MaS Chapter 1

171K 3.6K 383
                                    

"Good morning Ma!" bati ko kay mama at umupo sa harap ng hapag.

Tumingin sya sa akin at binati din ako. Ipinag patuloy ang pag luluto habang hawak si Artemis.

Si Artemis ang 7 months old ko anak. 15 ako ng mabutis ng boyfriend ko at ka sisixteen ko ng ipinanganak ko sya. Hindi ko alam kung nasan na ang ama ng anak ko. Nawala na lamang sya na parang bula.

Sumimsim ako ng kape at tumayo na. May pasok pa ako sa school. Fourth year high school na ako at Graduating na this year.

"Ma alis na ako." sabi ko at lumakad na palabas ngkusina. Pero natigil ako ng tawagin nya ang pangalan ko.

"Kallen!" bakas sa pag tawag nya sa pangalan ko ang pag kairita.

Huminga ako ng malalim at lumakad pa lapit sa kanya at tinignan ang anak ko.

Pinipigil ko ang emosyong gustong lumabas mula sa kaloob looban ko. Habang nakatitig ako sa anak ko ay hindi pwedeng hindi ko maalala ang ama nya. Ang kulay asul na mata ang tangos ng ilong ang manipis at magandang labi at ang kulay blonde na buhok. Lahat iyon nakuha nya sa ama nya. Ang hirap tangapin na ang kaisa isang tao minahal ko at pinag bigyan ko ng lahat lahat ng meron ako ay iniwan lang ako ng hindi ko alam ang dahilan. At ang masama pa may iniwan pang remembrance.

"Bye Artemis" sabi ko at hinalikan sya sa pisngi na ikinatuwa nito. Ngayon ko lang nakita na may dimples pala sya. Masasabi kong wala syang nakuha sa akin lahat sa Ama nya.

Specially ang dimples na gustong gusto ko pag tumatawa SYA. Kinagat ko ang labi ko para mawala ang mga nasa utak ko.

Ayoko ng maalala ang mga katangahang nagawa ko.

* * * *

Pag dating sa room ay umupo na lang ako sa upuan ko. Wala ako sa mood makipag kwentuhan tungkol sa topic nilang sikat na banda ngayon na My Valentine.

Naguguilty ako sa pag trato ko kay Artemis na parang hindi sya nag eexist sa buhay ko. Pag kasi nakikita ko sya ay naaalala ko ang ama nya. At nasasaktan ako sa bawat ala alang nag paflash back. At ang isa pang nakakaguilty ay ang pag tatangka kong ipalaglag sya. Hindi ko pa kasi alam kung ano ang gagawin ko noong nalaman kong buntis ako at nang isang linggo ko ng hindi ma contact ang boyfriend ko. Hindi ako handa sa responsibilidad na nakapatang sa akin pag ipinanganak ko sya. Ano ba ang alam ng ising kinse anyos na bata? Ni ang mag saing nga ay hindi ko pa kaya.

Kaya simula ng inilabas ko si Artemis si Mamana ang nag alaga sakanya. Mas okay narin siguro na habang nag kakaisip si Artemis ay si Mama ang makilala nyang ina. At hindi ako na tinangka syang patayin.

* * *

eh?

Mom at 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon