Chapter 61

47 0 0
                                    


"How are you feeling?"

Napalingon ako kay Stu. I instantly smell his old spice shower gel. Napaka-manly ng amoy niya. Nakahiga na ako sa kama. Ang kumot ay nakatabon sa akin hanggang dibdib. Siya naman ay kalalabas lang mula sa banyo. Nakasuot lang siya ng black pajama. Basa pa ang buhok niya. Kinukuskos niya iyon ng puting tuwalya. Ang tubig na tumutulo mula sa buhok niya ay parang may isip na naglandas mula sa balikat niya hanggang sa namumutok niyang abs.

I gulp at the sight. Napatitig tuloy ako sa tubig na parang nag-stroll sa mapandesal niyang tiyan. Then, I suddenly feel that tickling sensation between my legs.

I clear my throat. "I feel okay. Bakit?"

Inilagay ni Stu ang puting tuwalya sa laundry basket na katabi lang ng pintuan ng banyo bago naglakad palapit sa kama. Isinilid niya ang sarili sa kumot at nahiga na rin sa tabi ko. He reaches for me and jails me in his arms.

"I was really worried. Ilang araw ka rin kasing walang kibo after mong malaman 'yong about sa kapatid nina Jake at Katie. Although you are physically here, it feels like you are mentally not. Kaya nga rin matagal kong nasabi sa'yo 'yung about sa kapatid ni Jake. Tapos ngayon na nailibing na nila si Sandra. I'm trying to know how you are feeling."

Tiningala ko siya. I found him looking at me, staring my eyes. "Kaya ba before nila sabihin sa akin 'yon, eh parang bothered na bothered ka? Mukha ka rin kayang wala sa sarili noon. Akala ko nag-aalala ka lang sa nanay mo."

"I will always worry about my mother, Baby. But I also know how unforgivable her crimes are. Besides, she's in an institution right now kaya alam kong nasa mabuti siyang mga kamay and after that she'll be in jail to pay for her crimes."

"And that's okay with you? I know how close you two are."

Napangiti si Stu. "Baby, I admit sobrang close namin ni Mommy pero I'm fully aware that she needs to pay for her crimes. Hinding-hindi ko kukunsintihin ang mga maling nagawa niya. Pero ang totoong dahilan kung bakit malalim ang iniisip ko ay dahil nag-aalala ako para sa'yo." Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko. "You've been through a lot, Baby at 'di ko alam kung makakayanan mong tanggapin ang balitang iyon. I'm too afraid to see how you'll react. Kaya nga nag-usap kami ni Jake nang masinsinan and decided that everyone should be present because we knew you'd blame yourself lalo na at malaki ang utang na loob mo sa magkapatid."

"Thank you, Stu. I appreciate that. Pero okay na ako ngayon. Somehow na nakatulong rin sa akin na kinausap ako ni Jake at Katie. Nakakagaan ng pakiramdam 'yong marinig mo mismo sa kanila na wala silang hinanakit sa akin."

"'Yon nga rin ang sinabi ni Jake." Niyakap ulit ako ni Stu nang mahigpit. He then kissed my forehead. Gumanti rin ako ng yakap sa kanya.

"BFF na talaga kayo, ha?" I tease him.

He chuckles. "I admit that he's a great guy. And besides, he already conceded. Alam niyang patay na patay ka sa akin."

Inis na sinuntok ko siya sa dibdib at malakas na itinulak pero hindi man lang siya tuminag na parang 'di man lang siya nasaktan sa suntok ko.

"Kapal mo talaga!"

"In denial queen ka talaga, ano? Ginapang mo na nga ako at lahat—-ump!"

Hindi na maipagpatuloy ni Stu ang sinasabi dahil tinakpan ko na agad ang bibig niya. Pero ang siste, ayaw talaga magpatalo ng kumag! Pilit niyang tinatanggal ang mga kamay ko sa bibig niya kaya naman bumangon na ako at inupuan ang kanyang tiyan. Hindi pa rin natatanggal ang dalawang palad ko sa bibig niya.

Napataas ang kaliwang kilay ko nang hinayaan niya ang mga kamay ko sa bibig niya. Feeling suspicious, he suddenly slides his hands to my waist and starts to lick my palm. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat kaya napaatras ako pero ang loko bigla nalang bumangon kaya lapat na lapat ang perlas ko sa junjun niya! At feeling ko luluwa ang mga mata ko nang maramdaman ko ang matigas niyang junjun! At gaya ng walang hiya niyang may-ari, sumundot-sundot iyon sa bukana ko!

How Can I Make You Love Me?Where stories live. Discover now