MaS Entry 13

94.9K 2.4K 466
                                    

Lumipas ng mabilis ang mga araw. At sa mga araw na nag daan ay maraming nangyari. Katulad nang nalaman na ni Papa na may apo na sya. At ilang araw nya kaming hindi kinontact. Next week ang uwi nya at doon daw kami mag uusap- usap.

Kinakabahan ako sa kung ano ang gagawin ni papa.

Naging attached na rin ako ngayon kay Artemis. Yung tipong pagkagaling ko ng school o trabaho ay sya agad ang hahanapin ko pag uwi ko ng bahay. Yung saya na pag nakita nya ako ay gagapang sya papunta sa pinto kung nasaan ako. Yung nakakapatalbog ng puso ko pag tinititigan ko ang asul nyang mata. Naparang sa ama nya ako nakatingin.

Masaya ako sa naging desisyon kong wag nang sabihin kay Pierre ang tungkol kay Artemis. Iyon naman kasi talaga ang tama. Mahal ko si Pierre, pero tama naman ang sinabi ni Mama. Hindi matatawag na pamilya kapag isa lang ang nag mamahal. Na baka sa huli ay magkasakitan lang kami at mauwi sa pagkawatak ng pamilyang pag hihirapan kong buuin.

At isa pa girlfriend na ni Pierre ang isa naming kaklase. Masakit, oo yung tipong parang dinukot ang puso mo mula sa loob at pinusok tusok ng karayom. Lalo na pag nakikita ko kung gaano sila kasweet? At kung paano syang mag alala sa babae? Para akong kinakapos ng hininga pag nakikita ko kung gaano sya kaasikaso sa girlfriend nya. Na noon ay sa akin nya ginagawa. Pero wala akong magawa, kahit na tumalon ako sa 4th floor ng school ay hindi nya na ako mapapansin. Ganoon kasi sya, pag nakaharap na sa taong mahal nya ay wala na syang pakialam sa paligid. Dahil nag tatayo sya ng mataas na pader sa pagitan nila ng mahal nya at ng ibang tao. Na ang nag eexist lang ay siya at ang girlfriend nya. Alam ko yon, dahil minsan na nya ako nakasama sa pag tayo ng pader na iyon. Kung saan kaming dalawa lang ang magkasama.

Alam kong mawawala rin ang nararamdaman ko kay Pierre . Pero hindi ko alam kung kailan. Sa ngayon, si Artemis ang mahalaga kaysa sa ibang bagay.

Dahil pag nakikita ko ang anak ko ay parang nawawala ang takot at sakit na nararamdaman ko. Kay Artemis ako ngayon kumukuha ng lakas.

Naalala ko ang sinabi ni Mama. Handa na akong maging ina pag naramdaman kong hindi na para sakin ang puso ko. At ngayon masasabi kong hindi na para sakin ang puso ko.

* * *

Maaga akong pumasok ngayon , marami kasi akong gagawing project at assignments na hindi ko nagawa kagabi. Dahil sa pag kukulitan namin ni Artemis. Napapangiti ako pag naaalala ko ang masayang halakhak ni Artemis, feeling ko naririnig ko ulit ito.

Ilan-ilan pa lang ang pumapasok sa gate ng school. 8 am ang umpisa ng klase at mag se-7 palang.

Pag dating sa room ay tuloy tuloy akong pumasok. May isa naring akong kaklase na nakitang nakaupo sa upuan nya. Pag upo ko sa upuan ko ay ginawa ko na ang mga hindi ko nagawa kagabi. Narinig ko rin ang pag alis ng isa kong kaklase.

Malapit na akong mayari ng biglang pumasok si Pierre at ang girlfriend nyang si Thea. Nakahawak ang isang kamay ni Pierre sa beywang ni Thea at bumubulong sa tainga ng babae. Ang kaninang kamay na nasa beywang lang ay napunta sa isang dibdib

ni Thea. Nakita ko pang napakagat ng labi si Thea sa ginawa ni Pierre.

Natanggal lang ang paningin ko sa kanila ng malaglag ang ballpen na hawak ko. Nanginginig ang kamay ko ng pinulot ko ito.

Pilit kong binabalik ang atensyon ko sa pag susulat, habang kagat ang nanginginig kong ibabang labi. Nakayuko ako habang nag susulat. Kaya't tumabing sa mukha ko ang mahaba kong buhok.

Rinig na rinig ko ang tunog ng pag hahalikan nila. Tang ina! Ang sakit. Bakit kailangan ko pang masaksihan ang mga ito? Para ipamukha sa akin na wala na talaga? Gusto kong tumayo at lumabas dito. Pero nanginginig pati ang tuhod ko.

"Ahhh ... Shit!... Pierre..."

Tuluyan nang nalaglag ang butil butil na luhang kanina ko pa pinipigilan. Tang ina! Tang ina talaga! Hanggang kailan ako masasaktan ng dahil sa isang lalaki? Hanggang kailan ko kakayanin ang lahat ng ito?

"Ahhh... Wait babe easy" sabi ni Pierre

Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko para mapigilan ang walang katapusang pag tulo ng tubig mula sa mata ko.

"Classmate, pwedeng lumabas ka muna? Mag eexcercise lang kami." sabi ni Pierre na paos ang boses. Pag kayari ay narinig ko ang pagtawa ni Thea.

Kahit na ngingingig ang buong katawan ko ay pinilit kong tumayo at lumabas ng room. Dumiretso ako sa cr ng mga babae at nang hihinang umupo sa toilet bowl.

Daig ko pa ang sinaksak ng daan daang screwdriver. Sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko kayang idescribe ang sakit na bumabalot sa akin..

* * *

A/N

Anyare? Bakit naging ganito? Naging SPG .. Lol

Pierre na ang dating Vince/nt noon.

Mom at 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon