Chapter 42

19 0 0
                                    

   

 

  Hindi ko alam na nakatulog pala ako nang tuluyan nang humiga ko sa tabi ni Alex. Akala ko matatagalan bago ako makatulog dahil masyado akong nainis sa sagutan namin ni Stu.

  Tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa pader. Alas otso na ng umaga. Kailangan ko ng bumangon para sa agahan. Lumingon ako sa anak kong nasa tabi ko na himbing na himbing pa rin ang tulog. Napangiti ako. Hinaplos ko ang noo niya bago napagpasyahan na bumangon na para maipaghanda sila ng makakain.

  Akmang babangon na ako nang may maramdaman akong mabigat na bagay sa may tiyan ko at parang may tumutusok sa bandang pwetan ko.

  May kutob na ako kung sino ang nasa likuran ko pero siniguro ko pa rin na siya talaga. Dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko at tama nga ang naging hinala ko. Mahimbing rin na natutulog si Stu habang nakayakap sa akin. Marahan akong napaismid.

  Ang kapal ng apog ng lalaking ito. Kung makayakap parang sabik na sabik, pero kung makahusga sa akin kagabi, sobrang wagas.

  Inangat ko ang braso niya para makabangon na. Nang makababa na ako ng kama, agad akong nagpunta sa kwarto namin ni Stuart. Kumuha ako ng damit at nagtungo sa banyo para maligo. Naalala ko ang usapan namin ni Jake kanina habang bumubuhos ang maligamgam na tubig mula sa shower head. Nag-aalala pa rin ako sa kanya. I think something is bothering him. Kaya napagpasyahan kong pumunta condo niya mamaya.

  Nagsuot ako ng tattered jeans at simpleng black buttons up sleeveless crop top shirt at pinagbuhol ang dulo nito. Dahil doon, medyo lumitaw ng bahagya ang tiyan at pusod ko. Hindi ko na ibinlower ang buhok ko at hinayaan na lang itong nakalugay kahit basa pa.

  Tumingin muna ako sa salamin ng dresser at nang ma-satisfy ako sa itsura ko ay bumaba na ako ng kusina para makapaghanda ng almusal.

  Nagsangang ako ng tirang kanin at nagprito ng itlog, tocino at longganisa. Nagluto na rin ako ng tapa. Gising na rin si Lily kaya siya na lang ang pinag-squeeze ko ng orange para gawing juice. Tamang-tama naman noong matapos akong makapagluto ay siya namang baba ng mag-ama ko.

  "Good morning, Mommy!" bati sa akin ni Alex. Patakbo itong lumapit sa akin. Sinalubong ko ito ng yakap at hinalikan sa pisngi.

  "Good morning, Baby. How's sleep?" malambing kong tanong sa kanya habang hinahaplos ang mahaba niyang itim na buhok. Hinawakan ko ang kanang kamay niya at iginiya na sa lamesa para makaupo na sa silya.

  "It's great, Mommy. I woke up with Daddy beside me. Katabi ka rin po ba namin kagabi?"

  "Yes, Baby maaga lang akong nagising para maghanda ng breakfast ninyo ng daddy mo," malambing kong sagot sa anak ko. In my peripheral view, nakita kong nakatingin si Stu sa akin na para bang binabantayan ang mga kilos ko. I choose to ignore him. Hanggang ngayon ay inis pa rin ako sa kanya.

  "Good morning, my Baby Shin," bati ni Stuart sa akin makalipas ng ilang minutong pagmamasid sa akin. Lumapit ito sa akin at niyakap ako mula sa lingkuran. Bahagya niya rin akong hinalikan sa may sentido.

  "Morning," maikli kong sagot sa kanya. Bahagya ko siyang itinulak para makawala sa yakap niya at para matapos ko na rin ang paghahanda ng mesa.

  Mukhang inaasahan na nito ang pag-aalburoto ka kaya agad itong lumayo sa akin. Umupo na lang ito sa unahang mesa habang nakamasid parin sa mga kinikilos ko. Siniguro kong may pagkain na sa plato nina Alex at Stuart pati na rin ang maiinom nila bago ako naupo sa tabi ni Alex.

  Si Lily naman ay bumalik sa kwarto nito.

  "Are you going somewhere?" 'di makatiis na tanong ni Stu. Ilang minuto rin kaming tahimik na kumakain at walang imikan. Tanging ingay lang ng kubyertos ang maririnig.

How Can I Make You Love Me?जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें