Chapter 2

865 18 1
                                    

    It feels like I'm floating in the air. My parents' anniversary will be the happiest moment of my life as well. I'm sure of that.
 

  Botong-boto talaga sa akin si Tita. She really wanted me to end up with her son. And I honestly love it. 'Naaalala ko pa rin and sinabi ni Tita at hanggang ngayon ay 'di pa rin ako makatulog sa kakaisip kahit kanina pa ako nagpabaling-paling sa higaan.
 

  It's already been midnight for goodness sake!
 

  Kaso iniisip ko rin baka naman magalit si Stuart kapag nakiayon ako sa plano ng Mommy niya. Ayaw pa naman no'n na niloloko siya. Pero sabi naman ni Tita siya na ang bahala... Kasi kahit anong mangyari nakikinig at nakikinig naman daw si Stuart sa kanya which is true. Pero ano ba dapat kong gawin?
 

  Tita told me to trust her.
 

  And I think I should. Gustong-gusto ko talagang magkatuluyan kami ni Stuart. Parang 'di ko maimagine ang sarili ko with other man. And Tita promised me that she will help me. I only have two weeks. Binigyan ako ng palugit ni Tita para sa sagot ko kung papayag ako sa plano niya o hindi. And then, I remembered our conversation...
 

  "Anong plano, Tita?" nagtataka kong tanong na nae-excite na rin.
 

  "Halika, doon tayo sa garden."Hinila niya ang kanang kamay ko at iginiya papunnta sa garden. Umupo kami sa bench na naroroon kaharap ng malaking angel fountain. Napapalibutan ito ng iba't ibang kulay ng malalaking roses. Ilang beses na akong nakapunta rito pero hanggang ngayon ay naa-amaze pa rin ako kung gaano kaalaga si Tita sa mga halaman niya, pwede na nga iyong gawing tourist spot sa ganda. Although may hardinero sila ay personal pa rin niyang inaalagaan ang mga bulaklak na nandoon particular na ang mga naglalakihan at naggagandahan rosas.
 

  "You know na gustong-gusto kita para sa anak ko, 'di ba? And I know that you like my son as well. Pinagkakatiwalaan ka ng anak ko, Shin at pareho nating alam na di basta-bastang nagtitiwala si Stuart kahit sa mga barkada niyang lalaki. So, your parents and I were thinking na ipagkasundo kayo ni Stuart."
 

  "Ano po? Sina Mommy? Pumayag po sila?" halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat. Is this a dream come true?
 

  "Oo, Iha. Well, I know you are their most precious daughter at gusto ko rin na my precious son will end up with you," anitong pinisil-pisil pa ang mga kamay ko. Ang laki rin ng ngiti niya na para bang she's also excited of what's about to happen.
 

  "I'm speechless, Tita. I don't know what to say."
  "Well, this is your opportunity to make your dream come true. This is Plan A, Shin just in case it will not work. Pero of course, I know it will definitely work. I know my son so much. Makikinig 'yon sa akin kahit ano pa ang mangyari."
 

  "I know, Tita. Pero baka magalit si Stuart kapag nalaman niyang may kinalaman ako," nag-aalala ko pa rin na tanong.
 

  "Wag kang matakot. Ako ang bahala sa anak ko. Besides sinabihan lang naman kita sa mangyayari at 'di naman talaga ikaw ang may pakana. So, leave it all to me. Just trust me, Shin. You're like a daughter that I never have. Gusto ko rin maging masaya ka. And I know that your happiness is with my son."
 

  "Pero, Tita--"
 

  "Trust me, Shin," agad nitong putol sa mga sasabihin ko. Idinikit niya pa ang hintuturo niya sa mga labi ko. "Just trust me. If you still want to think it over, that's okay. I'll give you two weeks. If you say yes, we will announce it on your parents' anniversary. Nakahanda na ang lahat kung sakaling o-oo ka. And if my son doesn't approve it, you don't have to worry. I'll take care of it. So you see, Shin wala ka na talagang gagawin kung hindi pumayag lang."
 

How Can I Make You Love Me?Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt