MaS Entry 10

98K 2.5K 137
                                    

Nakadapa lang ako sa kama at naka subsob ang mukha ko sa una. Pinipigilan ko huwag umiyak.

Nasaktan ko si Mama. Ni minsan hindi ko pa sya nakitang umiyak. Ni minsan hindi ko pa sya nakitang magalit.

Gabi gabi dinarasal ko na wag sabay sabay ang ibibigay nyang pag subok. Pero bakit ganito? Bumalik ang ama ni Artemis. Tapos galit sa akin si Mama.

Kababati lang namin ni kuya, pero si Mama naman ang galit sa akin.

Mas gusto ko pang magalit ang dalawa kong kuya wag lang si Mama.

Pag hindi nya pinapansin ay para akong nahihirapang huminga. Feeling ako walang halaga. At sa kaisipang wala akong halaga sa kanya ay parang sampung beses tinu tusok ng matalim na kutsilyo ang puso ko.

Gusto kong sabihin kay Pierre may anak kami para bumalik na sya sa akin. Alam kong tanga ako kung hinihiling ko na bumalik sa akin si Pierre kahit na iniwan nya ako at ang responsibilidad nya. Pero mahal ko sya. Mahal ko sya na nasa puntong kahit na anong pag kakamali ang magawa nya ay papatawarin ko sya.

Pero hindi ko kayang habang buhay na magalit sa akin si Mama. Gusto kong bigyan si Artemis ng buong pamilya. Ngayon na handa na akong maging ina.


* * *



Kinabukasan ay nag mistulan na akong hangin kay Mama. Hindi nya ako tinitignan o kinakausap man lang. Pag lalapitan ko sya ay lumalayo sya.

Nasasaktan ako sa pambabaliwala nya. Gusto kong ngumawa at mag makaawang pansinin na nya ako.

Ganito rin kaya ang nararamdaman ni Artemis?

Pumasok ako sa school na mabigat ang pakiramdam at malaki ang eyebugs .. Hindi ako nakatulog kakaisip sa itsura ni Mama nung umiiyak sya. Masyado ko ba syang nasaktan sa mga sinabi ko?

Para akong wala sa katinuan habang nag lalakad sa hallway ng school. Alam kong late na ako pero parang wala lang sa akin iyon. Lumilipad ang utak ko. Wala akong pakialam sa paligid. Ang iniisip ko lang ay kung gaano ko nasaktan ang pinakamamahal kong babae. Ayoko sanang umalis ng bahay hangga't hindi kami nag kaka ayos ni Mama.

Naramdaman ko ang pagkirot ng isang bahagi ng puso ko ng maalala ko ang sinabi ni Mama kanina.

"Sige, gawin mo ang ikasasaya nyo. Tatangapin ko ang gusto mo. Pero wala kang maaasahan sa akin. At wag na wag kang lalapit sa akin ng umiiyak dahil iniwan ka ulit nya. Simula ngayon, papabayaan na kita sa lahat ng gusto mong gawin. "

Naramdaman ko nalang na napaupo na ako sa gitna ng hallway dahil sa malakas na pag kakabanga ko.

"Miss, Okay ka lang?" dinig kong tanong ng nakabanga ko.

Pero para akong walang narinig. Hindi ko makuhang tumayo mula sa pagkakaupo ko. Isa lang ang alam ko, sobrang nasaktan ko si Mama.

"Miss.. Miss.. Umiiyak kaba? Nasaktan ka ba? Sorry! Miss!"

Doon ko lang napansin na humahagulgol na pala ako. Hindi ko maawat ang pag labas ng mga luha. Ayoko ng nararamdaman ko. Ang bigat bigat. Mahal na mahal ko si Mama at Ayoko ang pakiramdam na galit sya sa akin. Napakasama ko para saktan ang Mama ko. Ang sama sama ko dahil sinabihan ko sya ng ganoon. Hindi ko manlang tinignan lahat ng sakrepisyo nya. Ang hirap nya para sa akin.

Tinakip ko ang dalawa kong palad sa mukha ko ng marealized ko lahat. Lahat ng sakrepisyo nya para sa akin at kay Artemis.

"Miss... Sorry na wag kanang umiyak oh.. Hindi ko naman sinasadya e."

Naramdaman kong may humawak sa akin. Pero wala akong lakas para harapin sya. Ang sama sama kong anak at ina.

"Miss... Tahan na."

"M-ma... Sorry... A-ng sama sama kong anak sayo.. " ang kaninang iyak ko ay naging hagulgul na.

"Miss... Teka, masama ba ang pag kakabagsak mo?"

Sinakrepisyo nya lahat para sa akin. Para matutukan ang pag bubuntis ko. At sya din ang umako ng responsibilidad. Sya ang nag puyat sa pag titimpla ng gatas at pag papalit ng diaper ni Artemis. Napakawala ko namang puso para sumbatan sya. Para akusahan sya na ayaw nya akong sumaya.

"Aish! Paano ba to? Late na late na ako. Miss.. Tumigil kana kasi, para makaalis na ako."

Napatingi ako sa lalaking nasaharapan ko at kanina pa nag papatahan sa akin.. Bumubuka ang bibig nya, pero wala akong marinig na boses na lumalabas. Kasabay ng pag lunok ko ay ang pag dilim ng paligid.

* * *

kulang sa emotion ane? Hirap kasi!

tutuloy ko pa kaya?

Mom at 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon