MaS Entry 23

89.7K 2.7K 288
                                    

Nagbihis ako ng damit kong pantulog saka ko tinignan ang natutulog na si Artemis sa kama. Himala at maaga syang nakatulog ngayon.

Naramdaman ko ang pag kalam ng sikmurako, hindi pa pala ako kumakain. Bumaba ako, nasa sala pa rin si Papa at nanunuod ng tv. Nakatalikod sya sa akin at nasa tv ang buong atensyon.

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob, lumapit ako sakanya at niyakap sya mula sa likod. Sinubsob ko ang mukha ko sa balikat nya.

"Pa.. Papa ko.. S-sorry na please.. Patawad kung maaga akong nagkaanak. Patawad kung nabigo kita. Patawad kung nag lihim kami sayo. Pa... P-patawad kung nasaktan kita. S-sorry Papa.." lalong tumulo ang luha ko ng hindi sya nag salita na parang wala syang narinig. Feeling ko hindi na ako mahal ni Papa. Dati ayaw nyang nakikita akong umiiyak, pag inaaway ako nila kuya ay papagalitan nya ang mga ito. Pero ngayon.. Parang balewala na sa kanya na masaktan ako. Ganoon naba kalaki ang kasalanan ko? Na halos isuka na nya ako?

"Papa.. D-diba sabi mo kahit na mag ka asawa't mag kaanak na ako, A-ko parin ang Prinsesa mo? P-ero bakit iba ang ginagawa nyo sa sinabi nyo? G-ganito ba ituring ang mga prinsesa pag nag kaanak sila sa batang edad? K-kung ganon papa ayoko nang maging prinsesa, kasi Papa ayokong nagagalit ka sa akin. P-papa, S-sorry.. Sorry po talaga.. M-mahal na mahal kita Papa ko?" naninikip ang dibdib ko dahil wala man lang akong nakuhang sagot mula sa kanya. Nakalimutan ko ang gutom ko, walang pasabing tinangal ko ang pag kakayakap ko sa kanya at umiiyak na pumanhik sa kwarto ko.

Humiga ako sa tabi ni Artemis, hindi ko maawat ang pag tulo ng mga luha ko. Lalo lang silang nag sisilabasan lalo na pag nirereplay ko sa utak ko ang nangyari kani kanina lang. Ni hindi man lang nya ako nilingon. Ni hindi man lang sya nag salita.

Pinunasan ko ang luha ko ng biglang nagising si Artemis. Nag simula syang sumibi, tinapik tapik ko ang hita nya. Umiyak sya kaya binuhat ko sya at pinahiga sa ibabaw ko saka tinapik tapik sya sa hita. Sisinghot singhot parin ako habang ginagawa iyon.

Nakatulugan ko na ang pag iyak. Naalimpungatan nalang ako ng naramdaman kong may dumamping kung ano sa noo ko.

"Goodnight.. Little Princess" rinig ko mula kung saan. Gusto kong idilat ang mata ko pero masyado itong mabigat, dahil siguro sa pag iyak. Nag patangay nalang ulit ako sa antok at muling natulog.

***

Kinabukasan ay tanghali na akong nagising, kaya hindi ko napag handaan ng almusal si Papa. Ang bigat ng pakiramdam ko ngayon.

Nag paalam na ako kay Mama at Artemis na papasok na ng school. Sa pintuan sa likod na ako dumaan, dahil ayokong makita ni Papa ang pamamaga ng mata ko.

Matamlay na pumasok ako sa room. Wala ako sa mood ngayon. Hanggang sa mag uwian ng hapon ay wala ako sa sarili ko, pati si Castle ay panay ang tanong kung okay lang ba ako. Panay naman ang tango ko.

Kahit na wala akong gana ay pumasok ako sa part timejob ko. Na pinag sisihan ko, dahil isa sa costomer ng restaurant na pinag tatrabahuhan ko ay si Pierre at si Mrs. Wayland at may kasama pa silang babaeng maganda na tingin ko ay kasing edad lang din namin.

Ako ang nag hatid ng order nila, at nag kagulatan pa kaming tatlo. Pero hindi ko pinahalata ang kaba ko, umakto akong pormal. Hangang sa pag alis ko ay ramdam ko ang dalawang pares na mata ang nakatingin sa akin. Makailan beses akong napagalitan ng boss ko dahil mali mali ang mga order na dinadala ko sa bawat mesa.

Sa inis ata ay pinauwi na ako at tatawagan nalang daw nya ako kung kailan nya ulit kakailanganin ang serbisyo ko. Natawa ako sa sinabi nya, hindi nya pa dineretsyo at sinabing tinatangal na nya ako.

Kaya wala akong nagawa kung hindi kuhanin ang gamit ko at umalis.

"Kallen!" napatigil ako pag karinig ko sa boses ng tumawag sa akin.

Humarap ako sa Sophisticated na babaeng tumawag sa akin.

"Ano pong kailangan nyo sa akin?" deretsyong tanong ko, kung maaari lang ayoko ng drama ngayon.

"Gusto ko layuan mo ang anak ko. Ngayong nakita mo na sya ay baka habul habulin mo nanaman sya. May amnesia ang anak ko at-"

"Amnesia? Wag nyo akong gawing tanga Mrs Wayland. At isa pa hindi ako aso para habul habulin ang anak mo. And i inform ko lang kayo, kaklase ko sya ngayon. Baka sakaling hindi nyo alam" putol ko sa sinasabi nya. Nangagalaiti ako sa kanya. Ang tanda na nya pero napakasinungalin parin.

"Hindi ka makabubuti sa Anak ko!" gigil na gigil na sabi nya.

"Mas hindi po nakabubuti ang Anak nyo sa amin! At huwag nyong sabihing may amnesia sya, dahil hindi kapanipaniwala. Kung ayaw nyong makita ko ang anak nyo bakit hindi nyo sya itago sa palda nyo?" inis na sabi ko at tinalikuran sya.

Sa isang kwento hindi ba pwedeng walang kontrabida? Bakit parang sa istorya ko napakaraming kontra?

Sa edad ko desi sais hindi ko pa dapat nararanasan ang mga ito.

Mom at 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon