MaS Entry 17

89.9K 2.7K 285
                                    

"P-pa?" iyan lang ang tanging nasabi ko.

"Narinig mo ako. Hindi na kita pag aaralin, sayang lang ang perang gagastusin ko sayo!" sabi nya at tuloy tuloy lang sa pag kain. Na para bang normal lang ang sinabi nya.

"Hindi naman ata tama iyan Gabriel!" inis na sabi ni Mama.

"At ano ang tama Alice?! Sabihin mo nga? Ano ang alam mong tama?! Ang kunsintihin ang kalandian ng anak mo?! Iyon ba ang tama para sa inyo?!" sabi ni Papa at maingay na ibinaba ang kubyertos na hawak.

Natahimik kaming lahat sa sinabi nya, pati si Artemis na kaninang maingay ay nanahimik din.

Napayuko ako at tinitigan nalang ang mga kamay na nasa hita ko. Ayokong tumigil sa pag aaral, ilang buwan nalang ay gagraduate na ako. Paano ko bibigyan ng magandang buhay ang anak ko kung wala akong pinag aralan? Gusto kong tumutol sa gusto nya, pero natatakot akong mag salita.

"Pero Pa, ilang buwan nalang ay gagraduate na si Kallen." Napatingin ako kay kuya Miguel ng mag salita sya. Laking papasalamat ko na sinabi nya ang gusto kong sabihin.

"Wala akong pakialam! Ayokong sayangin ang ang pera ko, sa mga taong walang utang na loob!"

Nanikip muli ang dibdib ko, para akong nililibing kahit humihinga pa ako pag nag sasalita si Papa.

"P-please P-pa .. K-kahit h-hanggang makagraduate lang ako." pag mamakaawa ko kay Papa. Gusto kong humanga sa sarili ko, dahil kahit na nasa ganitong sitwasyon ay nagawa ko mag salita.

Pinipigilan kong huminga habang nakatingin sya sa akin. Gusto ko syang yakapin dahil miss na miss ko na ang Papa ko, pero sa klase ng tingin nya sa akin ay nag papahina ng tuhod ko. Galit sya. Kitang kita ko sa mata nya iyon.

"Bibigyan kita ng choices Kallen, hihinto ka ng pag aaral at mananatili sa bahay na ito o mag aaral ka pero lalayas ka ng bahay ko."

Dahil sa sinabi nya ay hindi ko na napigilan ang pag tumulo ng luha na kanina ko pa pinipigilan.

* * *

Tinitigan ko si Artemis habang natutulog. Ang pogi pogi ng anak ko, kahit natutulog sya. Ang tangos ng ilong, natural na mapula ang pisngi at ang napakaganda nyang labi.

Pag kayari ay tumuwid ako ng higa at tumitig sa kisame.

Ano ang gagawin ko?

Nahihirapan akong mag desisyon. Gusto kong mag aral pero ayokong humiwalay kila Mama. Hindi ko kaya, siguradong mahihirapan kami ni Artemis.

Lumabas ako ng kwarto ko, pupuntahan ko si Papa. Makiki usap ako sa kanya, na huwag kaming paalisin dito. Kawawa si Artemis, kung ako lang ay kaya ko. Pero ang anak ko. Mahihirapan sya.

Hindi pa man ako nakakalapit sa kwarto nila ay rinig ko na ang pag aaway nilang dalawa ni Mama.

"Gabriel naman! Maawa ka sa anak at apo mo. Gustong gustong mag aral ni Kallen, wag mo namang ipag kait sa anak mo iyon. At isa pa, responsibilidad mo naman iyon bilang ama nya!" dinig kong sabi ni Mama.

"Hindi ko na sya responsibilidad simula ng nag kaanak sya! Kailangan nyang matuto kung paano maging tunay na magulang. Ginagawa ko ito dahil gusto kong matuto sya sa pag kakamali nya. Kailangan nyang kumilos, kailangan nyang mag isip kung anong makabubuti sa anak nya, kailangan nya mag desisyon para sa kanilang dalawa at kailangan nya tumayo sa sarili nyang mga paa. Hindi sya matututo hangga't nandito sya sa puder natin! Nakukuha mo ba ang punto ko?! Palibhasa kinunsinti mo, kaya ayan sayo inaasa ang lahat!" narinig kong tugon ni Papa.

"Pero paano nya gagawin iyang gusto mo kung papaalisin mo sya dito? Paano nya pag sasabayin ang pag aalaga sa anak nya at ang pag aaral nya?"

"Marunong syang gumawa ng bata kaya siguro naman ay alam nya rin kung paano dedeskartehan yan!" sabi ni papa

"Gabriel naman! Desi sais palang si Kallen. Hindi nya pa kaya ang mag isa! Huwag mo namang pabayaan ang anak mo." galit na sabi ni Mama

"Hindi ko sya pinapabayaan. Gusto kong lang makita nya ang consenquences ng kapusukan nya!"

"Hindi ako papayag na umalis si Kallen dito. Dito sya at mag aaral sya!" madiing sabi ni mama

"Ako ang masusunod ngayon Alice! Hangga't nandito ako, ako ang masusunod. Pabayaan mo syang matuto. Kaya tigilan na natin ang usapang ito. Nang gigil lang ako pag naaalala ko ang malanding bata na iyon! " sabi lang ni Papa.

"Nasasabi mo lang iyan dahil galit ka sa anak mo!" sabi ni Mama

"Alice pwede ba tigilan mo na ako?! Pagod ako!" madiing sabi ni Papa

Bumalik ako sa kwarto ko na mangiyak ngiyak.

Hindi ko pa ni minsan na nakita o narinig na nag aaway si Mama at Papa. Ngayon lang at yon ay dahil sa akin.

At ang gusto ni Papa ay mawala ako sa bahay, parang nahihirapan syang huminga pag nasa tabi- tabi lang ako.

"Kaya ba nating dalawa Artemis?" tanong ko at hinaplos ang pisngi ng anak ko.

Gusto ni Papa na matuto akong tumayo sa sarili kong mga paa. O gusto nya lang mawala ako sa paningin nya? Ganoon ba sya kagalit sa akin? Ganoon naba kalaki ang kasalanan ko?

. Kaya ko ba? Kaya ba ng isang desi sais na katulad ko ang mga pag subok na nakaabang sa akin kung aakis ako?

Ngayon palang

Natatakot na ako.

* * *

Mom at 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon