Chapter 46

16 0 0
                                    

   

 

  I was speechless. Hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko kay Stu. Nakatayo lang ako na parang tuod at nakatingin sa dingding ng kwarto niya. 'Yong dibdib ko ay walang tigil sa pagkabog. My heart feels so heavy. Hindi na rin ako magtataka kung naririnig ni Stu ang malalakas na tibok nito. At kung naririnig naman niya, parang wala naman siyang pakialam. Mukhang mas nagfo-focus siya sa nararamdaman niya.
 

  Hindi ko alam kung gaano katagal kami sa ganoong posisyon. Napansin ko na lang na suminghot ulit si Stu. Idinikit niya ang noo niya sa noo ko. Kitang-kita ko kung paano tumulo ang mga luha niya. Gusto kong magsalita pero parang nablangko ang utak ko. Wala akong maapuhap na mga salita. Para lang akong estatwa na nakatayo sa harapan niya.
 

  Namanhid na ba ako kaya wala akong maramdaman? Sumusuko na ba talaga ako?
 

  Bago pa ako makabuo ng sasabihin ko ay nagsalita ulit siya, "You don't have to say anything. Alam kong kasalanan ko ang lahat kung bakit umabot tayo sa ganito. If it's not too much to ask, can I ask you a favor?"
 

  Kunot ang noong tinitigan ko lang siya, urging him to continue. Halos maduling-duli g pa ako sa lapit ng mukha niya sa akin. Pumikit siya nang mariin. Lumipas din ang ilang segundo bago niya iminulat ang kanyang mga mata. Tumitig siya sa mga mata ko at hinawakan ang magkabila kong braso. Marahan niya akong itinulak para magkaroon ng space sa pagitan naming dalawa.
 

  "Pwede bang 'wag mo naman akong iwasan? Can you please at least be civil to me? Kahit man lang at least sa harap ng anak natin," mapait niyang pakiusap.
 

  My heart flinched. I can feel the pain in his voice. And just like before, it affects me too. The only difference is that this time I'm able to ignore it. Kung noon ito nangyari baka niyakap ko na siya at sasabihing okay na, hindi na ako galit.
 

  Marahang tango ang isinagot ko sa kanya.
 

  Gumuhit ang isang masayang ngiti sa kanyang mga labi. "Thank you, Baby. Thank you for granting my wish kahit pa nga ang dami ko ng ginawang mali sa'yo."
 

  "Don't thank me, Stu. I'm just doing this because of Alex. At her very young age, she's already very sensitive to her surroundings, especially to us. I don't want to break her. Kaya para na lang sa kanya ang isipin nating dalawa."
 

  "I understand. Pero gaya ng sinabi ko sa'yo noon. I will court you and win you back. I'll work harder."
 

  Tumango lang ako at 'di na nagkomento pa. Akmang tatalikuran ko na siya para pumunta sa walk-in closet nang bigla kong marinig ulit ang boses niya.
 

  "Are you going to Jake's place?"
 

  "Yeah..." Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. "Don't tell me pinag-iisipan mo ulit ako ng masama?"
 

  Bumuka-buka ang bibig niya pero wala namang lumalabas na anumang salita. Bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na siya.
 

  "'Wag kang mag-alala. Hindi ko nakakalimutan na mag-asawa tayo. I will never tarnish your name. Besides, Jake is my friend. Marami na siyang naitulong sa akin. Marami na siyang isinaalang-alang para sa akin. Sobrang laki ng naitulong niya. He was there for me when I had literally no one. I don't even know how to repay his kindness. And I think being there for him is not too much for me to give. Besides, all he want for me is to be happy."
 

  Hindi ko na hinintay si Stu. Nagpatuloy na ako sa paglakad papunta sa walk-in closet niya.
 

  KINAUMAGAHAN, hindi na ako nagulat nang sumama sa amin si Stu papunta sa condo ni Jake. Nagulat na lang ako nang makita siya sa labas ng bahay at nakasandal sa sasakyan niya na parang may hinihintay. Nang makita niya kami ay agad siyang ngumiti nang matamis at pinagbuksan kami ni Alex ng pintuan. Ako sa shotgun seat habang si Alex naman ay sa backseat. Ngayon ko lang napansin na may naka-install na na carseat para kay Alex. Mukhang pinaghandaan talaga ng loko na sumama sa amin. Hindi ko na rin siya binawalan. Sinabihan ko na lang si Jake na kasama namin siya ni Alex. Buti na lang at okay lang kay Jake iyon.
 

  Pareho kaming tahimik sa daan. Para hindi ulit magtanong si Alex kung nag-aaway ba kami, ipinasya ko na lang na ipikit ang mga mata ko. Hindi ko inaasahang makatulog ako nang tuluyan. Naalimpungatan na lang ako nang may mahinang kumakalabit sa akin.
 

  Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko para mapapikit ulit dahil sa sinag ng araw. Tumatama ito direkta sa mukha ko kaya ramdam na ramdam ko ang init na namumula rito. Marahan kong kinusot ang aking kanang mata.
 

  "We're here."
 

  Napalingon ako sa pinagmulan ng boses. Nakita ko si Stu na may matipid na ngiti sa akin. Inilibot ko ang mga mata ko at doon ko lang napansin na nakahinto na pala ang sasakyan sa parking lot ng condo ni Jake. Dali-dali siyang umibis ng sasakyan at patakbong pumunta sa may side ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto at maginoong inilahad ang kanang kamay sa akin. Tinanggap ko iyon. Siya na rin ang sumara sa pinto pagkababa ko. Pagkatapos noon ay si Alex naman ang pinagbuksan niya ng pinto. Siya na rin ang nag-unbuckle sa seatbelt ng carseat nito.
 

  "Will we go to Tito Jake's house po again?" nakatingalang tanong sa amin ni Alex. Nagpalipat-lipat pa ang tingin niya sa amin.
 

  "Yes, Baby Girl. This place is already familiar to you?" nakangiti kong tanong kay Alex. Napapagitnaan namin siya ni Stu. Hawak namin ang magkabila niyang kamay. Naglalakad na kami papunta sa elevator.
 

  "Yes, po. 'Di ba po, Mommy we were yesterday?"
 

  "Yep!" Masuyo kong hinaplos ang buhok ni Alex.
 

  "I like Tito Jake. He is so nice to you, Mommy. I like the people who like you. Now, you have a lot of people who love you." Iminuwestra pa nito ang mga kamay ng pabilog. "You'll not cry this time at night, right, Mommy? Kasi you have many friends na."
 

  My jaw dropped. Napatingin ako kay Stu. Malungkot ang mga matang nakatingin siya sa akin. Agad kong iniwas ang mga mata ko. Hindi na rin ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa floor ni Jake. Hindi na rin muli pang nagsalita si Alex at si Stu ay nanatili ring tahimik.
 

  Pagkadating namin sa harap ng pintuan ni Jake ay agad kong pinindot ang doorbell niya. Hindi naman nagtagal at bumukas iyon. Bumungad sa amin ang tila bagong ligo na si Jake. Basa pa ang buhok nito pero maayos na itong nakahawi sa kanan at parang nilagyan pa ng gel ang buhok nito. Simpleng polo shirt na itim ang suot nito na may logo ng alligator sa dibdib at cargo pants na khaki ang kulay. Ang pangpaa nito ay puting vans na checkered. Sumalubong rin sa amin ang mamahalin niyang panlalaking pabango.
 

  "Hi, Shin! Just right in time, come in! Come in!" malaki ang ngiting paanyaya ni Jake. Maaliwalas na maaliwalas ang mukha nito. "Oh, you're here too, Stuart," pansin nito kay Stu at lumipat rin ang tingin nito kay Alex at kinawayan ang bata. "Hi, Kiddo!"
 

  "Hi, Tito Jake!" ganting bati ni Alex na may malaking ngiti rin sa mga labi. Kumaway pa ito sa lalaki.
 

  "I'm glad nandito na kayo. Pasok!" Nilakihan nito ang awang ng pinto at pumuwesto sa likod ng pinto para makaraan kami.
 

  Ako ang unang pumasok kasabay si Alex na hawak-hawak ko pa rin ang kamay. Medyo madilim ang condo ni Jake, pero binalewala ko na lang iyon. Naalala ko na may pa-surprise pala siyang nalalaman. Pagkapasok ni Stu ay isinara na ni Jake ang pintuan. Pagkasarang-pagkasara noon ay biglang bumaha ang liwanag sa living room niya.
 

  Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ko sa harapan ko si Mama Rosing na may dalang cake at si Risha na may dalang mga pink at black balloons. Nang lingunin ko si Jake ay may dala na siyang isang kumpol ng malalaking pulang rosas.
 

 

  And at the corner of my eye, I saw Stu. He was smiling too, but it didn't reach his eyes...
 

 

 

 

 
 

 

How Can I Make You Love Me?Where stories live. Discover now