MaS Entry 29

87.5K 2.4K 217
                                    

Nag kaayaan munang kumain sa labas bago pumunta sa bahay. At kahat ng kinain namin ay si Pierre ang nag bayad, buti nalang at yung mura lang ang inorder ko. Pinalis ko na ang kabang nararamdaman ko kanina pa, naitago ko na lahat ng makapag papatunay kay Artemis. Kaya wala na akong dapat ipag alala.

Pag dating sa bahay ay nag kanya kanya silang upo sa sofa, binuksan ko rin ang Tv para nakapanuod muna sila. Pumunta ako ng kusi na para mag timpla ng juice para sa kanila, gumawa rin ako ng tuna sandwich.

Dinala ko sa sala ang juice at sandwich sa saka at inilapag sa coffe table, mag aalas tres na kasi. Natagalan kasi kami sa resto na pinag kainan namin dahil nag kwentuhan pa sila.

"Asan Parents mo?" Tanong ni Ches at kumuha ng sandwich

"Asa province"sagot ko at pinag bibigyan ng ice tea ang mga baso.

"Asan ang Cr?" Tanong ni Thea. Itinuro ko naman ang pinto sa ilalim ng hagdanan.

"Kallen, ano yung mga bato na nakaipon sa lupa doon sa labas nyo? Natanaw ko kanina." Tanong ni Ches

"Small fish pond ng kuya ko" sagot ko.

"Ay talaga? Tignan natin" excited na sabi ni Ches at lumabas ng bahay.

Sinundan ko sila pag labas ko ay naabutan kong nakaupo si Pierre sa terrece, hindi pala sya pumasok sa loob. Nag iwas ako ng tingin ng mag kasalubong ang tingin namin. Maluwag ang necktie nya at nakabukas ang dalawang butones ng uniform nya. Namumula rin ang mukha nya hanggang sa leeg, ganyan sya pag naaarawan. Kung ang iba ay umiitim pag nabibilad sa araw sya naman ay namumula. Ang sakit pa naman sa balat ng sikat ng araw.

Sumunod ako sa mga kaklase kong gustong tignan ang fish pond.

"Ang cute ng black and white" rinig kong sabi ni Ches.

"Yung gold fish ang ganda" sabi naman ni Kath

Nakita ko naman si Mark na nasa duyan na nakatali sa malaking puno. Ginawa yon ni kuya Miguel at doon kami madalas ni Artemis dahil presko ang hangin.

Bumalik ako sa loob ng bahay at umakyat sa kwarto ko para mag palit ng damit. Pag bukas ko ng kwarto ko ay halos malaglag ang puso ko, unti unting humarap sa akin si Thea. Napatingin ako sa hawak nyang picture frame.

Lalong lumakas ang kabog ng dibdib kong makita ang kung sino ang nasa picture frame. Picture namin ni Artemis noong kapapanganak ko sakanya. Naka upo habang nakasandal ako sa ospital bed, naka ospital gown pa akoat Nasa gilid ko naman ay si Mama habang hawak ang maliit at payat pang si Artemis. Halata sa mukha ko ang dipag gusto sa pagkuha ng picture ng isang nurse.

"Tama nga ang hinala ko, ikaw ang nakita ko noon na may hawak na baby." sabi nya, binaba nya ang picture frame at lumapit sa akin.

"At tama ang hinala kong isa kang disgrasyada, akala mo hindi ko alam na gusto mo si Pierre? Ano gusto mo syang ikama? Sabihin mo lang kung nangangati ka at mag hahanap ako ng pwedeng kumamot sa kakatihan mo. At Huwag na huwag mong tangkaing lapitan si Pierre kung ayaw mong lumabas ang baho mo!" banta nya at binunggo ang balikat ko bago lumabas ng kwarto ko.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Parang hindi mag register sa utak ko ang nangyari. At bakit sya basta basta pumapasok sa kwarto ko?

Bumaba ako at nakita kong nakaupo si Thea sa sofa.

Lalapit sana ako sakanya pero nag sipasukan na ang mga kasamahan namin.

"Grabe Thea, ang ganda nung fish pond nila Kallen. Parang lawa syang maliit ay napapaligiran ng mga bato ang gilid tapos ang gaganda ng mga isda." Kwento ni Kath kay Thea at umupo pa sa tabi nito.

"Talaga kath? Pero mas maganda ang nalaman ko" nakangising sabi nya at tumingin sa akin.

"Alam nyo bang si Kallen ...."

Feeling ko tinakasan ako ng kulay, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pinag papawisan din ako.

Biglang tumawa ng nakakaloko si Thea at tumingin sa akin.

"Ano kaba Kallen? Bakit ka namumutla? Ang sasabihin ko lang naman ay may maganda kang kwarto. Huwag kang paranoid" natatawang sabi nya at ibinalik ang atensyon sa mga barkada.

Dali dali akong pumunta ng kusina at kumuha ng tubig sa fridge.

"Okay kalang?"

Halos malaglag ang basong hawak ko ng may mag salita sa likod ko.

At Halos ang puso ko naman ang muntikan ng malaglag ng naramdaman kong pumulupot ang dalawa nyang braso sa tyan ko. Naramdaman ko ring hinalikan nya ang ulo ko. Pinipigilan ko paghininga ko, unti unting bumalik ang ala ala ng nakaraan noong mga panahong kami pa. Ganito din sya saakin noon pag alam nyang hindi ako komportable.

Pilit kong tinatanggal ang kamay nya, pero hinawakan nya lang din ang kamay kong pilit nag tatangal sa kamay nya.

"Five minutes Kallen, Five minutes lang." bulong nya

Akala ko ba gusto nya akong mag move on? Paano ko gagawin iyon kung ganito ang kinikilos nya?

'Please, Pierre Ezekiel huwag mo akong paasahin sa wala.'

***

Sino mahilig sa fantasy? Try nyo yung The Priestess..

Mom at 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon