MaS Entry 56

78K 1.8K 1.1K
                                    

Posible palang mag mahal ng dalawa. Pero syempre hindi maiiwasan na 'mas' mahal mo yung isa. Katulad ng nangyayari sakin ngayin, mahal ko si Castle pero mas mahal ko si Pierre.

Pero hindi naman kasi ibig sabihin na mahal mo, kailangan kayo ang mag kakatuluyan. Na kayo ang nararapat sa isa't- isa. Maraming taon na ang nag daan, maraming taon ang nasayang. Kaya hindi ako nakakasigurado kung mahal ba talaga ako ni Pierre. Mahabang panahon kaming walang kominikasyon. Maaaring iniisip nya o pinapaniwala nya ang sarili nya na mahal nya ako. At isa pa, minsan ng nawala ang pag mamahal nya sakin.

"May laman naba?"

Napatingin ako kay Castle ng bigla syang sumulpot sa kusina. One week na simula noong umuwo sya, at one week na simula ng may mangyari samin. At halos araw-araw tinatanong nya kung may laman na ang tummy ko.

"Castle, para ka kamong ano" natatawang sabi ko saka tunuloy ang pag hahati ng mga gulay na lulutuin ko.

"Ano?" Natatawang sabi nya.

"Tigilan mo nga ako. Baliw neto" natatawang saway ko.

Masaya ako ngayon. Sobrang saya, dahil hindi na kinuha ng mga Martinez si Near. Hindi ko alam kung paano sila nakumbinsing huwag na kuhanin sakin si Near, pero malaki ang pasasalamat ko kung ano o sino man ang magkumbinsi sa kanila. Napag usapan namin na dadalaw dalawin nila si Near pag may oras at panahon sila. Bago bumalik sa Mexico ay nilibot muna nila si Near. At pag uwi ni Near ay ang daming dala, laruan, damit, gadgets at kung anu-ano pa. Bago matulog ay nag kwento pa si Near tungkol sa naging lakad nila. Sinabi nya pa na nag enjoy sya kasama ang grandparents nya.

Napatigil ako sa pag hihiwa at napatingin kay Castle ng hawakan nya ang kamay ko.

"Masaya kaba?" Tanong nya. Ngumiti ako saka sunod sunod na tumango.

"Sobra" sagot ko. Ngumiti sya, ngiting alam mong masaya talaga sya. Kinabig nya ako saka niyakap.

"I love you" malambing na sabi nya. Lalong lumaki ang ngiti ko, napapansin ko nito mga nakaraang araw ay sobra ang ka sweet-an nya.

"Mahal din kita. Lagi mong tatandaan yan" sabi ko saka hinawakan ang pisngi nya at pinag dikit ang noo namin.

"Yuck!"

Napatingin kami sa pinto ng marinig namin ang boses ni Near. Natawa ako ng makita kong nakatakip ang sa mukha nya ang isa nyang palad. Saka nag lakad papunta sa ref.

"Ano kukunin mo be?" Tanong ko.

"Tubig" sagot nya na hindi tinatanggal ang pagkakatakip sa mukha nya.

"Pwede mo ng tanggalin ang kamay mo" sabi naman ni Castle

"Who you?" Mapang asar na sabi Near.

"Your mom's boyfriend" patol naman ni Castle.

"Edi Wow" sagot ni Near saka umalis sa kusina.

"Kailan mo makukuha yung gown na pinagawa mo?" Tanong nya.

"Next week " sagot ko.

One month nalang, ikakasal na kami. Pumayag sya na i-advance namin ang kasal, ang usapang after kong mag 25 ay naging before ako mag 25 bago magpakasal.

Wala namang tutol sila Mama at ang pamilya ni Castle. Kung iyon naman daw talaga ang gusto namin.

Hiningi ko din ang opinyon ni Artemis tungkol dito. Sinabi nya ayos kang para sakanya na mag pakasal ako kay Castle, basta daw masaya ako ay okay lang sakanya.

Kahit hindi magsalita si Artemis alam kong umaasa sya na sana si Pierre ang pakasalan ko. Pero pinaliwanag ko naman sakanya na hindi kami pwede ng Daddy nya. Alam kong maiintindihan din ng anak ko ang lahat sa oras na mag mahal sya.

At alam ko. Alam ko na darating ang panahon na mamahalin ko si Castle ng higit sa pag mamahal ko kay Pierre. Oo mahal ko parin si Pierre hanggang ngayon pero alam kong tutulungan ako ni Castle na mabura ang pangalan nya sa puso ko. Siguro nga at isa sa dahilan ng pagpapakasal ko kay Castle ay dahil sa may utang na loob ako sakanya dahil isa sya sa tumulong sakin noon. Pero ang malaking parte ng pag papakasal ko sakanya ay dahil gusto ko at dahil iyon ang nakikita kong tama.

"Pwede ka pang umurong" sabi nya.

Nangunot ang noo ko sa sinabi nya.

"May babae kaba Castle?" Seryosong tanong ko.

"Wala" mabilis na sagot nya saka tumawa.

"Pero bakit parang ayaw mo akong magpakasal sayo?!" Naiinis na tanong ko.

"Kallen, gusto ko lang ang maging masaya ka. Handa akong masaktan kung kapalit naman noon ay ang kasiyahan mo. Ayoko lang na sa bandang huli magsisi ka, na baka isipin mo na hindi kita binigyan ng choices. Kasi Kallen sa oras na maikasal tayo, hindi na kita papakawalan. Kahit na mag makaawa ka sakin na palayain ka ay baka hindi ko magawa." Seryosong sabi nya.

Naiiyak ako. Hindi ko alam kung dahil sa sinabi nya. O dahil alam kong mahal na mahal nya ako at handa syang masaktan para sakin. Pero hindi ko sya kayang iwan, hindi kakayanin ng konsyensya ko pag iniwan ko sya. Hindi ko kayang iwanan at talikuran ang lalaking walang ibang ginawa kung hindi mahalin ako.

"E-edi wag mo akong pakawalan." Nanginging na boses na sabi ko.

"Alam kong tama ang desisyon ko Castle. Alam ko sa mga darating na araw mas mamahalin pa kita, handa akong tumanda na kasama ka. Wag mo naman sanang pag dudahan ang nararamdaman ko sayo" naiiyak na sabi ko.

"Ssss, okay Sorry na. Wag ka ng umiyak." pag aalo nya.

"May babae ka lang ata eh" sabi ko saka pinunasan ang luha ko.

"Wala ah, ikaw lang ang mahal ko" nakangiting sabi nya saka ako hinalikan sa noo.

***

Kinakabahan ako habang nakatingin sa pinto ng isang Italian Restaurant kung nasaan ako ngayon. Lalo akong kinabahan ng makita kong papasok si Pierre.

Tinext ko sya kanina at sinabing mag kita kami.

"Sorry I'm late" sabi nya pag kaupo sa harap ko.

Ilang saglit lang ay dumating ang waiter at hiningi ang order.

Sinabi nyang mamaya na at humingi lang ng tubig.

Hanggang sa dumating ang tubig ay tahimik kaming dalawa.

Ilang araw din akong mag ipon ng lakas ng loob para kausapin sya.

"Pierre, I'm getting married" umpisa ko. Tumango tango lang sya .

"I know" sabi nya saka nilaro ang tubig na nasa baso.

"One month from now" sabi ko.

Natigilan sya at mabilis na tumingin sakin.

"Congrats" malamig na sabi nya. Pagkadaan ng ilang minuto

"Tungkol kay Artemis-"

"Hindi ko sya kukuhanin sayo, kung iyon ang ikinakatakot mo" malamig ma sabi nya at wala akong mabakas ma emosyon sa mukha nya.

"Iyan lang ba ang sasabihin mo?" Malamig na tanong nya. Tumango ako bilang sagot.

"Okay, I have to go. May mas importante pa akong pupuntahan" sabi nya saka walang lingon likod na umalis

Anong nangyari? Ang balak ko makipag ayos. Gusto kong ikasal na walang may galit sakin. Gusto kong mamuhay kasama si Castle, Artemis at Near ng tahimik. Posible pa ba yon?

***

A/N: ano na? Haha

Susuko naba ang Team Pierre?

Sino ba ang karapat-dapat?

Mom at 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon