MaS Entry 2

134K 3.8K 462
                                    

Pag kayari ng klase sa school ay dumiretso ako sa partime job ko bilang waitress. Nakakahiya naman kasi kay Mama, na pati gatas ay sya pa ang pabibilhin ko. Sya na nga ang nag aalaga kay Artemis.

Pag uwi ko sa bahay ay naabutan ko si kuya MJ ang panganay sa aming tatlong mag kakapatid. Tinignan nya lang ako saglit pag katapos ay pumanhik na sa kwarto nya. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang galit nya sa akin. Sa dalawang kuya ko ay sya ang pinaka close ko. Kaya lang masyado ko syang na disapoint sa nangyari. Kaya kung itrato nya ako ngayon ay parang hangin na dinadaan daanan lang. Si Kuya Miguel naman ay may sariling mundo, nang nalaman nga nya na buntis ako ay nag kibit balikat lang sya at sinabing " Uso eh! Baka nakigaya lang sya." Alam kong galit din sya sa nangyari, ayaw lang nyang i voice out. Sino ba naman kasi ang matutuwa na ang bunso at kung ituring na prinsesa ay nag pabuntis at hindi pinanagutan ng nakabuntis.

Huminga ako ng malalim. Pag nandito talaga ako sa bahay ay nag mumukha akong walang kwenta. Hindi katulad noon. Noong wala pa akong anak.

Pumunta ako sa kusina at kumuha ng tubig na maiinom. Ayoko ng mag isip. Ayoko ng isipin yung mga 'what if'. Yung mga what if hindi ako masyadong nag pabulag sa pag ibig? What if kung ginamit ko muna ang utak ko bago pumasok sa isang relasyon? What if kung pumayag akong makipag hiwalay noong hiniling nya na mag break na kami? Mangyayari kaya ang mga ito ngayon?


Kung sinunod ko ang mga what if na iyon, malamang hindi aabot sa ganito na hindi ako pinapansin ng mga kuya ko. Hindi ko kailangang mag trabaho at higit sa lahat ay wala akong anak na nag papahirap ngayon sa sitwasyon.

Pero nangyari na ang nangyari. Kahit na anong hiling ko na bumalik ang oras kung kailan tanga at alipin ako ng pag ibig na iyan ay imposible ng mangyari. Sa bandang huli ako pa rin ang may kasalanan.

"Oh Kallen, andyan kana pala. Kumain ka naba?" tanong ni Mama habang papasok ng kusina at karga karga si Artemis na ngayon ay titig na titig sa akin. Umiwas ako ng tingin. Ayokong tinitignan ang asul na mata ng anak ko dahil feeling ko ay nababasa nya ang mga nasa utak ko. Katulad kung paano tumingin ang ama nya. Pinilig ko ang ulo ko. Ano bang mga kalokohan ang mga iniisip ko. Pagod na yata ako.

"Bakit hindi nyo pa pinapatulog si Artemis?" tanong ko kay mama at binaba sa lababo ang basong ginamit ko.

"Ewan ko ba sa batang ito. Ayaw matulog, pag binababa ko sa crib nya ay mag i-iiyak.." sabi ni mama habang pinag hahagkan sa pisngi si Artemis. Tuwang tuwa naman ang bata habang nakapasak ang sariling kamay sa bibig.

"Patulugin nyo na sya Ma, alas nuebe na oh" sabi ko at tinuro ang orasan.

"Ikaw na muna kaya ang mag patulog sa Anak mo, Kallen. Masakit na ang likod ko dahil sa bigat nya. At saka marami pa akong liligpitin di to. Hindi ko naman maaasahan ang mga kuya mo sa kusina. At lalo ikaw, baka pag babasagin mo lang ang mga plato." sabi ni Mama at pilit na iniaabot sa akin si Artemis.

Wala naman akong nagawa kaya kinarga ko na sya. Saka halata kay Mama ang pagod.

Napatingin ako kay Artemis nang hawakan nya ang mukha ko. Hinahaplos nya ito. Hindi ko alam pero may parang kumurot sa puso ko dahil sa ginawa nya. Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang nag babanyang luha sa mata ko.

Napatingin ako kay Mama na ngayon ay nakatingin pala sa amin.

"Iba ang ina Kallen. Iba ang haplos ng totoong ina. Bigyan mo ng pag kakataon ang sarili mo. Kung hindi ka minahal ng ama ni Artemis. Hayaan mong si Artemis ang pumuno ng kakulangan ng ama nya." sabi ni mama at hinaplos ang ulo ni Artemis na ngayon ay natutulog na sa bisig ko.


* * *

Mom at 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon