MaS Entry 30

92.8K 2.4K 67
                                    

Kanina pa ako pagulong gulong sa kama ko. Hindi ako mapakali sa kaisipang alam ni Thea ang tungkol sa anak ko. At ang isa pang nakakapag pagulo ng utak ko ay si Pierre, gusto nya akong mag move on pero pinapaasa nya ako sa mga kinikilos nya.

Tumayo ako sa kama at binuksan ang laptop ko, gusto kong libangin ang sarili ko. Ayoko munang mag isip. Binuksan ko ang account ko sa fb at nag basa ng news feed.

Napangiti ako ng makita ko si Artemis karga karga ng pinsan ko. Tinag ko ito sa akin, binasa ko rin ang mga comments at halos karamihan ay ang kulay asul na asul nyang mata ang napapansin.

May nag tanong pa kung babae sya dahil sa pangalan nya.

Nag message ako sa pinsan ko at nag request na mag scype kami. Pumayag naman sya kaya tumawag ako.

Nakaupo sya at karga karga nya si Artemis na busy sa pag tingin sa hawak nyang laruan.

"Look Artemis oh, si Mommy" turo ni Janice sa gamit nyang laptop.

"Hello Artemis" sabi ko sa tapat ng laptop ko at kumaway. Tumitig sa akin si Artemis at maya maya lang ay umiyak. At inaabot ang laptop ni Janice.

"Len, mukang namimiss kana ng anak mo" sabi ni Janice at pilit pinapatahan si Artemis. Nakita ko pa ang pag dating ni Mama at kinuha si Artemis kay Janice.

"Bakit umiyak?" tanong ni Mama kay janice. Nginuso naman ako ni Janice kay Mama.

"Oh anak, tatawagan sana kita. Uuwi na kami bukas, tumawag kasi ang mga kuya mo hindi daw sila makakauwi. Nag aalala kami ni Papa mo dahil wala kang kasama dyan." sabi ni Mama.

"Bakit ba kasi hindi ka sumama?. Sayang, Para kumpleto na tayong mag pipinsan." Sabi ni Janice

Gusto kong pumunta kaso natatakot ako sa sasabihin nila. Ayokong harapin ang mapang husga nilang tingin.

"Ayaw mong pumunta kasi iniisip mo ang sasabihin ng mga pinsan natin?" biglang sabi ni Janice, napansin kong sya nalang mag isa ang nasa kwarto at wala na sila Artemis.

"Ayoko lang masaktan sa maririnig ko." sabi ko.

"Normal lang na makarinig ka ng mga negatibo tungkol sa pagiging batang ina mo. May pag kakamali karin kaya kailangan mong tanggapin ang sasabihin nila. Kailangan mong tanggapin pero hindi mo kailangan dibdibin." sabi nya

* * *

Naging masarap ang pag tulog ko dahil sa mga sinabi ni Janice. Nagulat din ako ng sinabi nya sa akin na dapat ay may anak na sya pero ipinalaglag nya. Kung lang ang salitang nagulat sa nalaman ko. Galing sa istriktong pamilya si Janice, kaya natakot syang ipaalam sa magulang nya na nag dadalang tao sya. Umiiyak sya habang nag kukwento, hanggang ngayon ay nag sisisi daw sya sa nagawa nyang kasalanan. Walang daw kapatawara iyon, kaya hanga daw sya sa akin dahil kahit pag kakamaling nabuo si Artemis ay nagawa ko syang panindigan.

Kinakabahan ako habang papalapit sa school. Alam kong hindi ko dapat pag katiwalaan si Thea sa sikreto ko, pero umaasa akong hindi nya agad ilalabas ang nalalaman nya.

Napanatag ang kalooban ko noong nakita kong normal ang lahat. Tumuloy ako sa class room at umupo sa upuan ko.

Ilang minuto lang ay dumating na si Ma'am .. Naging maayos ang lahat hanggang mag uwiian ng hapon, hindi din ako pinapansin ni Thea dahil busy siya kasama ang barkada nya at ni Pierre. At nag papasalamat naman ako doon.

Excited akong umuwi ng bahay dahil makikita ko na si Artemis.

Pag bukas ko ng pinto ay nakita ko syang nag lalaro sa sala, nakatayo sya at nakahawak sa coffe table para magsilbing suporta nya sa pagtayo.

"Artemis Ezekiel!" sigaw ko. Napatingin sya sa akin at tumawa, umupo sya sa at gumapang para salubungin ako. Binuhat ko naman sya saka hinalikan sa pisngi.

"Oh, andyan kana pala. Mag miryenda kana." sabi ni Mama na papalabas ng kusina.

Pumunta ako ng kusina habang buhat buhat si Artemis. Umupo ako at kinandong ko sya, nag handa si Mama ng pancake na may chocolate syrups.

Kumuha ako ng kutsara at kumuha ng konting syrups saka sinubo kay Artemis. Naka tingala sa akin si Artemis kaya kitang kita ko ang Asul na asul nyang mata, nakikita ko sa mata nya ang mata ni Pierre. Huminga ako ng malalim saka pinilig ang ulo ko.

"May problema ba Kallen?" tanong ni Mama at umupo sa katapat kong upuan.

"Wala naman po, bakit nyu po naitanong?" sabi ko at umiwas ng tingin.

"Ina mo ako, sa akin ka galing kaya alam ko, ramdam ko pag may bumabagabag sa mga anak ko" sabi nya.

"Ma, pwede bang tumira nalang tayo sa malayong lugar?"

* * *

A/N

Papalitan ko ang pangalan ni Vince

Pierre Ezekiel Wayland na. (pinag isipan kong mabuti yan, haha)

Artemis Ezekiel naman si artemis.

Gusto ko sanang pati yung kay artemis palitan ko kaya lang baka magulo. Ty

Mom at 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon