Chapter 55

16 0 0
                                    

Magkahalong awa at konsensya ang naramdaman ko habang nakatingin kay Blair. I have nothing to blame, but myself. Dahil sa akin ay kinuha ang isa sa mga anak nila ni Ken. Feeling ko tuloy ang sama-sama kong tao.

Akala ko their family will blame us about what happened, pero wala kaming narinig na kung ano'ng masasakit na salita galing sa kanila. Instead they told us na hindi namin kasalanan ang nangyari dahil kahit kami ay biktima lang din. 'Di nga ba't nagtatago rin kami sa nanay ni Stu?

Napakabait nila. 'Di na nakakapagtaka kung mabait din ang mag-asawang Ken at Blair.

Feeling ko napakawalang kwenta kong tao. Parang I tend to put everyone in danger.

I think it's time for me to do something. 'Yung hindi naman ako ang pabigat sa iba.

"Tita, excuse me po," tawag ko sa nanay ni Ken.

Nakayakap ito sa asawa niya habang nakatingin kina Blair.

"Bakit, Shin?"

"Pwede ko po bang iwan mo na sa inyo si Alex? May pupuntahan lang po ako. Importante lang po. Pakisabi po kay Stuart babalik ako agad." Nilingon ko ang aking anak na tahimik na nakaupo sa couch.

"Saan ka ba pupunta? Delikado ngayon kung aalis kang nag-iisa. Isama mo yung usang bodyguard namin."

"Ayy wag na po sandali lang naman po ako may kukunin lang ako."

"Sigurado ka?"

"Opo. Alex," baling ko sa anak kong busy sa paglalaro ng tab nya, "stay with Tita muna ha? I have to go somewhere. Babalik agad si Mommy. Stay with Daddy and don't go far from him, okay?"

Tumango lang ito at humalik sa aking pisngi. I smiled. I gently carressed her hair.

"I love you, Mommy. Be safe."

"I will, Baby. I love you too. Hinalikan ko rin siya sa pisngi bago umalis.

A tear fell from my eye as I closed the door.

It's time to do what I should have done long ago.

Dali-dali akong lumabas ng kwarto ni Blair. HIndi na ako nagpaalam kay Stu dahil alam kong pipigilan niya lang ako. I know I'm the only one who can stop this nonsense. Ako lang naman talaga ang habol ni Angela, eh.

Wala akong inaksayang panahon. Agad kong hinanap ang susi ng kotse ni Stu na nasa sling bag ko. Buti na lang talaga at binigayan niya ako ng spare key ng sasakyan. May magagamit ako sa pakikipagkita sa tanog matagal na akong hinahanap.

Agad kong pinaandar ang kotse pagkapasok na pagkapasok ko. Nilagay ko ang bluetooth earphones sa aking tenga pagkatapos pindutin ang isang contact sa cellphone.

"What a surprise! Finally, tumawag ka nasa akin," agad niyang bungad sa akin na para bang ine-expect na niya ang tawag ko.

"Ako naman talaga ang gusto mo, 'di ba? Ako naman talaga ang pinupuntirya mong demonya ka?!" 'di ko mapigilang singhal sa kanya. Galit na galit talaga ako sa kanya. Dahil sa kasakiman niya, nangyayari ang lahat ng ito. Enough hiding. I'm so sick of all her games!

"Tingnan mo nga naman ikaw na ang nagkusang lumabas. My plan worked really well, then. Well, I think galit na silang lahat sa iyo. You're the root of it all. Kawawa ka naman. You're already an orphan. You no longer have the family you dream of having. Tapos ngayon 'yong mga pipitsugin mong mga kaibigan ay mawawala pa."

"Baliw ka na talaga. Tutal ako naman ang gusto mo. Isauli mo na ang anak nina Blair. Ako ang kailangan mo, 'di ba?!"

"Ang apo at ang anak ko ang kailangan ko hindi ikaw. Pero dahil in-offer mo lang naman din ang sarili mo. I want to end it all. Ikaw din naman talaga ang dahilan kung bakit galit na galit sa akin ang anak ko."

"Meet me then and let's end it."

"Same place and don't you dare inform them or else patay ang anak ni Blair. Poor child, he's been crying since I took him from his mother. Napaos na yata," aniyang tumawa pa nang malakas na para bang tuwang-tuwa ito sa nakikitang paghihirap sa bata.

"Napakawalanghiya mo talaga!" nanggigigil na bulyaw ko sa kanya.

"You know me d*mn well, Shinohara. So, see you soon. Tata!"

Stuart's POV

Nakatulog na uli si Blair. The doctor needs to put her to sleep dahil iyak lang siya nang iyak.

Ken is worried as hell. Sinamahan ni Ken si Blair sa kwarto habang nagpaplano sila kasama ang mga parents nila sa kung ano ang dapat nilang gawin. They planned everything out already. At kasama ako sa planong 'yon.

Habang nakikinig ako sa plano nila ay sinabihan ko sila na makakatulong ang pagpapalabas kay Mommy mula sa lungga niya kung tatawagan ko siya. Ako mismo ang magpapalabas sa kanya. They agreed. Kaya kasama na sa plano ang pakikipag-usap ko kay Mommy.

Hindi na talaga nakakayuwa ang ginagawa niya. Lahat na lang na may kinalaman kay Shin ay nadadamay. I never thought my mother could be ruthless and evil. I know I should have done this a long time ago. But I want to make sure first that everything is excellent between me and my wife.

My wife... I would do everything for her.

Sana pala kinausap ko na si Mommy noon. Siguro hindi aabot sa ganito ang lahat. Pero huli na ang pagsisisi. I have to do something for the sake of my own and our friend's family.

"I will contact my mother now," pag-iimporma ko sa kanila.

"Salamat, Pare," ani Ken na kinamayan pa ako.

I shake his hand. "No, wala ka dapat ipagpasalamat sa akin . I'm just doing what is right. Kahit anak ako ng nanay ko ay hindi ko siya kukunsintihin sa ginawa niya. She has to pay for her sins."

"Thank you pa rin, Iho," pagpapasalamat rin ng tatay ni Blair. "Hindi lahat ng anak ay katulad mo. Ang iba ay hinahayaan lang ang ginagawa ng mga magulang nila kahit na nga ba nakakaperwisyo na sila ng iba."

"Thank you rin po at hindi niyo po kami hinusgahan ng asawa ko dahil sa ginawa ng nanay ko. Aalis na po ako."

Pagkatango nila ay agad na hinanap ng mga mata ko si Shin. Pero hindi ko siya makita. Si Alex naman ay mahimbing nang nakatulog sa couch. May nakalagay na unan sa gilid nito na nagsilbing harang para hindi siya mahulog.

"Tita, nakita niyo ba si Shin?" tanong ko sa nanay ni Ken na nasa tabi lang ng anak ko.

"Umalis. Pinapasama ko nga sana 'yong isang bodyguard kasi delikado. Eh, kaso tinanggihan niya. May pupuntahan lang daw sya at babalik agad. Kaya pinakiusap niya na bantayan daw muna ang anak ninyo," sagot naman ng nanay ni Ken.

Ramdam na ramdam ko ang pagkabog ng puso ko. I already feel something isn't right. I bit my lower lip. Then, realization hit me.

"Shit! Tita, makikisuyo po ako. Pwede po bang pakibantay ho saglit si Alex. I just want to confirm something. I hope and I pray na walang drastic move na ginawa si Shin," natataranta kong habilin sa kanila.

Nanlaki naman ang mga mata nito na parang na-realize rin niya ang na-realize ko. "Aba sige, Iho. Dalhin mo na rin ang ibang bodyguards," nag-aalalang sang-ayon nito.

"No need, Tita. Kahit parang wala na sa katinuan ang nanay ko, I know for a fact that she will never hurt me. Thanks for the offer though."

"Samahan na lang kita, Stu. Back up mo ako."

Napalingon ako kay Jake. Sa tigas ng itsura niya, alam kong kahit humindi siya ay hindi siya makikinig. Kaya tinanguan ko siya. I kisses my daughter's head and runs outside.

I scoffed when Jake followed me. Magkahalong inis at kaba ang nararamdam ko. At halos mapamura ako nang makita kong wala na ang sasakyan ko sa parking lot.

Sh*t! What the hell were you thinking, Shin?

"Buti na lang at sumama talaga ako sa'yo, ano?" Jake smirked. "Mukhang ang sasakyan mo ang ginamit ni Shin. Come pn! My car is parked this way."

How Can I Make You Love Me?Where stories live. Discover now