Chapter 28- Stuart

208 10 0
                                    

   

 

 

  "Oh my God, Stu buti gising ka na! Nawawala na naman si Shin!" bungad ni Mommy sa akin pagkapasok niya ng kwarto ko at makita niyang nakaupo na ako sa kama.

  "May bago pa ba roon? Alam mo namang baliw iyon, Mommy. Hayaan mo siya mas mabuti na nga iyon na wala siya para wala na tayong sakit sa ulo," balewala kong sagot sa kanya. Bahagya ko pang kinusot ang kanang mata ko.

  "Hindi maaari! Kailangan natin siyang mahanap baka gumawa ng gulo iyon! Mas maganda kong kasama natin siya at least we can monitor her!" pagpupumilit pa nito.

  I desperately scratched my forehead. "Whatever you decide to do, Mom. Basta ako ayokong makita siya! Lahat na lang sinisira niya. Ang pinakamasakit pa roon ay ang sirain niya kami ni Blair," I took my clutches and started to walk towards the bathroom, away from my mother.

  Galit na galit ako sa kanya. I loved her as a sister, but because of what she felt for me, binalewala niya ang pinagsamahan namin. Sinira niya ang tiwala ko sa kanya. She's a very selfish person.

  I locked the door as soon as I entered the bathroom. I stood in front of the lavatory with the help of my clutches. It was hard for me but I managed to turn the faucet on. I splashed some water on my face and look myself in the mirror.

  Then, I remembered the things I did when that fateful night happened. Suddenly, the memories flowed like scenes in a movie...

  "Mom bakit ang daming mga bodyguards sa bahay?" nagtataka kong tanong sa kanya nang makita ko siyang nakaupo sa sala habang umiinom ng kape. Kadarating ko lang mula sa opisina at iyon ang una kong napansin pagkapasok ko ng bahay. Napailing na lang ako sa kanya, kahit ala singko na ng hapon ay umiinom pa rin ito ng kape. Noong una nasa isa or dalawa lang iyon pero habang tumatagal mas nadadagdagan iyon nang mas nadadagdagan. I'm even wondering if she's still able to sleep peacefully at night. Noong minsan na tinanong ko siya, she just told me she's fine.

  "Nandito ka na pala," anito na inilagay ang hinahawakang tasa sa center table. "That's for security purposes. How's work?"

  Nangunot ang ulo ko. "For security purposes? Bakit nanganganib na ba ang buhay natin? May problema bang hindi ko alam?" Naupo ako sa sofa na kaharap niya habang niluluwagan ang kurbata ko.

  "Nahh... all is being taken care of, so you don't have to worry about it. Alam mo naman ang panahon ngayon masyadong delikado. Ang dami nang naki-kidnap. Nababalita na nga iyon sa mga diyaryo. Are you not aware of the current events? Besides, those are only for safety precautions."

  "Okay, if you say so, Mom." Nagpalinga-linga ako nang mapansin ko na tahimik ang bahay. Sa mga ganitong oras kasi ay nakikita ko si Shin na nag-aayos ng pagkain ni Alex. Gusto kasi nito na ito mismo ang maghahanda sa pagkain ng anak namin.

  Kahit galit ako sa kanya, 'di maiwasang mapangiti ako sa pag-aasikaso niya sa anak namin. Pagdating sa anak namin, she's superb.

  "Di ko yata napapansin si Shin, Mom? Nasaan siya?"

  "Maybe in their room, bumaba iyon kanina para ipaghanda ang pagkain ni Alex."

  "Oh, okay. I'll take a shower first before I check Alex." Tumayo na ako at akmang hahakbang paalis nang marinig ko ulit ang boses ni Mommy.

  "By the way, how's Blair?"

  Lumingon ako sa kanya at napangiti sa tanong niya. Everytime she asks me about Blair my heart flutters. Damn, I'm really pussywhipped when it comes to Blair.

  "She's good, Mom. We had lunch together. Medyo busy lang siya ngayon that's why I was able to come home early. One of these days ipapakilala ko siya sa inyo."

How Can I Make You Love Me?Where stories live. Discover now