko man sya kadugo pero ako ang tumayong ina sakanya simula ng nag kaisip sya. Hindi ba pwedeng bigyan muna nila ako ng konting panahon para makapag isip? Para pag aralan ang lahat. Para ihanda ang sarili ko. Para tanggapin ang lahat.

"Pierre ibalik mo sakin si Near!" umiiyak na sigaw ko sa papalayong si Pierre

Hindi sya lumingo o ni huminto. Pinilit kong tumayo kahit na nanglalambot ako, nanginginig ang mga tuhod.

"Pierre please! Huwag mo namang ilayo sakin si Near!" umiiyak na sigaw ko pero hindi nya ako pinansin.

Tumakbo ako papalapit sa kanila at nakita kong papasok na si Near sa kotse ng mga lola't lolo nya.

"NEAR!" Sigaw ko.

"Near! Near please! Mahal ka ni Mommy Kallen." umiiyak na sabi ko sa kanya. Wala syang sinabi bagkus ay tinitigan lang ako. Saka sinabi ang salitang nag paguho ng tiwala ko sa sarili ko na hindi nya ako magagawang iwanan.

"Bye" sabi nya saka pumasok sa loob ng kotse.

Malungkot akong tinignan ng dalawang matanda. Bago pumasok sa loob ng sasakyan.

"NEAR!" Sigaw ko habang kinakalamapag ang bintana ng kotse.

"NEAAAAR!!"

Napabalikwas ako ng bangon. Malakas ang kabog ng dibdib ko, napahawag ako sa mukha ko at basa ang pisngi. Tagaktak din ang pawis ko.

Napatingin ako sa wallclock ang nakitang alas dose na ng gabi.

Panaginip lang pero parang totoo. Yung sakit na naramdaman ko sa panaginip ko ay nararamdahan ko hanggang ngayon.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Pumunta ako sa kwarto nila Artemis. Parehong mahimbing ang tulog ng dalawa.

Umupo ako sa gilid ng kama sa tabi ni Artemis. Nakatihaya ng higa si Artemis at nakayakap si Near sa kanya.

Isipin ko palang na hindi ko na araw-araw na makikita si Near ay naninikip ang dibdib ko. Na hindi ko na sya makikitang nakikipag asaran kay Artemis, ang mag susungit nya kay Castle, ang masarap na hagikgik nya, ang pag lalambing nya sakin at ang lagi nyang pag puntas sa kwarto ko para mag i love you. Lahat iyon posibleng hindi ko na makita at maramdahan sa oras na mawala sya sakin. Ang mas masakit ay Ang katotohanan na wala akong karapatan sa kanya.

Hinalikan ko sila sa noo bago umalis sa kwarto nila. Pumunta ako sa kusina para uminom, ayokong matulog dahil baka bumalik ang panaginip ko. Yung sakit na naramdaman ko kanina habang papaalis si Near sa panaginip ko.

Kumuha ako ng tubig sa ref at umuho sa high stool chair at inilapag ang baso sa counter top.

Nakatitig lang ako sa baso na parang doon hinahanap ang tamang sagot sa mga katanungan na nasa isip ko.

"Ayos ka lang ba anak?"

Biglang tanong ni Mama na hindi ko napansin na nakaupo na pala sa tabi ko.

"Ma bakit feeling ko bumalik nanaman ako sa sitwasyon ko seven years ago" sabi ko saka tumingin sakanya.

Hinawakan nya ang kamay ko saka ito hinaplos.

"Sa buhay anak, hindi isang beses ka lang susubukan. Hindi isang beses ka lang dadaanan ng problema. Hindi isang beses ka lang masasaktan. Sinusubok ka lang nya, tinitignan nya lang kung tama kang mag desisyon. Tinitignan nya lang kung hanggang saan ang kakayahan at kung hanggang saan ang kaya mong isakrepisyo. Basta Kallen, kahit na anong maging desisyon mo. Andito lang kami sa likod mo katulad noon aalalayan ka namin."

***

A/N: Gumawa ng paraan para makapag update. Sensya na ang lame ng update ko.

Vote, comment.

Other stories:

Transform her into a perpect lady
Become my daughters nanny
Aerith (fantasy)

Mom at 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon