MaS Chapter 5

105K 3.1K 313
                                    

Nasa labas palang ako ng bahay ay dinig ko na ang iyak ni Artemis. Kaya dali dali akong pumasok sa bahay at dumiretso sa kwarto nila ni Mama. Naabutan ko si mama ni kilik-kilik si Artemis habang umiiyak.

"Bakit Ma?"

Napatingin sa akin si Mama at timungin sa relong nasa braso nya.

"Ewan ko ba sa batang pogi na ito. May sumpong nanaman." sabi nya habang pinapatahan si Artemis.

Lumapit ako sa kanila. " Akin na siya ma." sabi ko kay Mama. Pinag taasan naman nya ako ng isang kilay. Maya maya lang ay inabot sa akin si Artemis.

Hindi ko alam. Pero parang natauhan ako sa sinabi ng babae kanina. Na simula ng nagkaanak nya nadiskubre na meron syang takot at lakas. Takot na baka mawala ang anak nya . At lakas sa tuwing nakikita nya ito.

Naisip ko lang na mapalad ako sa kaso ng mga katulad ko. Mapalad ako dahil mayroon akong pamilya na matatakbuhan at handang gumabay sa amin ni Artemis. May mga kuya ako na kahit galit sa akin ngayon ay tinangap nila ang bunga ng pag kakamali ko.

"Ma, s-susubukan ko. Mapag aaralan at matututunan ko naman siguro hindi ba? Unti- unti Ma. Unti- unti pag aaralan kong maging mabuting ina kay Artemis" umiiyak kong sabi kay Mama.

Niyakap nya kami ni Artemis. Hinalikan nya ako sa noo at hinawakan ang mag kabila kong pisngi.

"Alam kong kaya mo Kallen. Andito lang ako- kami ng mga kuya at Papa mo. Kaya mong maging mabuting ina. Oo nga't sixteen ka palang. Pero ang pagiging mabuting ina ay wala sa edad, Kallen. Nasa klase ng pag mamahal yan."

Tumango tango ako kay Mama habang patuloy parin ang pag buhos ng luha ko.

* * * *

Asa kwarto ko ako ngayon at tinititigan ang mahimbing na natutulog na si Artemis.

Dito na sya pinatulog ni Mama para daw may bonding moment kaming mag ina.

Hinalikan ko sya sa pisngi at humiga sa tabi nya.

* * *

Nagising ako dahil naramdaman kong basa ang braso ko at parang may sumisipsip dito. Doon ay nakita ko si Artemis na nakadapa at busy sa pag sipsip ang braso ko. Binuha ko sya at iniupo sa tyan ko.

"Good Morning Artemis Ezekiel!" bati ko sa kanya at hinalikan sya sa pisngi.

Nakatingin lang sya sa akin habang nakasubo ang kamay nya sa bibig nya. Maya maya lang ay nag papapasag na sya, at tumatawa na kala mo ay kinikiliti sya.

Ganito pala ang feeling. Yung magigising ka dahil sa makulit na katabi mo. At pag kayari ay maririnig mo ang maliliit nyang tawa. At ang dimples na pinaka gusto ko sa Ama nya.

"Sorry Artemis sa pambabali wala ko sayo. Hindi pa kasi ako handa noon. Sorry .. Promise .. Susubukan ko Artemis. Susubukan kong maging mabuting ina sayo."

* * *

A/N

the end! Lol .. Hahaha

Mom at 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon