MaS Entry 8

99.6K 3K 44
                                    

Linggo. Kaya naka lahat kami ay pupunta ng simbahan para mag simba.

Buhat ni Mama si Artemis habang papasakay sa kotse ni kuya Mj at nasa likod lang nila ako. Umupo si kuya Miguel sa passenger seat, kami naman ni Mama at Artemis ay sa likod. Naunang pumasok si Mama at sumunod ako. Pag kaupo ko palang ay inisquad na agad ni Artemis ang mga kamay nya sa akin. Nag papakuha sya. Napangiti ako at binuhat sya saka pinaupo sa kandungan ko.

Nakita ko pa ang pag taas ng isang kilay ni kuya Miguel at ang pag ngiti sa akin ni kuya Mj. Tinignan ko si Mama at nakangiti lang sya at tumango.

Habang nasa byahe ay nilalaro ko ang maliliit na kamay ni Artemis. Napakalambot nito at napakasarap hawakan.

Unti-unti. One step a time. Kaya ko to. Kasama ko ang pamilya ko.

Pag dating sa simbahan ay dumiretsyo agad kami sa loob. Kinuha ni Mama si Artemis, nasalikod lang nila ako. Sa likod ko naman ay sila kuya. Umupo kami sa hulihang upuan. At maya maya lang ay nag umpisa na ang misa.

* * *

Pag kayari ng misa ay dumiretsyo kami sa Restaurant para kumain. Nasa kandungan ko si Artemis habang hinihintay ang order namin. Ang daldal din nya, nag sasalita sya ng mga hindi ko maintindihan. Nakakatuwa!

Kinuha ni kuya Mj si Artemis mula sa akin at nilaro. Tawa naman ng tawa si Artemis.

Ang sarap ng ganito. Noon kasi, para kaming hindi mag kakakilala. Kumakain kami sa isang mesa pero para kaming hangin sa isa't isa.

Kung alam ko lang na giginhawa ulit pala ako ng ganito ay sana noon ko pa ginawa ito. Isa nalang ang problema ko. Si papa.

Masaya kaming kumakain habang nag kukwentuhan. Panay rin ang sigaw ni Artemis, dahil mukang gusto nyang makisali sa pagkain. Pero dahil baby pa sya hindi pa pwede sa kanya ang mga pagkain ito. Sinusubuan lang sya ni Mama ng konting gulay.

Lumabas na kami ng Restaurant, pag kayari ng konting pahinga pag kayari naming kumain. Ako na ang may hawak kay Artemis. Hinintay nalang namin si kuya Mj nang kinuha nya ang kotse. Biglang umalis si Mama dahil may nakitang kakilala. Si kuya Miguel naman ay missing, hindi ko alam kung nasaan. Baka nag yoyosi nanaman.

Napatingin gilid ko ng maramdaman kong may tumabi sa akin. Si kuya Miguel.

"So kamusta?" tanong nya.

"K-kuya Miguel" naiilang na sabi ko. Hindi ako sanay na kinakausap nya ako.

"Masaya kami sa naging desisyon mo." sabi nya at ginulo ang buhok ko.

* * *

Pag dating sa bahay ay tulog na si Artemis. Kaya dinala ko sya sa kwarto ko at inihiga sa kama.

Tinitigan ko sya habang natutulog. "Unti-unti, matututo din akong maging ina para sayo." bulong ko at hinalikan sya sa pisngi.

* * *

Mom at 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon