MaS Entry 19

92K 2.6K 134
                                    

Umupo ako sa gilid ng kama ko at tinignan ang mga gamit namin ni Artemis na nakasilid sa dalawang malaking bag.

Aalis kami ni Artemis, nakahanap na ako ng titirhan namin. Imbis na pumasok kanina ay nag hanap ako ng pwede naming tirahan. Mayroon naman akong nahanap malapit sa dati naming pinupuntahan ni Pierre. Nag dadalawang isip pa ako kanina, dahil pag nagkataon ay lagi kong madadaanan ang lugar na naging saksi sa lahat ng pinag daanan namin dati ni Pierre . Pero iyon ang lugar na malayo sa bahay namin at may kalayuan sa school. At isa pa doon lang sa lugar na iyon hindi masyadong matao. Meron man pero walang estudyanteng katulad ko.

Hangga't maaari ayokong may makaalam ng tungkol kay Artemis. Hindi pa ako handa para sa isa pang problema.

"Artemis, hindi kinakain yan!" sigaw ko na nakapag pagulat sa kanya. Tumitig sya sa akin at umiyak ng malakas.

Dali dali akong lumapit sa kanya at binuhat sya.

"Sorry na baby, ikaw naman kasi eh .. hindi kasi kinakain yon. Tsinelas yon eh" sabi ko at pilit na pinapatahan sya.

Nang naghikab sya ay ibinaba ko sya sa kama at inabot ang feeding bottle nya ..

Nag patuloy ulit ako sa pag aayos ng mga gamit namin. Pinag dadadala ko lang ang mga importanteng gamit.

"Kallen?"

Napatigil ako sa pag aayos ng marinig ko ang boses ni Mama. Hindi ko namalayan na nakapasok na pala si Mama.

"Kallen ano to?" tanong ni mama.

"Ma.. Aalis kami ni Artemis" sabi ko saka pinag patuloy ang pag lalagay ng mga gamit sa bag.

"Anak, huwag kang maniwala sa Papa mo, hindi nya tototohanin ang sinabi nya kagabi!" natatarantang sabi nya saka lumapit sa akin at hinawakan ang mukha ko.

"Kallen, Anak dito lang kayo huh?" sabi ni Mama. Kinagat ko ang dila ko para mapigilan ang pamumuo ng luha ko. Ayoko munang umiyak. Lagi nalang iyon ang ginagawa ko nitong mga nakaraang araw. Huminga ako ng malalim saka hinawakan ang kamay nya na nasa mukha ko.

"Ma... Salamat ha, kasi ang dami mo nang nagawa para sa akin. Ang dami mo nang isinakrepisyo para sa akin. Isinakrepisyo mo ang mahal na mahal mong trabaho kahit na alam mong ma popromote ka para lang alagaaan ako ng mabuntis ako.. Ikaw ang umako ng responsibilidad kay Artemis noong panahon na hindi ko pa tangap. M-ma, salamat po sa pag mamahal" kahit na anong pigil ko sa sarili ko na pigilan ang pag tuloy ng luha ko ay hindi ko magawa. Tuloy tuloy ito sa pag agos, na parang may sariling buhay.

Ayoko man, pero alam kong ito ang tama sa ngayon. Ito ang unang beses na mahihiwalay ako sa kanila. Hindi ko alam kung makakaya ko ng ako lang mag isa, lalo na at kasama ko si Artemis.

"Wala akong pakialam kung ano ang nawala sa akin, dahil mas mahalaga kayo doon. At dito kalang Kallen, kung kinakailangan ikulong ko kayo ng anak mo ay gagawin ko. Hindi madali ang buhay anak."

"Ma, ito ang makabubuti sa ating lahat" sabi ko at pinunasan ang pisngi ko na basa ng luha.

"Anong ito ang makabubuti? Makabubuti ba ang patayin mo ako sa pag aalala pag umalis ka dito? Anak kita at lahat ng magulang gusto kasama ang mga anak nila. Alam ko, hindi din masisiyahan ang papa mo pag mas pinili mo ang umalis. Galit lang sya kaya nasasabi nya iyon. Pero ramdam ko, hindi din sya masaya sa ginagawa nya sayo. Prinsesa ka nya hindi ba?" hinaplos ni Mama ang mag kabilang pisngi ko.

'Kahit na mag kaasawa o anak kana, ikaw parin ang little princess ko. Tandaan mo yan Kallen'

Lagi nyang sinasabi sa akin na ako ang Prinsesa nya kahit may asawa't anak na ako. Papa's girl ako dahil na rin siguro sa bunso ako. Lagi nyang sinasabi na lahat ng kaya nyang ibigay, ibibigay nya sakin. Bago matulog pupunta sya sa kwarto ko at hahalikan ako sa noo. Gusto ko ibalik ang dati naming samahan ni Papa. Yung ako parin ang Prinsesa nya. Pero paano ko gagawin iyon kung lalayo ako?

"Mapapatawad pa ba nya ako Ma?" tanong ko kay mama.

"Lahat ng tao, marunong mag patawad. Mahal ka ng papa mo, lagi mong tatandaan yan." sabi ni mama at hinaplos ang buhok ko.

"pwede pa bang maibalik ang dati, ma?" tanong ko

ngumiti sya at tumango saka ako niyakap ng mahigpit.

"Walang pwedeng ibalik, dahil wala namang nawala" sabi nya at mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin.

Ibabalik ko yung dati. Yung ako parin ang prinsesa ni Papa. Gagawin ko ang lahat para mag kaayos kami. Dahil ang pamilya ko nalang ang meron ako ngayon. Ang pamilya ko at si Artemis ang bubuo ulit ng pag katao ko, na hinayaan kong masira noon.

Mom at 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon