Chapter 36

623 25 16
                                    

   

  Nakauwi na kami sa bahay and I took Alexandra with me para paliguan siya at patulugin na rin. Gabi na rin kasi nang makarating kami. Halata na rin sa mga mata ni Alex ang pagod.
 

  'Di naman kami gutom dahil dumaan kami sa isang restaurant kanina pauwi para mag-dinner. 'Di na kasi nakakain si Alexandra ng lunch dahil nakatulog siya noong nakasama namin sina Ken at Blair.
 

  I'm still curious kung ano ang pinag-usapan nilang tatlo kanina. I've been meaning to ask Stu, but I know hindi naman niya ako sasagutin. Kung 'di rin lang naman about kay Alex, eh 'di naman niya ako kakausapin. Kahit civil na kami sa isa't-isa ay parang galit pa rin siya sa akin.
 

  Napagpasiyahan kong maligo kasama si Alex. Malaki ang bathtub para iyong jacuzzi sa laki na pwede ang apat katao na sabay-sabay maligo. I filled up the tub with water and put two bath bombs in there. Nang bumula na ang tubig ay hinubaran ko na si Alex. Hindi ko na hinubad sa kanya ang salawal niya. Hinawakan ko ang kanang kamay niya at inalalayan siyang lumusong sa tub. Ako naman ang naghubad ng mga damit ko at tanging maliit na panty ko lang din ang tanging iniwan ko. Maya-maya pa ay nilublob ko na rin ang sarili ko sa bathtub. Laro lang nang laro ang anak ko sa rubber duck at ako nama'y nakikilaro lang din sa kanya.
 

  Tawa lang nang tawa ang anak ko habang nilulubog ko kunwari ang rubber duck at bibitawan para lumutang uli. Nakakahawa ang tawa niya kaya 'di ko na rin mapigilan na tumawa kasabay niya. Nasa gitna kami nang tawanan nang biglang pumasok si Stuart sa loob ng banyo.
 

  Nanlaki ang mga mata ko.
 

  I wear nothing but my undies at ganoon din si Alex. He's only wearing his boxers at may nakasabit na bath towel sa balikat niya na para bang maliligo rin siya. Agad kong iniwas ang mga mata ko. Sa pagdaan ng panahon ay parang mas naging depino at lumaki pa ang mga muscles nito, lalong-lalo na ang walong pandesal sa tiyan niya at v-line niya. Agad nagkarambulan ang mga paru-paro ko sa tiyan. My heart starts beating faster. I can feel my body begin to shiver and my face starting to feel hot. Kung makikita ko lang ang sarili ko sa salamin ay alam kong nangangamatis na iyon sa pula.
 

  Mukhang nagsisimula nang mag-panic ang buong katauhan ko
 

  Sino ba naman ang hindi?
 

  Kahit naman may nangyari sa amin ni Stuart for sure 'di naman siguro niya nakita ang lahat sa akin kasi lasing siya, 'di ba?
 

  "Umnn..m-maliligo k-ka b-ba?" nauutal kong tanong sa kanya nang muli ko siyang tingnan.
 

  "Yeah," anitong matiim na tumitig sa akin.
 

  Naiilang ako sa klase ng tingin niya kaya umiwas ako. Ano ba ang ginagawa niya?
 

  "Daddy! Daddy! You're going to take a bath po?" nakangiting tanong ni Alex. Nangniningning ang mga mata nito at halatang napakasaya nang makita ang tatay niya.
 

  "Yep, I'll join you in the tub, is that ok?"
 

  Napatingin ulit ako sa kanya sa gulat. Feeling ko mas nanlaki pa ang mga mata ko nang makita ko siyang nakatitig pa rin pala sa akin habang nakikipag-usap sa anak namin.
 

  "Yay! Sit with Mommy, Daddy!" anitong pumapalakpak pa.
 

  Pinanlakihan ko ng mga mata si Stuart nang tumabi siya sa akin pero ganoon na lang ang gulat ko nang ngumiti lang siya ng pilyo. May sapi ba ang lalaking ito?
 

  "Ahhh... I never thought this is actually nice," komento pa niya. Ipinatong niya ang kamay sa rim ng tub. Nakasandal ako kaya somehow nadikit ang braso niya sa likod ko.
 

How Can I Make You Love Me?Where stories live. Discover now