MaS Entry 16

92.9K 2.7K 243
                                    

Ang lakas ng kabog ng puso ko habang palapit ng palapit ako sa bahay. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari. Alam kong kailangan kong harapin ang galit ni Papa, pero hindi naman sana ganitong kaaga. Hindi ako handa.

Pag pasok ko ng bahay ay nakita ko agad si Papa na nakaupo sa sofa. Nakapambahay na ang suot nyang damit. Nakita ko rin ang mga iba pa nyang gamit na nasa isang gilid. Huminga ako ng malalim . Kahit na ang ingay ingay ng kabog ng dibdib ko ay lumapit ako sakanya.

"Pa, mano p-" naputol ang sasabihin ko ng naramdaman ko ang mabigat nyang palad sa kaliwang pisngi ko. Pakiramdam ko namanhid ang buong mukha ko.

"Malandi." madiing sabi nya. Bakas sa boses nya ang matingding galit na kahit kailan ay hindi ko inakalang mararamdaman ko.

"Gabriel!" sigaw ni Mama saka lumapit sa akit at niyakap ako.

"Gabriel, Bakit mo sinasaktan ang anak mo?!" galit na sigaw ni mama kay papa.

"Alam mo kung bakit, napakalandi nyang babae na iyan! Ito ba huh?! Ito ba ang isusukli ng magaling mong anak! Walang utang na loob!" galit na galit na sabi ni papa

"Anak mo sya Gabriel, kaya tumigil kana!" madiing sabi ni Mama

"At ikaw?! Imbes na sabihin mo sa akin na nag karoon ng bunga yang kalandian ng Kallen na iyan. Itinago po pa?! Kung hindi kaba naman kunsentidor na ina! Pare pareho kayo!" natahimik si mama sa sinabi ni papa. Alam kong kami ang may papkakamali dito, dahil hindi namin pinaalam sa kanya ng maaga.

"S-sorry Pa." sabi ko sa pagitan ng pag hikbi ko.

"Punyeta! Tumahimik ka! Kung hindi ka ba namang isa't kalahating tanga! Akala mo mauubusan ka ng lalaki. Kaya't Inuna mo pa iyang kalandian at katangahan mo kaysa sa kinabukasan mo! Akala ko ba matalino ka?! Stupido!" galit na sabi ni Papa bago umakyat sa kwarto nila.

Nanikip ang dibdib ko sa lahat ng sinabi ni Papa sa akin. Masakit lahat ng sinabi nya tagos hanggang sa kaluluwa ko. Pero kailangan kong tangapin dahil ako ang may pag kakamali dito.

"Pag pasensyahan mo na si Papa mo, Kallen" sabi ni Mama at tumabi sa akin sa sofa. Saka hinawakan ang kanang kamay ko.

"A-ayos lang Ma. K-kasalanan ko naman eh" sabi ko at pinunasan ang mga luha ko. Ramdam ko pa rin ang hapdi ng kaliwang pisngi ko.

"Mawawala rin ang galit non" sabi ni Mama at hinagod ang likod ko.

Natanaw kong pababa ng hagdan si Kuya Mj at karga karga si Artemis. Huminga ako ng malalim at ngumiti sa nag papapasag na si Artemis.

Sigaw sya ng sigaw ng makita nya ako. Kinuha ko sya mula kay kuya, at pinag hahalikan sa pisnge at leeg.

"Ang bango naman ng baby ko" sabi ko at patuloy parin sa pag halik. Na ikinatuwa naman ni Artemis. Tawa lang sya ng tawa.

Napatingin ako kay kuya MJ na kanina pa ako tinitignan.

"Hindi ko nilabas si Artemis dahil baka lalo lang magalit si Papa. Okay ka lang ba?!" nag aalalang tanong nya.

Tumingin muna ako kay Artemis na ngayon ay nag hihikab na. Pinatong ko ang ulo nya sa balikat ko at hinagod hagod ang likod nya para makatulog.

"Naiintindihan ko naman si Papa eh. Nabigo ko sya, ang dami nyang pangarap para sa akin. Lagi nyang sinasabi na... Na kahit na mamalimos sya ay gagawin nya basta matupad ang mga plano nya sa akin. Sobrang nasaktan ko si Papa, Kuya" unti unti nanamang nag papatakan ang mga luha ko. feeling ko naninikip ang dibdib ko pag naaalala ko lahat ng plano sa akin ni Papa. Para akong unti-unting nauupos habang nakatingin sya sa akin kanina.

Pinunasan nya ng mga luha ko saka ako hinalikan sa noo.

"Mahal ka ni Papa, mapapatawad ka rin nya. Sa tamang panahon. Basta lagi mong tatandaan ikaw ang Prinsesa nya. Diba lagi nyang sinasabi sayo iyon? At lagi nyang sinasabi sa amin noong bata pa kami ni Miguel na pag kaming dalawa ni Miguel ang makagagawa ng mabigat na kasalanan ay baka umabot ng dalawang dekada bago nya kami mapatawag. Pero kung ikaw, bigyan mo lang daw sya ng magandang dahilan ay papatawarin ka nya. Kaya nyang maging unfair sa lahat, para sayo . Ganoon ka niya kamahal Kallen. Basta nandito kami para sayo bunso."

* * *

Dinner at nasahapag kainan kaming lahat. Kinakabahan parin ako. Umiiwas akong makasalubong ang mga mata ni Papa dahil pakiramdam ko napapaso ako.

Tahimik lahat habang kumakain. Tanging si Artemis lang ang maingay at nag sasalita ng kung anu-ano.

Hanggang sa nga salita ang batas ng bahay.

"Simula bukas hindi kana mag aaral" maotoridad na sabi ni Papa

Nalaglag ang panga ko sa narinig ko. Narinig ko ang pag tutol ni Mama at ng mga kapatid ko.

Mom at 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon