MaS Entry 47

82.4K 2.3K 595
                                    

Lumipas ang mga araw na laging nag papadala ng kung anu-ano sa bahay si Pierre. Lagi din syang dumadaan sa bahay namin para makita ang dalawa bago umuwi sa sarili nyang bahay.

Umuwi din si Castle mula sa US at magkasama kami ngayon sa condo nya. Si Artemis kasi ay pumapasok na sa School, si Near naman ay nasa bahay kasama sila Mama.

Nang nakita nya nga ako kanina na papaalis para sunduin sa Airport si Castle ay gusto nyang sumama, paano kasi akala nya kay Pierre ako pupunta. Nang sinabi ko na susunduin ko si Castle ay sumimangot sya at bumalik sa pag lalaro ng xbox.

Masyado na syang na attached kay Pierre nitong mga nagdaang araw. Hindi ko alam kung mabuti o masama iyon. Paano nalang kung isang araw pumunta bigla sa bahay ang isa sa kapamilya ni Cindy at kuhanin si Near sakin? Hindi ko sya kayang ibigay kahit na sabihing kamag anak sya ng ni Cindy. Akin si Near.

"Babe, umuusok na yung kawali"

Napatingin ako sa kawaling nasa harapan ko at nakita kong umuusok na nga ito. Agad ko namang hininaan ang apoy ng stolve at nilagyan ng cooking oil ang frying pan.

"Ang lalim ata ng iniisip mo" sabi ni Pierre at niyakap ako mula sa likuran.

Ang totoo nyan hindi ko pa nasasabi kay Castle ang tungkol kay Pierre. Hindi ko alam kung tama pa bang sabihin ko. Wala naman na din naman akong nararamdaman kay Pierre at tanging si Artemis nalang ang nag bubuklod samin.

"May sasabihin ako sayo." Sabi ko

"Ano? Buntis kana? Wala pa ngang nangyayari satin" sabi nya saka kinagat ang tenga ko.

Kinurot ko nama ang braso nyang nakapalupot sa bewang ko.

"Baliw" sabi ko

Gusto ko yung ganitong side ni Castle, yung lagi lang syang nagbibiro at yung pagiging madaldal nya. Kahit minsan hindi ko pa sya nakikitang nagaglit o kahit naiinis man lang. Feeling ko nga napaka perfect ng relasyon namin, ni hindi kami nag aaway magkasaundo kami sa lahat ng bagay. Nag papasalamat nga ako na kahit na ipinakikita ni Near sakanya na hindi sya nito gusto ay hindi sya nagagalit. Noong minsan natinanong ko ang sabi lang nya bata e tapos ngingiti sya at titingin kay Near.

Siguro naging mabuti naman akong ina kay Artemis kaya binigyan ako ng katulad ni Castle. Mahal ko sya totoo iyon. Pero alam ko na hindi nya pa nalalampasan ang pag mamahal na ibinigay ko kay Pierre. Pero alam ko mahihigitan nya iyon.

Si Pierre ay bahagi na ng past ko. Ama sya ni Artemis pero hanggang doon nalamang iyon. Oo nga at hindi ko tinanggap ang gusto nyang maging isang pamilya kami noon. Kahit na iyon naman talaga ang gusto ko, pero kasi alam ko iyon ang tama hindi namin alam kung kami ba talaga ang para sa isa't-isa. At isa pa mga bata pa kami noon, bata pa ang mga isip namin katulad ng pagkakabuo kay Artemis dahil sa takot kong baka iwanan nya ako ay ibinigay ko sakanya ang dapat ay sa honeymoon lang dapat ibinibigay. Pero hindi ko na naman pinag sisisihan iyon ngayon dahil sa pag kakamali kong iyon ay nagkaroon ako ng Artemis.

"Pwede ka na talagang mag asawa" sabi ni Castle pagkaubos ng pagkaing nasa plato nya.

Napangiti ako sa sinabi nya, laging ganyan ang sinasabi nya pag kayari nyang kumain ng luto ko.

"Pinapabayaan mo siguro ang sarili mo doon" sabi ko sakanya. Medyo namayat kasi sya at medyo humaba ang buhok.

"Noong nasa hospital si Gail halos hindi ako makakain, nakabantay lang ako sakanya." Sabi nya saka uminom ng tubig

"Alam mo kung alam lang ni Gail na hindi ka nag kakakain baka pagalitan kapa noon" sabi ko sakanya.

Laking pasasalamat ko at naging maayos na si Gail. Nagka brain tumor kasi ang kapatid ni Castle kaya kailangang operehan, pero ang masama ay wala itong malala iyon daw kasi ang maging epekto ng operasyon ang pagkabura ng ala-ala ng pasyente. Pero ang sabi daw ng doctor ay maaalala din daw nito ang lahat pag tuluyang gumaling.

"Ni hindi nya nga kami maalala" mapait na sabi nya.

"Castle, magtiwala ka maaalala nya rin kayo. Maaaring hindi ngayon pero marami pa ang bukas. Hindi kaman malala ng isip nya, pero ang puso Castle hindi basta-basta nakakalimot. Mahal ka ng kapatid mo kaya maaalala ka rin nya" sabi ko saka ngumiti sakanya.

Tahimik kami ni Castle na nanunuod. Pareho kami ng ayaw mg maingat pag paborito namin ang pinapanood namin at nasa tv lang ang buong atensyon.

Nagulat ako ng bigla nya akong hapitin papunta sakanya saka ako masuyong hinalikan.

"Nuod na tayo" nakangising sabi nya saka ibinalik sa tv ang atensyon. Baliw lang

Pareho kaming bumalik sa panunuod. Nakasandal ako sa kanya at sya naman ay nakaakbay sakin habang nakaupo kaupo sa sofa at nakaharap sa TV.

"Diba may sasabihin ka kanina nung nasa kitchen, ano nga pala yon?" Biglang tanong nya. Nawala sa telebisyon ang atensyon ko dahil sa tanong nya.

Nanahimik ako bigla tama bang sabihin ko sakanya? Kilala nya si Pierre dahil kinuwento ko sakanya ang nangyari noon sa amin.

"N-nagkita kami ni Pierre" kinakabahang tanong ko

"Pierre Wayland? Yung Daddy ni Artemis?" Tanong nya. Tumango ako saka nagyuko ng ulo. Pareho kaming natahimik, tama ba na sinabi ko sakanya?

"Anong naramdaman mo ng nakita mo sya?" Tanong nya saka humarap sakin

"Natakot ako kasi baka kuhanin nya sakin si Artemis. Kasi may karapatan din sya sa anak ko, kaya hindi ako makapunta sa US para dalawin si Gail kasi baka.... Baka pag umalis ako ay itakas nya si Artemis" sabi ko saka tumingin sa kanya, tumitig sya sa mata ko na para bang may hinahanap sya.

"Yun lang ba?" Tanong nya habang nakatitig parin sakin. Kita ko sa mukha nya ang pag papanic

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko.

"Matagal mo syang minahan Kallen, sya din ang ama ng Anak mo. Kaya maaari o pwedeng bumalik ang nararamdaman mo para sakanya." Sabi nya saka nag iwas ng tingin.

Napangiti ako sa sinabi nya. Katulad ko na takot na mawala sya sakin, ay takot din pala sya na mawala ako sakanya.

Niyakap ko saya ng mahigpit. Naramdaman ko rin ang pagganti ng sa yakap ko.

"Si Pierre, parte nalamang sya ng nakaraan ko. Oo at ama sya ni Artemis pero hanggang doon nalamang iyon" sabi ko saka hinawakan ang dalawang pisngi nya. Saka hinanap ang mga mata nya.

"Ikaw na ang mahal ko, ikaw ang magiging parte ng hinaharap ko. Mahal kita Castle" sabi ko.

Napangiti sya sa sinabi ko saka tinawid ang distansya naming dalawa saka puno ng pag mamahal akong hinalikan.

***

Nag aasaran pa kami habang papasok ng gate ng bahay namin. Gabi ng akong nakauwi dahil napasarap ang tulog namin. Pagkagising ko nga kanina ay tinawagan ko agad si Mama at tinanong ko kung makauwi na si Artemis. May school bus na nag hahatid sakanya sa bahay pero gusto kong makasigurado kung nakauwi ba sya ng maayos.

"Mom"

Napatigil kaming dalawa ni Castle sa pag tatawanan ng marinig namin ang boses ni Artemis. Sinalubong ko sya ng yakap saka hinalikan sa magkabilang pisngi, nakapag high five naman sya sa Papa Castle nya.

"Mom, dad is here!"

Sigaw ng kalalabas na si Near at kasunod nya na nakapang opisina pang si Pierre.

Nakita kong nakatingin si Pierre sa kamay ni Castle na nasa bewang ko. Hindi ko sya pinansin at tinignan anh nakasimangot na mukha ni Near habang nakatingik kay Castle. Ramdam ko naman ang tensyon sa pagitan naming tatlo.

"Hey Near River!" Bati ni Castle. Inirapan lang sya ni Near at kumapit sa kamay ni Pierre.

Napatingin naman kami sa seryosong mukha ni Pierre na nakatingin kay Castle. Tumikhim si Castle at nag lahat ng kamay sa harap ni Pierre.

"Castle pre boyfriend ni Kallen" sabi ni Castle, tinignan ni Pierre ang kamay ni Castle na nakalahad. Tinanggap naman ito ni Pierre at humarap sakin.

"Pierre, ama ng anak ni Kallen"

***

A/N: ganon ang banat!

Mom at 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon