MaS Entry 34

92.7K 2.9K 205
                                    

Hello guys! Iniba ko ulit ang name ni Vince. Pierre ang pinalit ko, sensya na kung papalit palir. Hindi ko kasi talaga feel yung Vincent XD. Ipopost ko rin yung picture nya, yun lang. Ty


***


Ramdam ko ang kakaibang tingin sa akin ng ibang estudyanteng madadaanan ko, lalo na ang mga ka batch ko. Maraming lakas ng loob ang binaon ko sa pag pasok ko sa school, si kuya MJ pa ang nag hatid sakin sa school at habang nasa kotse kami ay pilit nyang pinapagaan ang loob ko. Pilit kong sinasabi sakanya na ok lang at kaya kong harapin ang lahat, hindi ko habang buhay naitatago ang katotohanan.


Nakita ko si Castle sa guard house, nang nakita nya ako ay lumapit sya agad. Halata sa mukha nya na may gusto syang malaman.

"Kallen" bati nya sakin pagkalapit nya. Nginitian ko sya bilang tugon.

Tahimik syang sumabay sa paglalakad ko, ramdam kong panay ang piling ng ulo nya sakin.

"Wala kabang itatanong?" Tanong ko sakanya, alam kong makarating na sakanya ang balita, at alam ko rin ang dahilan ng pag hihintay nya sakin sa gate. Matagal bago sya mag salita para bang nag dadalawang isip sya.

"Totoo ba?" Tanong nya.

Huminto ako sa pag lalakad saka tinignan sya sa mata, saka ngumiti at tumango bilang sagot. Nakita ko ang pagkagulat ng rumehistro sa mukha nya, napaawang din ang bibig nya. Nag patuloy ako sa pag lalakad at iniwan syang nakatulala doon.

Pag pasok ko sa room ay nanahimik lahat, lahat sila ay nakatingin sakin. Bakita ko pa na may nag bubulungan, naglakad ako papunta sa upuan ko at pinilit na huwag patulan ang pag paparinig nila.

"Hindi ba may kasabihan, ang mga taong tahimik nasa koob ang kulo" rinig kong sabi ng kaklase ko na nasa likod.


Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang gustong lumabas sa bibig ko. Kinalkal ko ang bag ko at hinanap ang earphone, ng nahanap ko ay ikinabit ko sa phone ko at inilagay sa magkabilang tenga ko ang earphone. Eto ang mabisang panlaban sa mga salitang ayaw mong marinig, gusto kong ipakita sakanila na hindi ako apektado.




Dumating ang teacher namin sa first period ay panay parin ang parinig ng ibang kaklase kong babae sakin.

Dumating ang 2nd period, tuwing monday ang Values kami kada 2nd period.

"Morning Class" bati ni Maam nestlee



Napatingin ako kay Pierre, at nasalubong ko agad ang asul nyang mata. Nakipag titigal lang sya sakin na parang may tanong na sa mata ko makikita ang sagot, nag iwas ako ng tingin at nakita ko si Maam na napatingim sakin, ngumiti sya bago ibinalik sa iba kong kaklase na patuloy na nag sasalita ng kung ano-ano alam kong ako ang pinatatamaan.

Panay ang parinig ng mga kaklase ko, ay si ma'am naman ay nasa harapan at nakasandal ang pang-upo sa table. At nakikinig sa mga pinag sasasabi ng mga kaklase ko.




"Okay, ano ang masasabi nyo sa pagiging batang ina?" Biglang natahimik ang lahat sa tanong ni Ma'am na nasa harapan at prenteng naka sandal ang pang-upo sa table.



"Maagang pag landi ma'am" sabi ng isa kong babaeng kaklase. Tumango lang si ma'am

"What else?" Tanong nya.



Panay taasan ng kamay ang mag kaklase ko, at lahat iyon alam kong patama sakin.


"Okay now, Kallen gusto mo bang idepensa mo ang side mo?" sabi ni Maam. Ngumiti lang sya sakin ng tipid at pinapunta ako sa harapan.

Huminga ako ng malalim saka tumayo ay nag lakad papunta sa harapan ng klase. Natahimik ang lahat, at lahat sila ay nakatingin sakin. Tumingin ako kay maam nestlee na parang nanghihingi ng pahintulot, ngumiti lang sya bilang sagot.

"Totoong may anak nga ako." Sabi ko at tinignan isa-isa ang mukha ng mga kaklase ko. Nakita ko pa ang pagkabigla sa mukha ni Pierre.

"Maski ako noong una ayokong tanggapin, ayokong tanggapin na may anak na ako sa murang edad. Nagalit ang pamilya ko, sino ba naman ang hindi? Ang prinsesa kung ituring ay naunahan pa nga mga kuya nya na magkaroon ng anak. Pero tinanggap nila ang pag kakamali ko, tinulungan nila akong bumangon sa pag kakadapa ko. Aamini ko na hindi ako naging mabuting ina sa anak ko, hindi ko sya hinahawakan o tinitignan man lang noon. Dahil takot ako sa maagang responsibilidad. Lahat ng responsibilidad ko ay inako ng mama ko, lahat ng dapat na ako ang gumagawa ay sya ang sumalo. Nandoong isinakripisyo nya ang trabaho nya kung kailan mapopromote na sya, iniwan nya iyon para lang sakin. Dahil alam nyang hindi pa ako handan .Pero may mga tao na nag pamukha sakin na hindi porke nagkaanak ako ng maaga ay tapos na ang buhay ko, dahil ang totoo ay nag umpisa lang ng maaga ang tunay na buhay na nakalaan sakin. Totoo Na pag ang bata ay ipinanganak ang ina ay ipinanganak rin, hindi sya nag eexist dati. Ang mga babae ay nang eexist pero ang ina ay hindi, bago ang pakiramdam pag naging ina kana. Marami akong nakasalamuha na katulad ko, pero lahat sila ay hindi inisip na option ang mag palaglag katulad ng gusto kong gawin noon. Doon ako nag sisi ng todo, hindi ko alam kung ano ang makain ko at bakit inisip kong option ang pag papalaglag. Pero Ginising ako ng mga taong nakapaligid sakin, tinulungan nila ako hanggang sa alam ko sa sarili ko na kaya ko nang mag paka-ina, ang sabi nga nila lahat matututunan basta porsegido ka. Hindi ako iniwan ang mga taong mahal ko sa mga naging laban ko hanggang ngayon. Lagi nilang sinasabi na kahit kailan hindi naging krimen ang pagiging ina ng maaga. Tinulungan nila ko sa lahat ng pag subok na kinaharap ko, hanggang sa unti-unti ay makaya ko na ng ako nalang mag-isa ang humarap para sa anak ko. Masasabi kong sa anak ko umiikot ang mundo ko ngayon. Masaya ako na nasa puntong wala na akong mahihiling pa sa dyos simula ng nagkaanak ako. Yung feeling na para akong nasa cloud 9 pag nakikita kong nakangiti sakin ang anak ko, yung parang musika sa pandinig ko pag naririnig ko ang tawa nya. Hindi ko sinasabi ito para tularan nyo ako sa pagkakamali ko, gusto ko lang palaman nyo na hindi hindi kasalanan ang magkaanak ng maaga katulad ko, basta kaya nyo ang responsibilidad. hindi naman ako krimenal para iwasan nyo o pandirihan nyo. Oo nga't may nagawa akong kasalanan, pero hindi ako pumatay. Inilabas ko lang ang matatawag kong akin. Nagkaanak man ako ng maaga pero may mag mamahal naman sakin ng matagal hanggang sa mawala ako. Kaya huwag nyo ako basta husgahan" mahabang sabi ko. Tahimik ang lahat, tumingin ako kay maam Nestlee. Ngumiti lang sya sakin at inakbayan ako.


"Tama si Kallen, kahit kailan ay hindi naging kremen ang pagkakaroon ng anak sa batang edad palang. Dapat nga ay hangaan pa natin sila, dahil nagampanan nila ang tungkulin nila bilang ina kahit sa batang ina. At hindi kailan man dapat ginagawang option ang pag papalaglag, kasalanan iyon. " sabi ni Maam, pinaupo na nya ako.

Ramdam ko ang malamig na tingin na nakasunod saakin.

Mom at 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon