MaS Entry 42

84.5K 2.3K 417
                                    

"Sir, si Mr Garcia po" anunsyo ng babaeng sekretarya ni Pierre.

Bigla syang dinagsa ng kaba sa kaalamang nasa labas ng opisina nya ang ama ni Kallen.

"Papasukin mo" sabi nya sa sekretarya.

Niligpit nya ang mga papel na naka kalat sa dest nya at pinatay ang laptop.

"Why are we here Popsie?"

"Near behave"

Nakita nya ang seryosong mukha ng ama ni Kallen ng pumasok ito sa opisina nya. Napatingin sya sa dalawang batang kasama nito. Ang isa ay tingin nyang nasa dalawa o tatlong tao ng edad, may itim na itim na mata at matangos na ilong halatang lahing latin ito base sa kulay at itsura. Ang isa naman ay isang bata na tingin nya ay walo o higit pa maputi at medyo blonde ang buhok, hindi nya makita ang itsura nito dahil nakatalikod sakanya at pinapagalitan ang batang kasama.

Napatingin sya sa nakangising si Mr Garcia, doon sya kinabahan at napatingin ulit sa batang nakatalikod.

"Gusto kitang bigyan ng reward dahil marunong kang tumupad sa usapan" sabi ni Mr Garcia at tumingin sa batang kasama

"Artemis, meet your Daddy Pierre" sabi ni Mr Garcia sa batang kasama.

Napaawang ang bibig nya ng humarap sakanya ang bata. Ang mata, ang mata na katulad ng mata nya. Ang kabog ng dibdib nya at ang kasiyahan na hindi nya alam kung saan ng galing. Hindi mapapagkaila na sakanya nga ang bata. Nakatitig lang sakanya ang bata na parang pinag aaralan din ang itsura nya.

"You're my Dad?" Tanong ng bata

Napatingin sya kay Mr Garcia na ngayon ay nakangiti lang sakanya. Humarap sya sa nag hihintay na si Artemis. Saka ngumiti at tumango.

"Daddy!" Sigaw ng bata at tumakbo papalapit sakanya, umupo sya para maging kapantay nya ang bata saka sinalubong ang yakap nito. Masaya sya na makita muli ang anak na pitong taon nyang hindi nakikita, pakiramdam nya ngayon ay nahanap na nya ang isang piraso na bubuo sa pagkatao nya.

Hinawakan nya ang mukha ng bata at tinitigan, ang mata nitong kulay asul na kaparehas na kaparehas ng mga mata nya.

"We have the same eyes" sabi ng bata habang nakatitig din sa mata nya. Napangiti sya sa narinig.

"Simply cause I'm your father" nakangiting sabi nya saka hinalikan sa noo ang bata.

"He's my dad too?"

Napatingin sya sa isang batang nakahawak kay Mr Garcia. Naguluhan sya sa sinabi ng bata, may anak ba sa iba si Kallen? Biglang tanong nya sa sarili.

"Ofcourse Near you're my brother right?" sabi ng anak nya. Bigla namang sumaya ang mukha ng bayang tinawag ni Artemis na Near.

"Daddy!" Sigaw ni Near at tumakbo papunta sakanya saka yumakap din. Kahit naguguluhan ay ginantihan nito ang yakap ni Near at hinalikan din sa noo.

Kinuha nya ang telepono at tinawagan ang kanyang sekretarya.

"Yes, Sir?" Bungad ng sekretarya

"Mag padeliver ka ng pagkain, yung makakain din ng mga bata." Sabi nya sa sekretarya at binaba ang telepono.

"Artemis, maglaro muna kayo doon sa sifa ng kapatid mo. May pag uusapan lang kami ng Daddy nyo." Sabi ni Mr Garcia sa anak nya. Napansin naman nya na parang hindi naintindihan ni Near ang sinasabi ni Mr Garcia. Pero bago maipaliwanag sa bata ay si Artemis na ang nagpaliwanag dito, sa lengguwaheng tingin nya ay Spanish. Sumunod naman ang dalawang bata at pumunta  sa sofa.

Nang sila nalang ang naiwan ay napakarami nyang gustong itanong pero nahihiya hindi nya magawa, may parte sa pagkatao nya na natatakot sa maaaring isagot ni Mr Garcia.

"Gusto kitang kausapin tungkol sa deal natin Pierre. Nasasa iyo kung gusto mo pang ituloy, gusto ko lang ipaalam sayo na si Near ay anak ni Kallen." sabi ni Mr Garcia na parang alam nito ang kanina pa nya gustong itanong.

Anak ni Kallen si Near? Ulit nya sa sarili. Parang biglang namanhid ang buong katawan nya sa nalaman. Noong gusto nyang maging isang pamilya sila tinanggihan sya nito, nag hintay sya ng pitong taon para lang mapakira sa Papa nito na kaya na nyang buhayin ang mag ina nya pero sahuli ay malalaman nya lang na nagkaanak ito sa iba?

"Kung ako ang tatanungin ay gusto kong ipag patuloy natin ang napagkasunduan natin. Alam kong marami kang isinakrepisyo para lang sa kasunduan natin, tiniis mong hindi makita si Kallen at Artemis sa loob ng pitong taon. Alam kong umaasa ka lang sa ibabalita ko sayo. Napatunayan mo na saakin na mahal mo ang anak at apo ko. Pero hindi kita masisisi kung uurong ka dahil may anak sa iba si Kallen." Mahabang sabi ni Mr Garcia.

Hindi sya nakapagsalita. Hahayaan nalang ba nya na mawalan ng saysay ay pitong taon na pangungulila nya sa mga ito? Para saan pa at pinilit nyang patunayan sa Ama ni Kallen na kaya na nyang maging Ama sa anak nya? Napatingin sya sa dalawang batang nag tatawanan.

"Kaya kong tanggapin kung ano man si Kallen ngayon." Sabi nya kay Mr Garcia. Nakita nya na ngumiti ito.

"Hindi ko hahayaan na mawalan ng saysay ang pitong taong sinakrepisyo ko. Kaya kong mahalin ang lahat ng naging bahagi ng buhay ni Kallen" sabi nya.

"Kung ganoon kailangan  mo ng kumilos. May natitira kapang siyam na buwan para mabawi ang anak ko sa boyfriend nya. Dahil sa pag kakaalam ko pag tungtong niya ng 25 years old ay mag papakasal na sila ni Castle." Sabi ni Mr Garcia

Napanganga sya sa narinig. Parang huminto sa paggana ang utak niya at hindi maintindihan ang sinabi ni Mr Garcia

"Gawin mo ang lahat para mabawi ang talagang sayo. Hindi ko sinasabi sayo ito dahil ayaw ko sa fiancee nya, pero alam ko na sayo sasaya ang anak ko. Pero huwag ka rin munang umasa na dahil gusto kita para kay Kallen ay okay na, tandaan mo na na kay Kallen parin ang desisyon"

***

A/N about sa surname nila Kallen, actually nakalimutan ko yung binigay kong Surname sa kanila kaya ginawa kong Marfori pero ineedit ko na sya at ibinabalik sa Garcia kaya kung may napapansin kayong Marfori or Garcia iisa lang sila kaya huwag sana kayong malito ... yun lang ..

Mom at 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon