MaS Entry 41

98.4K 2.4K 1.2K
                                    

"Welcome back!" Salubong ni Castle


Si Castle ang boyfriend slash fiancee ko.

Nagkabati kami noong nasa London na kami, ilang linggo lang simula noong umalis kami ay pumunta sya doon para mag sorry sakin, nagtampo sya ng hindi ko sinabi sakanya ang pag alis ko. Isa na syang sikat na photograper ngayon, sa US sya nag college.


Sinalubong nya kami saka ako niyakap. Namiss ko sya, ilamg buwan na din kaming hindi nagkita. Noong sa US na sya nag aaral ay 2 times a month sya kung dumalaw sa London at nag tatagal sya ng three to four day. Nahinto lang noong bumalik sya sa Pilipinas at ako naman ay sa Argentina. Pero panay naman ang tawag namin. Gusto nyang dumalaw dalaw din doon, pero pinigilan ko sya. Baka maubos ang perang kinikita nya kakapasyal kung nasaan ako. Pero dahil makulit nyang tunay ay hindi nag papigil kaya dumadalaw sya sakin kahit na nasa Argentina ako.

"Hey, don't touch my Mom!" rinig kong sabi ni Near saka sumingit sa gitna namin para pag hiwalayin kami ni Castle.

Natatawang nag hiwalay kami ni Castle saka sya tumingin kay Near.

"Hey Spanish boy" bati ni Castle kay Near River


"Who you?" Supladong tanong naman ni Near.


Natatawa nalang ako, ayaw talaga ni Near kay Castle kahit noon pa. Sabagay kahit naman sinong lalaki ang lumapit sakin ay pinag seselosan nya. Para lang daw ako sakanilang dalawa ng kuya nya.


"Hey Artemis" baling naman niya kay Artemis.


"Hello Dad" bati ni Artemis. Kung si Near ay ayaw kay Castle, sila naman ni Artemis ay sobrang close. Halos pareho sila ng hilig kaya magkasundong magkasundo. Kaya nga Dad ang itinatawag ni Artemis kay Castle.

Minsan nga nabanggit sakin ni Artemis na kung mayroon man syang Daddy ay sana katulad ni Castle, pero hindi sya nagtanong kung asan o sino ang Daddy nya. Sinabi nya pa nga na okay lang kung maging boyfriend ko si Castle, kaya si Castle lumakas ang loob na manligaw dahil alam nya na boto sakanya ang anak ko.

Nag tapat sakin noon si Castle nang minsang binisita nya ulit ako, sinabi nya na mag hihintay sya at tanggap nya kung ano ang meron ako. Nag paalam pa sya kila Mama at Papa na liligawan nya ako , simula noon panay na ang tawag nya sakin. Paalala ng kung anu-ano, pag dumadalaw naman sya ay aayain nya kami ni Artemis mamasyal. Kulang isang taon din noon bago ko sya sinagot dahil alam ko unti-unti na akong nahuhulog. Mabait sya at sobrang napapagaan nya ang loob ko kahit noong high school pa kami. Medyo nag matured lang ng kaunti ang pag iisip nya ngayon. Hindi naman siguro masama kung sumugal akong muli.

"Kallen!" Napatingin ako kila mama na paparating palang. Kasama nya si Papa at sila Kuya Mj kasama ang dalawa nyang anak.

"Momsie! Popsie!" Sigaw ni Artemis at Near

"Sorry late kami" sabi ni mama saka ako niyakap.

"Okay lang po" sabi ko saka humiwalay sakanya. Nilapitan ko sila Papa at kuya saka ko niyakap. Grabe namiss ko sila

"Gumaganda ka , mukhang may inspiration" nakangiting sabi ni kuya saka tumingin sa likod ko. Masaya sila Mama at Kuya noong nagpasya akong buksan ulit ang puso ko para kay Castle.


"Kuya kararating ko lang, huwag mo muna akong yamutin" natatawang sabi ko.

"Hello ate Bella" bati ko sa asawa ni Kuya Mj saka nakipag beso.

"Hello Beatrice na maganda mana sa tita" bati ko naman sa Anak nila. Apat taon na ito ang anak nila at one year old naman ang bunso.


"Let's go na. Para makakain at makapag pahinga na kayo" aya ni Mama. Hawak nya si Near at hawak naman ni Papa si Artemis at nasa likod nila sila Kuya at Marie. Kasabay ko naman si Castle.


Mom at 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon