Chapter 12

164 8 1
                                    

   

 

  I can't contain my happiness. Gusto kong ipamalita sa lahat na buntis ako but I know I can't do that. Gusto kong tawagan si Mommy Angela kaso out of the country na naman siya. I've been trying to reach her but to no avail.

  'Di pa rin umuuwi si Stu.

  I decided to call Risha. Gusto ko lang talaga na mag mapagsabihan ng kasiyahang nararamdaman ko. Feeling ko kasi para na akong sasabog sa saya. I just hope she's free. Last naming kita, noong pinuntahan ko pa siya sa opisina niya. I know I can trust her and besides, I have no one else to confide to. Mayroon pa pala, 'yong yaya ko mula bata pa ako. Panigurado matutuwa si Mama Rosing. She knew my feelings for Stu ever since. Though napagsasabihan niya ako minsan, pero alam kong sa pagkakataong ito ay magiging masaya siya para sa akin.

  I've been so close with my yaya na minsan tinatawag ko siyang Mama Rosing because she's like my second mother. Pinauwi ko muna siya sa probinsiya nila dahil manganganak ang anak niyang babae.

  Come to think of it. I miss Mama Rosing. I will surely visit the mansion once nakauwi na siya. Ngayon pa lang ay nai-imagine ko na na siya rin ang magpapalaki ng anak ko.

  I dialed Risha's number and at first ring sinagot niya ito.

  [Hey, Girl! I miss you. What's up?]

  "Hi, Rish. Are you free today? It's been awhile. 'Di na tayo nakakapagchikahan. I miss you too, you know?"

  [Sure! We can hang out today. Tamang-tama, I'm free today. Punta tayo sa favorite bar natin 'yong Havens. Open naman 'yon at 12 NN since nagse-serve na sila ng lunch. And if we want to drink, open naman 'yong bar side.]

  Napangiti ako. "Okay, sounds good. So, see you at 12-ish?" excited kong pagkompirma sa kanya.

  [Sure. Ta-ta!]

  Excited na nagligo na ako at naghanda papunta sa meeting place namin ni Risha. Nagsuot ako ng black tube at in-insert ko ang dulo noon sa loob ng suot kong tattered jeans. Pinaresan ko ang outfit ko ng isang black gladiator wedge. Nagpahid na rin ako ng manipis na make up. Tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin sa huling beses. Kung mayroon mang makakakita sa akin ay malalaman agad nila na sobrang saya ko ngayon dahil sa nangniningning kong mga mata. Ngumiti ako sa aking repleksyon at kinuha na ang crossbody bag ko sa ibabaw ng dresser. Nagpasya na akong bumaba sa garage. I decided to drive myself using the black Cadillac CT4 car. That way wala nang maghihintay na driver sa akin.

  Pagkadating ko sa Havens, nakita ko agad si Risha na nakaupo sa mesa. Malapit iyon sa front bar kung saan may bartender na kasalukuyang pinupunasan ang ibabaw ng counter.

  "Risha!" nakangiting tawag ko sa kanya.

  Napalingon sa akin si Risha at kaagad tumayo para salubungin ako. Nakasuot pa siya ng office uniform na pencil skirt na pula at sleeveless na itim. Ang blazer nito na kulay pula rin ay nakapatong sa isa pang upuan kung nasaan din nakalagay ang LV Neverfull MM bag niya. Agad ko siyang niyakap at bineso-beso nang makalapit na ako sa kanya.

  "Hey, Girl. I missed you. I ordered your favorite already, baby back ribs and mashed potato. We'll just have to wait. So what's new with you? Same old, same old?" anitong ikinawit ang braso sa braso ko. Sabay kaming pumunta sa mesang kinauupuan niya kanina. Umupo ulit siya sa puwesto niya. Tumabi naman ako sa kanya at inilagay ang bag sa kabilang silya.

  "Thanks, Rish! I appreciate you. Hmmn... I actually have something exciting," sambit ko sa kanya.

  I tried to suppress my smile by biting my lower lip. Pero nahalata pa rin iyon ni Risha. Tinaasan niya ako ng kilay.

How Can I Make You Love Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon