Chapter 51

22 0 0
                                    

   

 

  Nagising ako na hindi naririnig ang hagik-ik ni Alex. Bigla akong napabangon at inilibot ang mga mata. Isang nakakabinging katahimikan ang bumungad sa akin. Ako na lang ang nag-iisa sa kama. Tiningnan ko ang orasan sa side table. Pasado na pala 10 AM. Hindi ko na matandaan kung ano'ng oras na akong nakatulog kagabi or ano'ng oras pumasok si Stu ng kwarto para tabihan kami.

  Tumingin ako sa empty space ng kama. Halata naman na may katabi akong natulog kagabi dahil sa magulo ang side na iyon. 'Di ko na napansin na tumagal pala ang tingin ko sa pwesto ng hinihigaan ni Stu. Kung hindi pa ako napatingin ulit sa orasan ay hindi pa ako nakakilos.

  Agad akong tumayo at kumuha ng bihisan sa closet at nagtungo na sa banyo para maligo. Saktong kalalabas ko lang ng banyo nang marinig kong tumunog ang ringtone ng cellphone ko. 

  Lumapit ako sa night stand at kinuha ang cellphone ko na nakapatong doon. I saw Jake's phone number. Napakunot ang noo ko.

  Bakit kaya tumatawag si Jake?

  Curious, I answered his call. "Hello, Jake, napatawag ka?"

  "Hey, Shin! Puwede mo ba akong puntahan ngayon?" bungad niya sa akin. "Please, kung pwede lang sana. Wala na kasi akong maisip na tawagan. Tinatawagan ko si Ken pero hindi kasi siya sumasagot." Halata sa boses niya ang pagmamadali. Para bang may urgent na nangyari at kailangan niya ng tulong.

  "Bakit may nangyari ba?" agad kong tanong sa kanya. Hindi ko maiwasang mag-alala. Ano kaya ang nangyari?

  "Pasensya ka na talaga, Shin. Hindi ko masabi sa iyo over the phone, eh. Kaya kung pwede lang sana ay puntahan mo na ako dito. Ite-text ko sa iyo ang address."

  Bago pa man ako makasagot ay pinatay na niya ang tawag. Napatitig ako sa ngayon ay black screen na ng cellphone ko.

  Well, that's odd. 

  Ibaba ko sana ulit ang cellphone sa night stand nang biglang tumunog ulit iyon. I picked it up and saw Jake send me a text message. Nang buksan ko iyon nakita kong address ang laman niyon. Jake never asked me for a favor not unless it was important kaya agad kong kinuha ang shoulder bag ko at lumabas na ng kwarto.

  Bahagya pa akong nagtaka dahil sobrang tahimik ng bahay. Inisa-isa ko ang lahat ng sulok ng bahay pero mukhang ako lang talaga mag-isa rito sa bahay. Pati si Lily ay 'di ko makita. Tin-ry kong tawagan si Stuart pati na rin si Lily pero ni isa sa kanila ay hindi sumasagot. Kaya nag-text na lang ako kay Stuart na makikipagkita ako kay Jake.

  'Di ko maiwasang mairita. Akala ko ba gagawin niya ang lahat para mapatawad ko siya? Tapos ngayon ni hindi marunong magpaalam. Nakakainis talaga siya! Isinama niya pa talaga si Alex at paniguradong kasama niya rin si Lily.

  Nakabusangot na umalis ako ng bahay. Sinigurado kong naka-lock ang mga pinto. Binigyan naman na ako ni Stu ng susi sa bahay kaya kahit mauna akong umuwi mamaya ay makakapasok pa rin ako.

  Hindi ako familiar sa lugar na gusto ni Jake na papuntahin ako. Kaya ganoon na lang ang gulat ko nang makitang isang garden resort pala iyon. Sa entrance pa lang ay nakita ko na si Jake na nakatayo malapit sa malaking arko na may nakalagay na, "Welcome to Gardenia Resort." Fresh na fresh ang itsura ni Jake sa suot na blue polo shirt, jeans at checkered na vans. Para itong teenager na aakyat ng ligaw sa itsura nito. Isabay pa na maayos na nakagel ang buhok nito

  Pinara ko na ang taxi. Huminto iyon sa tapat ni Jake.  Pagkatapos makapagbayad ay binuksan ko na ang pinto. Malayo pa lang pero amoy na amoy ko na ang mamahalin niyang pabango. Sinalubong ako ni Jake. Inilahad niya ang kanang kamay sa akin. Tinanggap ko iyon at inalalayan niya akong bumaba ng taxi. He was smiling widely.

How Can I Make You Love Me?Where stories live. Discover now