Chapter 30

332 16 5
                                    


  "Nagmumukmok ka na naman."

  Napalingon ako sa pinanggalingan ng tinig. Nakita kong papalapit sa akin si Jake. Nakasimpleng black cargo shorts lang siya at naka-black Under Armor na t-shirt. Amoy na amoy ko ang panlalaki niyang pabango na para bang nang-aakit sa tuwing maaamoy mo ito.

  Bahagyang nakakunot ang noo nito at malamlam ang mga matang nakatingin sa akin. Nasa terasa ako ng condo niya. Nakadungaw ako sa madilim na paligid. Ang mga ilaw mula sa mga tahanan sa baba ay nagmistulang mga alitaptap na kumukuti-kutitap. Si Jake ang may-ari ng condo. Ipinagamit niya muna sa akin ito pansamantala. Minsan dinadalaw-dalaw niya ako para makumusta ang lagay ko.

  Malaking-malaki ang pasasalamat ko kanya dahil sa kahit busy siya sa paghahanap sa isang kapatid niya ay handa pa rin siyang tulungan ako. He's always making sure that I'm getting the help I need.

  "Hindi naman. Nami-miss ko lang iyong anak ko. Mga ganitong oras kasi kinakantahan ko siya para makatulog."

  "Do you need a hug?" He spread his arms like he's inviting me to embrace him. Pabiro pa niyang pinataas-baba ang dalawang kilay para pangitiin ako.

  "Gusto mo lang yata maka-tsansing eh," napapatawa kong tukso sa kanya. I don't know what it is with Jake. I feel comfortable with him. He gave me the sense of security na para bang safe na safe ako kapag kasama ko siya. It's like there's no harm will come to me when he's around.

  Hinawakan niya ang kamay ko at masuyong hinila palapit sa kanya. Agad niya akong niyakap at marahang hinaplos ang likod ko.

  "Everything will be alright."

  "I hope so, Jake. I really hope so." Kumawala ako sa yakap niya pero hawak-hawak niya pa rin ang kanang kamay ko.

  "C'mon, I brought some food. Katie prepared it. She misses you. Gusto nga noon na sumama sa akin dito kaso nagkaroon siya ng emergency sa hospital kaya ako na lang." Hinila niya ako papunta sa kusina at ganoon na lang ang tuwa ko nang makita ko ang mga paborito kong nakahanda na sa lamesa.

  "Awww, Katie is so sweet pakisabi sa kanya na salamat. Ang babait ninyong magkakapatid sa akin. Paano ko kaya kayo masusuklian sa lahat ng kabutihan ninyo sa akin?"

  Ngumiti ng matamis si Jake sa akin. Pinaghila niya ako ng upuan at inalalayang maupo. Siya na ang naglagay ng kanin at kare-kare sa plato ko. Nang masiguro niya na may tubig na ang baso ko, saka pa siya umupo sa silyang kaharap ko at naglagay ng pagkain sa sariling plato.

  "Hindi naman kami humihingi ng kapalit saka magkaibigan naman tayo. 'What friends are for?,' 'ika nga nila. Saka panigurado kung 'di lang busy si Ken kay Blair malamang tutulong din iyon sa'yo ngayon. Dadamayan ka rin niya," anito na nagsimula nang kumain.

  Napahinto ako sa pagsubo sana sa pagkain na nasa kutsara. Para akong na-freeze nang hindi ko alam. Everytime na naririnig ko ang pangalan ni Blair, I suddenly felt insecure.

  Dalawang lalaki ang nag-aagawan sa kanya. Ang masaklap, ang isa doon ay asawa ko pa.

  Napatikhim ako. I can taste the bitterness on my tongue. Ibinaba ko ang kutsara sa pinggan at sumulyap kay Jake na patuloy lang sa pagkain. Ganadong-ganado pa ito.

  "Kumusta na pala sila ni Ken?" maya-maya'y tanong ko sa kanya.

  "I think they're doing okay. Buntis na si Blair and Stuart went to their house." Huminto ito sa pagsubo at tiningnan ako.

  "I figured he would do that. Hindi iyon titigil hanggang sa 'di niya nakukuha ang gusto. He's a very persistent guy."

  "And so I heard. Hinahanap ka nga raw. I didn't tell Ken your location, though. Ako at si Katie lang ang nakakaalam."

How Can I Make You Love Me?Место, где живут истории. Откройте их для себя