Epilogue

120K 2.5K 518
                                    

"Mom!"

Napatingin ako sa pinto at nakita ang dalawang anak ko na tumatakbo papunta sakin at nasa likod nila ay si Pierre.

"How's school?" Tanong ko saka tinanggap ang kiss na pasalubong nila sakin tuwing uuwi galing school.

Ang bilis lang talaga ng panahon. Grade two na si Artemis at kinder naman si Near at pareho silang school na pinapasukan. Higit Isang taon na simula ng ikasal at lumipat kami dito sa bahay ni Pierre.

"Hon" sabi ni Pierre pagkalapit sakin saka ako hinalikan sa labi.

Humalik din sya kay Daenerys na nasa bisig ko at payapang natutulog.

Si Daenerys Snow ang Prinsesa namin. Two months old palang sya.

Nag paplano kaming mag pakasal sa simbahan pag nag one year old na Daenerys. Nang nalaman kasi namin na buntis ako sa prinsesa namin ay nag pasya kaming hintaYin ang pag labas nya. Kaya ang plano naming mag pakasal sa simbahan ay ipinag paliban muna namin dahil gusto namin na kasama si Daenerys sa kasal namin, na sya ang magiging flower girl.

"Mom kailan sya mag tatalk?" Tanong ni Near habang nakatingin kay Daenerys.

"Pag nag one year na sya." sagot ko.

"Kailan sya mag lalakad mom?" Tanong naman ni Artemis.

"Pag nag one year na rin siguro sya? Ikaw kasi noon one year bago ka matutong maglakad." Sagot ko. Napatingin ako kay Pierre ng hawakan nya ang kamay ko at ilapit sa labi nya para halikan.

"Thank you" he mouthed

Napangiti ako. Simula ng nalaman namin na buntis ako ay lagi nyang sinasabi sakin kung gaano nya ako kamahal at lagi syang nag te-thank you habang nakatingin sa bunso namin. Bakas ang kasiyahan nya sa tuwing tinititigan ko sya habang nakatingin sya kay Daenerys.

Naalala ko pa noong nanganak ako ay dinaig nya pa ang pagka emosyonal ko. Unang beses ko syang nakitang umiyak noong nakatingin sya kay Daenerys, iyak sya ng iyak na akala mo ay batang inagawam ng candy. Pero ang luhang tumutulo sa mata nya noon ay dahil sa kasiyahan.

Sinabi nya pa na hindi nya alam na ganon pala kahirap ang pagiging ina. Nakita nya kasi ang sakit at hirap na naramdaman ko noong nag labor ako hanggang sa inilabas ko si Daenerys. Kaya ganon nalang ang pag sisisi nya na wala sya sa tabi ko noong ipinanganak ko si Artemis.

Paminsan minsan ay dumadalaw sila Mama dito at binibisita ang mga apo nya. Ang mama naman ni Pierre ay dalawang beses palang napupunta dito. Hindi naman naging ganong kasama ang pagkikita namin ng mother-inlaw ko. Pormal kami kung mag usap, siguro nahihirapan parin syang tanggapin na sakin din pala babagsak ang anak nya.

Si Castle naman ay mukhang masaya sa US. Sabi nya ng huli kaming mag usap via Skype ay may babaeng may obsession sakanya. Daig pa daw ang stalker kung makasunod. Natatawa nga ako dahil mukhang inis talaga sya sa babae. Masasabi kong Okay kaming dalawa, kamustahan ay bahagyang kwentuhan. Ang sabi pa nga nya konti nalang, makaka move on na sya. Masaya naman ako para sakanya.

Napatingin kami kay Daenerys ng gumalaw ito at nag inat. Parang slow motion ang pag dilat nya, hindi ko alam kung nakakakita ma ang two months old na baby. Nakakamangha ang mata ni Daenerys, kulay asul ito katulad ng kay Artemis at Pierre.

"She's cute" bulalas ni Near.

"Daenerys" tawag naman ni Artemis sa kapatid.

"Hey Princess"tawag naman ni Pierre at hinawakan ang maliit na kamay ni Daenerys.

Natawa ang dalawa ng walang pinansin sakanila ni Daenerys dahil pumikit ulit ito at natulog.

"Antukin" bulalas ni Artemis.

Mom at 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon