Chapter 52

16 0 0
                                    

   

 

  "Thank you, Baby! Fvck! Thank you!" hindi magkamayaw na sabi ni Stu. He cupped my face and proceeded to hug me.

  Isinubsob niya ang kanyang mukha sa leeg ko at mas niyakap ako nang mahigpit. Tuluyan nang bumuhos ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ako makapaniwala na after all these years, after all those pain I went through, pupuwede pa rin pala akong sumaya. And I'm so glad that I listened to Jake. I owe him a lot.

  Hinarap niya ang mukha ko sa kanya and without any warning kissed me like there was no tomorrow. I could feel how much he yearned for my kisses. Nagwawala ulit ang mga paru-paru sa loob ng tiyan ko. Parang may maliliit na boltahe ang nagsimulang dumaloy sa mga ugat ko. It was so hot. Feeling ko matutumba ako sa intense ng halikan naming dalawa. Napakapit ako sa suot niyang polo at doon kumuha ng lakas. Ang isa niyang kamay ay dumausdos papunta sa bewang ko at hinapit iyon papalapit sa kanya.

  Gosh! Halik pa lang pero feel na feel ko na ang epekto niyon sa p@gkababae ko.

  Hindi ko alam kung gaano kami katagal naghalikan nang biglang may pamilyar na boses babae na sumigaw sa likuran namin.

  "Hoy! Baka nakakalimutan ninyong wala kayo sa bahay ninyo?!"
  Sobrang lakas ng sigaw na iyon kaya naitulak ko si Stu. I ended our kiss. Hahabol pa sana ang mga labi niya pero pinatigil ko na ito sa pamamagitan ng paglagay ko ng sa hintuturo ko sa ibabaw ng mga labi niya.

  I heard Stu groan. "Please remind me next time na 'wag ng isama si Risha sa mga ganitong moments natin," aniyang ipinagdikit ang mga noo namin.

  Mahina akong napatawa at sinuntok siya sa dibdib. "Siraulo! For sure ikaw ang humingi ng pabor sa kanya."

  "Hoy! Narinig ko 'yun, ha?!" angal ulit ni Risha.

  Pareho kaming napatawa ni Stu. "Ang lakas ng pandinig ng kaibigan mo na 'yan."

  Napahagikik na lang ako.

  "Mukhang nagkaayos na nga kayong dalawa." Sabay kaming napatingin ni Stu sa pinanggalingan ng boses na iyon. Napangiti ako nang makita si Jake na papalapit na sa amin kasama niya sina Mama Rosing, Risha at si Alex na nakahawak na ngayon sa kamay ni Risha.

  "Mukhang 'di na nga nila kailangang mag-usap, eh. Siguro kung nasa loob lang sila ng kwarto nila baka naghubad na ang mga iyan."

  "Risha!" Agad kong saway sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa sinabi niya. Siraulo talaga itong babae na ito!

  "So, paano, aalis na kami para magkausap kayo nang masinsinan? Though, I really doubt that you will only talk," anitong humagikik pa. "Kami na muna ang bahala nitong inaanak ko. Right, Alex? Kay Ninang Ganda ka muna, ha? Mommy and Daddy need some alone time."

  Tumango naman agad si Alex bilang pagsang-ayon.

  "Huh? Saan kayo pupunta?" agad kong tanong sa kanila. Baka kasi nakalimutan nila na nagtatago pa kami sa nanay ni Stu.

  "Dito lang rin kami," sagot ni Jake. "'Masyadong galante ang asawa mo at ipinasara ang resort na ito. Might as well take that opportunity and enjoy ourselves too."

  "Thank you so much, Jake," buong puso kong pasasalamat sa kanya.

  Naramdaman ko na lang ang braso ni Stu na umakbay sa balikat ko.

  "Yeah, Pare. Thank you! I owe you a lot," pasasalamat rin ni Stu. He extended his right hand and shook Jake's hand. Mukhang friendship na talaga silang dalawa.

  "That's okay. As long as masaya si Shin, I'm already okay with that. Basta ba hindi ka lang magkakamaling maging bulag at tanga ulit dahil aagawin ko talaga si Shin sa iyo."

How Can I Make You Love Me?Where stories live. Discover now