MaS Entry 48

82.6K 2.1K 217
                                    

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari dahil si Castle at Pierre ay parehong nandito nanaman sa bahay. Dalawang linggo ng ganito, pag nandito sa bahay si Castle andito rin si Pierre. At pag nandito su Pierre andito rin si Castle.

Hindi tuloy alam ni Artemis kung sino ang una nyang kakausapin. Si Artemis ang mas nahihirapan sa sitwasyon, Oo nga at si Pierre ang ama nya pero andoon si Castle nuong lumalaki at nagkakaisip sya. Kung ako kang kasi si Castle lang talaga ang aasikasuhin ko dahil sya ang boyfriend ko.

Ang nakakalungkot lang ay aalis nanaman sya bukas papuntang US.

"Ayaw no ba talagang sumama? Kahit 1 week lang." Tanong ni Castle

Gusto nya kasi akong sumama sakanya sa US para dalawin si Gail. Alam kong may isa pang dahilan kung bakit gusto nya akong sumama sakanya, pero kasi hindi ko alam kung paano maglaro si Pierre. Ayokong umalis ng hindi ko kasama ang anak ko.

"Castle I love you. Sayo lang ako at pag nag 25 na ako mag papakasal tayo. Iyon ang panghawakan mo" seryosong sabi ko.

***

Tatlong araw na simula nang umalis si Castle. Pero si Pierre lagi pa ring dumadaan sa bahay at mag dadala ng kung anu-ano para sa mga bata at para sa akin.

"Mom let's go, Daddy's here!" Excited na sabi ni Near. Hindi ko alam kung saan kami pupunta basta kasi ang sabi ni Pierre ay aalis kami at mag dala ng damit na pang dalawang araw.

Dalawang bag ba medyo malaki lang nag dala ko. Puro damit lang naman nila Artemis at Near ang dinala ko, at konti lang ang para saakin.

Pagbaba ko ay nagpaalam ako kay Mama.

"Sigurado kaba na wala ka ng nararamdaman sa ama ni Artemis?" Tanong ni Mama

Ngayon lang syang nagtanong ng tungkol dito. Sa tagal ng pumupunta ni Pierre dito ngayon lang sya nag tanong tungkol sa nararamdaman ko para sa ama ni Artemis. Alam kong nag aalal rin sya para saakin at para kay Castle

"Wala na Ma. Si Castle na ang mahal ko ngayon, mag papakasal na nga kami diba? Si Pierre parte nalamang sya ng nakaraan ko, sumasama ako sakanya dahil lang kay Artemis at Near." Sabi ko kay Mama. Tumango lang sya na para bang okay na ang maikling paliwanag ko.

Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa passenger seat ng kotse ni Pierre. Napansin ko agad ang nakakunot nya noo at ang nalubong yang kilay. Pareho kaming tahimik habang nasa byahe, tanging ang kwentuhan at tawanan lang ng dalawa sa likod ang naririnig namin. Mukhang hanggang ngayon ay bad mood parin sya dahil madilim parin ang mukha nya.

Tatlong oras na kaming bumabyahe. Puro malalawak na palayan lang ang nakikita ko. Ang dalawang bata naman ay tulog na sa likod.

Huminto kami sa isang malaking gate. Kulay brown ito at halatang mayaman ang may ari.

Napatingin ako kay Pierre na seryoso parin ang mukha. Bumukas ang malaking gate at mula sa malayo ay kapansin pansin ang malaking bahay.

Huminto kami sa front door ng mansion. At sinalubong kami ng mga nakaunipormeng katulong. Two storey ang bahay na nasa harapan ko ngayon pero malawak ito, maganda ang pagkakatayo ng bahay ay halatang mamahalin ang mga ginamit na materyales sa pag buo nito.

Bago ko pa makuha ang mga bag na dala ko ay naunahan na ako ng isang katulong. Nginitian ako ng isang nakayunipormeng katulong saka ipinasok sa loob ng makaking bahay ang mga gamit namin. Napatingin ako kay Pierre ng buksan nya ang backseat ng kotse at binuhat ang natutulog na si Artemis.

"Ako na kay Near" sabi ko pero hindi manlang nya ako pinansin.

Problema non? Bunuhat ko nalang ang natutulog na si Near palabas ng kotse at sinundan ang wala sa mood na si Pierre papasok sa bahay. Pumasok sya sa unang pinto sa second floor, kaya pumasok din ako.

Mom at 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon