Chapter 4

726 17 7
                                    

   

 

  "Hi, Manang! Nandiyan ba si Tita Angela?" bati ko sa singkweta'y uno na katulong nina Stuart. Siya ang una kong nakita sa sala pagkapasok na pagkapasok ko sa mansyon. Matagal na siyang naninilbihan sa pamilya kaya kilala na niya na rin ako dahil ilang ulit na akong labas-masok sa mansyon.

  I need to speak with Tita Angela. Sasabihin ko sa kanya na payag na ako sa kung anumang plano niya. Alam kong hindi ako niya ako iiwan sa ere. Itinuturing niya na akong anak. And I know that she loves me. Her offer might be the only way to be with the man of my dreams, who happens to be her son.

  "Ay, Ma'am Shin nasa office niya po sa taas. May bisita po kasi siya si Atty. Epi. Puntahan niyo na lang po. Baka tapos na rin sila mag-usap," magalang na sabi nito bago dumiretso sa kusina.

  Marahan akong napatango at napatingala sa ibabaw ng hagdan. I was wondering, ano'ng ginagawa ni Atty. Epi rito? He is our family lawyer. He's been serving our family for years, hindi pa ako pinapanganak ay siya na ang abogado ng parents ko. If I'm not mistaken, he is already in his early 60's. Medyo may kulubot na ang mukha nito at may malaking salamin sa mga mata. Wala pang nakikitang puti sa buhok nito na may clean cut na gupit. Maintained ang buhok nito ng black hair dye. I remember, lagi itong naka-coat at tie na kulay black kapag nakikita ko siya sa bahay.

  Ganoon pa rin ba ang suot nito? Napahagikik ako nang mahina nang maalala ang itsura nito. Mukhang kinukuha rin yata ni Tita Angela ang serbisyo. Whatever they're talking about wala naman akong pakialam doon. It's their business.

  Umakyat na ako sa grand staircase. Hinaplos ko ang makinis na railings nito na gawa sa narra at bahagyang napangiti. Halatang alaga ni Tita Angela ang bahay niya. Ang pulang carpet na nakalatag sa grand staircase ay mukha pa ring bago dahil hindi pa kumukupas ang kulay nito.

  Hindi pa man ay kinakabahan na ako habang binabagtas ko ang kahabaan ng hallway. Ilang sandali pa ay nasa harap na ako ng office door ni Tita Angela. Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto bago ko pinihit ang seradura. And there, I saw our family lawyer talking with her as I entered the room. Mukhang may maganda silang pinag-uusapan dahil panay ang tawa nila.

  "Hi, Tita!" agad kong bati sa kanya para makuha ang kanilang atensyon. Mukhang hindi pa na kasi nila nararamdaman ang presensya ko.

  Natigil ang pag-uusap nila at parehong napatingin sa direksyon ko. I gave them my sweetest smile. Tuloy-tuloy akong pumunta sa gilid ni Tita Angela at niyakap siya sabay halik sa pisngi.

  "Hi, Shin. What a pleasant surprise!" aniyang may malaki ring ngiti sa mga labi. Good mood na good mood ito. Binalingan nito si Attorney Epi at tinanguan. "Attorney, we will talk again sometime soon. Just remember to keep me updated."

  Tiningnan ko ang direksyon ni Attorney at binati rin siya, "Hi, Attorney!" Kinawayan ko siya at matamis rin na nginitian.

  Nagpalitan muna sila ng makahulugang tingin sa isa't-isa bago ako tiningnan ni Atty. Epi at nginitian. That's weird. Hindi ito nagsalita. Kumaway lang ito nang hindi malinaw sa akin kung sino ang kinawayan nito. Tumayo na ito sa kinauupuan at naglakad na papunta sa pinto. Nakapagtataka ang kilos nito. Dati ay binabati pa niya ako at nakikipagkwentuhan saglit. Pero ngayon ngumiti lang ito. Nagkibit-balikat ako at hindi na lang siya binigyang pansin.

  He must be swamped.

  "Anong atin at napaaga ang punta mo dito?"

  Bahagya pa akong nagulat nang marinig ang boses ni Tita. Hindi ko napansin na kanina pa pala ako nakatingin sa nilabasang pinto ni Atty. Epi. Tumingin ako sa kanya saglit at tumikhim. Nagtungo ako sa harap ng office table niya na gawa sa narra at umupo sa visitor's chair na naroroon.

How Can I Make You Love Me?Where stories live. Discover now