Chapter 27

299 18 8
                                    

   

 

  Napaiyak ako habang palabas ng kwarto ni Stu. Unti-unting tumutulo ang mga luha ko na agad ko namang pinapahid gamit ang mga kamay ko. Naiintindihan ko naman ang pinagdadaanan niya, so I decided to be the bigger person.
 

  Napalingon ako uli sa siradong pinto.
 

  I silently prayed.
 

  Sana dumating na iyong panahon na masabi ko sa kanya ang totoo or malaman niya na ang totoo.
 

  I sighed.
 

  Sumandal ako sa tabi ng pinto at napayuko. The silence of the floor where we are at somehow gives me serenity. Feeling ko nakakapag-isip ako nang mabuti sa tahimik na lugar. Tahimik rin kasi ang palapag na ito dahil nandito ang mga VIP rooms. Walang mga taong paroo't-parito.
 

  Nagmumuni-muni ako nang may biglang may humablot sa kanang braso ko at pilit akong hinihila papunta ng fire exit. Pilit kong kinikilala ang humila sa akin pero 'di ko makita ang mukha dahil nakatalikod ito sa akin.
 

  Agad nilukop ng kaba ang puso ko. Pilit akong nagpupumiglas sa hawak niya pero masyado siyang malakas. Ni hindi na ako nakasigaw sa sobrang gulat.
 

  Binuksan niya ang pinto ng fire exit at isinalya ako sa pader. Malakas akong napaigik dahil sa impact. Hinahaplos-haplos ko pa ang kaliwang balikat ko na siyang tumama sa pader. Nagbabakasakali na maibsan noon ang sakit.
 

  Napalingon ako sa lalaking humablot sa akin at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ko si Angela na nasa tabi nito.
 

  "M-mommy?" nagtataka kong tanong. May nalaman ba siya sa mga ginawa ko kaya galit na galit siyang nakatingin sa akin ngayon? Sa isiping iyon ay agad na kumabog nang malakas ang puso ko sa kaba.
 

  "Ano na naman ang ginawa mo, Shin?" madiin na tanong nito na para bang pigil na pigil na hindi ako sigawan.
 

  "A-ano po ang ibig ninyong sabihin?" Humarap ako sa kanya habang hawak ko pa rin ang nasasaktang balikat.
 

  "Nagmamaang-maangan ka pa talaga?! Akala mo hindi ko narinig ang usapan ninyo ni Stu? Ano ang binabalak mong gawin? Magsusumbong ka kay Stu, ganoon ba? Buti na lang at 'di mo mapapaniwala si Stu sa mga sasabihin mo dahil ako lang ang pinakikinggan noon," anitong dinuro-duro ako.
 

  "Wala naman po akong ginagawang masama, Mommy!" mabilis kong tanggi. Umiling-iling pa ako nang paulit-ulit. "Wala naman po akong sinabi kay Stu. May tumawag lang na babae sa cellphone niya. Akala ko nga po kayo kasi ang nakapangalan ay My Queen kaya po sinagot ko. Hinahanap niya po si Stu kaso tulog pa si Stu tapos sinabi niya sa akin about sa kasal for next month," depensa ko sa kanya. "Sinabi ko lang naman po na alam ko ang tungkol doon."
 

  Bigla siyang natigilan at tinitigan ako. Tinatantiya niya yata kung nagsasabi ako ng totoo o hindi. Maya-maya ay huminga siya nang malalim at inismiran ako. "Siguraduhin mo lang, Shin dahil kapag nalaman ko na may ginawa kang kababalaghan, you can say goodbye to Alex dahil 'di mo na siya makikita kahit kailan. Sinabi ko na sa'yo na surprise ang kasal pero makati talaga ang dila mo at nagawa mo pang ikuwento sa iba! Ano pa ang sinabi mo sa babaeng iyon?"
 

  Nahintatakutan ako nang makita ko ang galit sa kanyang mga mata. Kulang na lang ay bugahan niya ako ng apoy. Biglang nanginig ang kalamnan ko habang nakatingin sa kanya. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba. Lalo na at ang mga tingin niyabay parang nagbabanta. Napayakap ako sa sarili ko. Inisip ko pa lang na ilalayo nila ako ulit sa anak ko ay para na akong nilalagutan ng hininga. Bigla akong nataranta. And before I realized it, kusang bumuka ang bibig ko at sinabi ang totoo.
 

How Can I Make You Love Me?Where stories live. Discover now