Chapter 58

15 0 0
                                    

  
 

  "Mom, bakit mo naman kinuha ang anak nina Blair at Ken? You know you could be in trouble because of this, right?" kastigo ko sa nanay ko nang makalabas na kami sa kwarot na pinaglagyan niya kina Shin at sa baby ni Blair.
 

  Pinapasok niya ako sa isa pang silid na may glass window na overlooking ang malaking hawan ng bodega. Mukhang iyon ang silbing opisina noon. Ito lang din ang lugar na walang mga agiw. Ang mga tauhan niya ay nanatiling nasa labas ng opisinang iyon.
 

  Bumagsak ang mga balikat niya at malungkot na tumingin sa akin. "Ipagtatanggol mo naman ako, 'di ba, Anak? Kasi para saan pa't naging anak kita kung hindi mo man lang ako ipagtatanggol—kung pababayaan mo lang rin naman ako?"
 

  I heaved a sigh. Just hearing her reasons made me want to go ballistic. Bakit ba ang bulag ko sa mga antics ng nanay ko?!
 

  "You know I love you, Mom, but at the same time, I don't want you to be in trouble. Gulo itong pinasok mo, Mom. Isauli na natin ang anak ni Blair. I will talk to them. I know they will listen to me," panghihimok ko sa kanya.
 

  I didn't know how my mother's brain worked. Kaya kahit gustong-gusto ko na siyang bulyawan, hindi ko ginawa. Natatakot ako na ma-trigger siya at maging sanhi pa 'yon na mabulilyaso ang plano.
 

  "Bakit ka magmamakawa sa kanila? Let them suffer. Kasalanan nila iyon dahil mga pakialamero sila lalo na 'yong asawa niya. Tapos 'yang si Blair, ikakasal na kayo pero niloko ka pa! Whatever pain she feels right now, she deserves it! Sinaktan ka niya!"
 

  My jaw dropped. Hindi ko akalaing maririnig ko iyon sa kanya. Kung tutuusin ako ang nanloko kay Blair. Kahit pa hindi ko alam na kasal pala ako, pero the fact na hindi ko sinabi sa kanya na may anak ako ay isa na ring panloloko. Blair suffered as much as I did. My mom loves me, but I didn't know she could do these horrible things. And I didn't want her to end up in jail. I love my mom, and I couldn't just sit and did nothing to save her. I couldn't just watch her and destroy herself.
 

  "Mom, you know I love you. I wasn't a good son to you, but please. Let me do all this work.  I don't want you to be in trouble, Mom. So, if it's not too much to ask, please listen to me," pagmamakaawa ko sa kanya. 
 

  Lumapit ako sa kanya. I reached out for her hands and squeezed them gently. Abot-abot ang dasal ko na sana'y makinig siya sa akin para matapos na ang lahat. So, we could all live happily and start anew.
 

  "Totoo ba 'yan, Stu? You're not going to leave me anymore? Hindi ka na galit sa akin?" parang bata nitong tanong. She hugged me tightly and then cupped my face with both of her hands.  Tinitigan niya ako nang mariin sa mga mata na para bang sinisiguro na hindi ako nagbibiro o nagsisinungaling.
 

  "Of course, Mom! Are you thinking that I'm lying to you? I will always be beside you this time, Mom just like the old times." Hindi ako umiwas ng tingin sa kanya. Gusto kong makita niya ang sincerity ko.
 

  Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ni Mommy. But deep inside I couldn't blame her. She must have suffered a lot mentally to do these awful things. Looked like her love for me was beyond comparison. A mother's love...
 

  Ngumiti siya sa akin. And my heart leaped when she nodded. Kulang na lang ay magtatalon ako sa saya. Niyakap ko siya nang mahigpit at at hinalikan sa noo. Paulit-ulit ko siyang pinasasalamatan. Humiwalay siya ng yakap sa akin.
 

  Agad niyang tinawag ang mga tauhan niya. Inutusan niya ang mga ito na kunin si Shin at ang anak ni Blair. Hindi ko na binanggit sa kanya ang about kay Shin. Iniiwasan ko pa rin na ma-trigger siya at baka mag-iba ang ihip ng hangin.
 

How Can I Make You Love Me?Where stories live. Discover now