MaS Entry 28

89.1K 2.3K 272
                                    

Pinag kukuha ko ang mga picture frame na naka Display sa sala. Lahat ng makakapag patunay kay Artemis, nakaka guilty pero hindi pa ako handa na malaman ng ibang tao ang tungkol sa kanya. Lalo na at pati si Pierre ay kasamang pupunta dito bukas. Buti nalang at sinama nila mama si Artemis sa probinsya.

Nang makuha ko na lahat ng pictures at mga laruan ni Artemis ay tinabi ko sya sa kwarti ko, ibabali ko nalang ulit pag nakaalis na sila Thea bukas.

Malungkot sa bahay dahil wala sila Mama. Namimiss ko na ri si Artemis, pag ganitong oras kasi ay nag kukulitan kami. Namimiss ko ang malakas na tawa nya, ang pag higa nya sa ibabaw ko pag inaantok na sya. Nagsisi ako ngayon kung bakit hindi ako sumama sa kanila.

Kinuha ko ang phone ko at dinayal ang number ni Mama saka humiga sa kama ko.

"Hello Ma" bati ko sa kanilang linya.

["Kallen may problema ba? Okay ka kang ba dyan?'] Nag aalalang tanong ni mama.

"Okay lang po ako Ma, namimiss ko lang si Artemis." Sabi ko.

["Natutulog na ang anak mo, napagod siguro paano ang dami nyang kalarong bata dito."] Sabi ni Mama. Masaya naman akong malaman na may nakikipag laro kay Artemis.

["Nga pala, tanong ng tanong ang mga pinsan mo kung bakit hindi ka sumama."]

"A-ano pong sabi nila tungkol kay Artemis?" Kinakabahang tanong ko.

["Syempre nagulat, lalo na ang mga tita at tito mo. Hindi naman mawawala ang ganoong reaksyon. Pero alam mo namang hindi mapang mata ang mga iyon. Natutuwa pa nga sila kay Artemis dahil ang pogi ng anak mo."]

Marami pa kaming pinag usapan ni mama. Hindi ko sinabi na pupunta ang mga kaklase ko dito bukas, ayoko rin na mag alala sila. Hanggang sa makatuligan ko na ang pag uusap namin ni Mama.

***

Kinabukasan ay maaga akong nagising, hindi mag naging maginhawa ang naging pag tulog ko, dahil maya maya ay nagigising ako. Hindi ako makatulog sa kaisipang pupunta ang mga kaklase ko dito.

Nag ayos na ako sa pag pasok sa school. Nag kasabay pa kami ni Castle sa pag pasok sa gate.

"Good morning Kallen!" Masayang bati nya.

"Morning" bati ko saka ngumiti ng tipid.

"May problema ka nanaman?"

Napakunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Ang weird ng aura mo ngayon eh."

Umiling nalang ako sa sinabi nya.

"Oo nga pala, pwede ba kitang maging date sa JS" sabi nya.

Hindi ako kumibo, wala naman kasi akong balak dumalo sa JS. Napahinto ako ng humawak sya sa braso ko.

"Kallen" seryosong sabi nya.

Tinaasan ko sya ng isang kilay. Napapitlag ako ng hawakan nya ng dalawang kamay nya ang magkabila kong pisngi.

Pagkayari ay hinatak ang magkabila kong pisngi. Para akong bata sa ginagawa nya.

"Aray! " daing ko at hinawakan ang pisngi kong pinang gigilan nya. Sinamaan ko sya ng tingin. Ramdam ko pa ang init ng pisngi ko dahil sa pag kurot nya.

Nag lakad na ako at iniwan sya.

"Kallen, sorry na. Ang cute mo lang kasi eh" dinig ko pang sabi nya sa likod ko.

"Kallen nama pansinin mo na ako. Kung gusto mo gumanti ka nalang." Sabi pa nya.

Hindi ko sy pinansin at tuloy tuloy na naglakad.

"Kallen naman. Gagawin ko lahat ng gusto mo, gawin mo akong alipin mo. Kallen mahal ko."

Lalo kong binilisan ang pag lalakad ko. Nakakahiya ang mga pinag sasasabi ni Castle, ang lakas pa ng boses nya kaya ang ibang nakakarinig ng mga pinagsasasabi nya ay tumitingi samin.

Pag karating sa classroom ay umupo agad ako sa upuan ko, may 25mins pa bago mag umpisa ang firts subject namin.

Naramdaman kong nag vibrate ang phone na nasa bulsa ko.

Si Castle ang tumatawag.

Ikinancel ko ang tawag nya, minsan may pagka isip bata din ang lalaking iyon eh.

Sunod sunod na nagsidatingan ang mga text. At lahat iyon galing kay Castle.

"Hey, sorry na kasi. Ginawa ko lang naman yon kasi parang ang lalim ng isip mo habang nag lalakad ka eh." Sabi sa isang text nya.

"Sumayaw ka sa harap ng classroom namin." Text ko sakanya.

Alam kong hindi nya gagawin iyon dahil alam kong may hiya naman sya sa katawan.

Tinago ko na ang phone ko. Saka inabala ang sarili sa pag babasa mg note.

Napatingin ako sa grupo nila Thea ng may tumawag sa akin.

"mamaya ah? Sabay sabay tayong pupunta sa inyo." Sabi ni Kath.

Biglang bumalik ang kabang nararamdaman ko kanina. Tumango nalang ako bilang sagot. Napakagat ako sa ibabang labi ko, sana.... Sana maging maayos ang lahat.

Maya maya lang ay nakarinig ako ng hiyawan sa labas.

Pumunta ako sa pinto para tignan ang nangyayari.

Nakita ko si Castle na sumasayaw ng Talk Dirty to me, May kasama pa syang dalawa pang lalaki. Halatang hindi marunong sumayaw si Castle dahil iba iba ang steps nya at tumitingin pa sya sa kasama nya.

Natawa ako ng hindi na nya ginaya ang kasama nya dahil gumawa na sya ng sarili nya steps. Lahat ng mga nanunuod sa kanya ay tawa ng tawa, para kasi syang tanga.

Nang matapos siyang sumayaw at nag palak pakan ang lahat. May nga hindi parin nakakarecover dahil tawa parin sila ng tawa, may tumatawag pa sakanyang Ryan Bang. Dahil parang si Ryan Bang daw sya kung sumayaw, walang dereksyon.

"Tangna, nakakahiya iyon ah" sabi nya at nag sipag tawanan ang mga nakarinig.

Napatingin sya sa akin, pinilit kong maging seryoso ang mukha ko pero hindi ko mapigilan ang tawa ko pag naaalala ko kung paano sya sumayaw.

"So? Okay na? Masaya kana?" Sarkastikong sabi nya pero nakangiti.

Nag thumb up ako sakanya.

Ngumiti sya, pinag tutulak naman sya mg mga klasmate nya papunta sa akin.

"Pwede na kitang maging date sa JS?" Tanong nya.

"Pag iisipan ko" naaaliw na sabi ko.

***

Mayayari na ang last subject namin ngayong umaga at mamayang hapon ay walang pasok. Hindi ako mapakali sa upuan ko, ilang sandali nalang ay pupunta na kami sa bahay.

Nang mag bell na hudyat na uwian na ay sinabihan ni Thea na mag paiwan sa classroom ang mga member nya. Kaya hindi muna ako tumayo sa upuan ko, hindi pumasok si Pierre kaya hindi ko alam kung makakasama namin sya mamaya.

Maya maya lang ay pinasunod nya kami sa kanya. Nasa likod lang nila ako habang mag lalakad kami, masaya silanh nag uusap usap para ngang hindi nila ako kasama. Pero wala naman sa akin iyon dahil hindi ko naman sila kaibigan.

Nakarating kami sa parking lot at nakita ko si Pierre na nakasandal sa isang Fortuner habang naninigarilyo. Lumapit sakanya si Thea, tinapon nya ang sigrilyo nya at sinalubong ang labi ni Thea. Napaiwas ako ng tingin at napahawak sa dibdib ko.

Itutuloy..

Mom at 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon