MaS Entry 20

94.3K 2.6K 159
                                    

"Family is not an important thing, it's everything."

******

Napag pasyahan kong huwag munang pumasok. May susunod na taon pa naman, ang gusto ko lang ngayon ay ang mag kaayos kami ni Papa. Ilang taon ko syang hindi nakita, at ngayon nandito naman sya ay parang ang layo parin nya. Mas malayo kaysa noong nasa ibang bansa sya.

Maaga akong nagising at tinulungan ko si Mama na maghanda ng almusal. Kaming tatlo lang ang nasa bahay, nasa cavite si kuya Mj para sa trabaho. Ayaw nya pang umalis kagabi kasi nabalitaan nya kay mama na gusto kong umalis, nag aalala sya na baka mag bago ang isip ko at tuluyan na akong mag layas kasama si Artemis.

Pero nangako ako na hindi ko gagawin yon. Dahil hindi ko kaya ang mapalayo sa kanila.

Wala din si kuya Miguel, maagang umalis dahil may gig sila.

Nag timpla ako ng kape para kay papa, natatandaan ko noon pag uuwi sya galing ibang bansa ay mag papatimpla agad sya sa akin ng kape. Namimiss daw nya kase ang lasa ng kapeng tinitimpla ko. Nag luto din ako ng pan cake, at inayos ko ang lamesa. Si mama ay naka masid lang sa akin habang naka ngiti.

Umakyat na ako sa kwarto ko. Nag dala ako ng pancake at milo, dito ako mag aalmusal sa kwarto ko. Gusto kong mag kaayos kami ni Papa, pero ayoko namang masira ang araw nya. Alam kong mainit pa ang ulo nya sa akin.

Pag dating ko sa kwarto ay gising na si Artemis at nakaupo sa gitna ng kama.

9months na ngayon si Artemis, 3 months nalang ay isang taon na sya. Ang bilis ng panahon, dati ay ang liit liit lang nya. Ngayon ay ang laki na, ang taba taba, marunong na nga syang umupong mag isa, may ngipin na din sya dalawa sa ibaba.

Nakakabighani talaga ang asul na asul nyang mga mata. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Pierre pag nakita nya si Artemis?

Pinilig ko ang ulo ko para palisin ang iniisip ko. Umupo ako sa gilid ng kama at inilpag ang baso sa bedside table, gumapang agad papunta sa akin si Artemis at umupo sa kandungan ko saka inaabot ang platong hawak ko.

"Bawal pa sayo to. Milk ka nalang muna" sabi ko at inabot sa kanya ang feeding battle.

Tinatabig nya ang inaabot ko sa kanya at pilit na inaabot ang pan cake na dala ko.

Binaba ko sa kama ang plato at saka sya binuhat paharap sa akin.

"Hindi pa pwede sayo iyon, pag malaki kana ipag luluto kita ng marami." pag kausap ko sa kanya. Ngumiti sya at hinampas ang mukha ko. Saka nag paulan ng laway.

* * *

Naabutan ko si Papa na nasa sala at nanunuod ng tv. Balak kong ipasyal ngayon si Artemis, medyo malulam sa labas pero mukang hindi naman uulan.

Sa likod sa pinto na ako dumaan, para maka iwas kay papa. Gusto kong mag kaayos kami pero natatakot akong kausapin sya. Mag iipon muna siguro ako ng lakas ng loob.

Hindi na ako nag paalam kay mama, dahil hindi ko sya nakita sa kusina. Nag lakad ako papunta sa park. Marami na ring nag lalarong bata pag dating namin doon. Tuwang tuwa naman si Artemis sa mga nakikita nya.

"Okay, Denise pipicturan ko na kayo. Ngiti kayo huh yung kita ngipin." sabi ng isang babae na nasa harapan ng inuupuan namin ni Artemis.

Pinag hahalikan ko naman si Artemis sa leeg at mukha na ikinatawa nito ng malakas.

Ang sarap marinig ng mga halakhak ni Artemis. Sana noon paman ay ginawa ko nang mag pakaina sa kanya. Baka sakaling hindi naging ganito kakumplikado.

Idinikit ko ang noo ko sa noo ni Artemis.

"Tita, patingin ng pictures namin. Dapat mukha akong Princess dyan, tulad ng laging sinasabi ni Daddy." napatingin ako sa batang babaeng nag salita.

Kulot ang hanggang bewang nyang buhok. Tingin ko ay nasa 4 years old o 5 na sya. Mayroon syang suot na hairband na parang crown ..

"Ay ang galing, kasama din sila" magiliw na sabi ng batang babae.

Tumayo na ako at pumunta sa isang bakateng swing. Pinaupo ko doon si Artemis at saka pumuwesto sa likod nya para suportahan sya para hindi mahulog. Tinaas ko sya habang nakaupo sa duyan. Noong una ay tumatawa sya, pero bigla nalang syang umiyak ng malakas.

"Bakit? Ayaw mo ba sa swing?" tanong ko habang buhat sya.

"Ate, baka po natakot. Bawal pa po sumakay ang baby sa swing" sabi ng batang lalaki na may kulay abong mata, na siguro ay nasa pitong taon o higit pa na nakaupo sa kabilang swing.

Nginitian ko sya at saka nag paalam na.

Nag lakad na ako pauwi ng bahay, mukang gutom nanaman si Artemis.

Pag pasok ko sa bahay ay nanunuod pa rin ng tv si Papa. Napatitig sya sa amin. Lalo na kay Artemis. Pag kayari ay ibinalik sa tv ang atensyon.

Gagawin ko ang lahat para matangap nya kami ni Artemis. At para maging isang masaya na pamilya ulit kami. Pangako yan.

* * *

Aalis na si Pope Francis bukas .. Kakalungkot naman .. :(

ang sarap sa pakiramdam pag nakikita mo sya kahit na sa tv lang ..

Mom at 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon