Chapter 26

233 12 1
                                    

 
  Hindi ko na naabutan si Angela pagkadating namin ng ospital. Pabor sa akin iyon sa dahil ayokong makipagplastikan sa kanya. Puro kasinungalingan lang lahat ang lumalabas sa bibig nito. Sa dami ng pinagbuhol-buhol niyang kwento, nakakatulog pa kaya siya sa gabi?

  Malamang, oo. Bilib din ako na nakakaya pa niyang memoryahin ang lahat ng kasinungalingan niya.

  Agad akong pumunta sa nurse station para malaman kung ano'ng room number ni Stu. Alalang-alala ako sa kalagayan niya. Kahit naman kasi 'di niya ako kinakausap, tatay pa rin siya ng anak ko at... tanga pa rin ako dahil mahal ko pa rin siya sa kabila ng lahat.

  Naiinis na rin ako sa sarili ko dahil sa kabila ng lahat, nagpapaka-tanga pa rin ako sa kanya. Kung sana'y nabibili lang sa pharmacy ang gamot para sa katangahan, matagal na ako siguro akong na-overdose.

  Nasa tapat na ako ng pinto ng kwarto ni Stu. Akmang pipihitin ko na sana ang seradura ng pinto nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Ipinagpaliban ko muna ang pagbukas ng pinto at bahagyang lumayo sa pintuan. Sumandal ako sa pader at kinuha ang cellphone mula sa bag. Agad kong sinagot ito nang makita ko kung sino ang tumatawag.

  "Hello, Jake? Ano'ng nangyari kay Ken?" kaagad kong tanong sa kanya. May hinala na ako kung sino ang nakaaway ni Ken pero I'm trying to shrug the idea.

  "I don't know the exact details yet, but you wouldn't believe this," panimula nito. Ang tagal nitong magsalita ulit na para bang nagdadalawang-isip siya kung sasabihin niya ba sa akin o hindi.

  "Just spill it, whatever it is," udyok ko sa kanya. "The silence is killing me."

  "Well..." he sighed. "Apparently, nag-away si Ken at Stu sa bar."

  I figured.

  "Sinabi ni Ken kay Stu na magpapakasal na sila ni Blair--"

  "What?!" napasigaw ako sa gulat. Agad ko namang tinakpan ang bibig ko habang nahihiyang napapalingon sa paligid. May mga nurses at ibang pasyente na napapatingin sa akin. Napayuko ako at marahang kinagat ang pang-ibabang labi.

  "Yep, you heard me right. Pinapaasikaso niya nga sa amin ang kasal nila. Ang sabi ni Ken, gusto niyang makasal agad sila ngayon."

  "Paanong nangyari? I mean next month na ang kasal nila ni Stu. How come ikakasal na sila ni Ken? Kaya ba nagbugbugan sila?"

  "Oo. Apparently, Ken met Stu to tell him that he's marrying Blair and the rest is history."

  "Oh my, God!" Napahawak ako sa mga labi ko. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. "Paanong--"

  "Well," sabi nitong mukhang nag-aalinlangan pang sabihin sa akin.
"Ken, kind of force himself," anito pagkaraan ng ilang segundong katahimikan.

  "What?! Why?! How is she?! Oh my!"

  "I know. We are suprised too and that's the reason why she agreed... Well, that's what I'm guessing. By the way, I have to cut our conversation  short. We have to prepare everything here. You take care of yourself. Call me if something comes up. Always remember, I'm always here for you."

  "Thanks, Jake."

  "Anytime. Later, Shin," anito at pinatay na ang tawag.

  I sighed.

  I wonder why Ken did what he did. Nalaman niya kayang ikakasal na sina Blair next month? Somehow, I feel guilty. Baka ginawa iyon ni Ken dahil hindi ko nakausap si Stuart about sa nangyari sa akin. Baka dahil wala na siyang choice.

  If only I should try harder siguro hindi gagawin ni Ken ang ginawa niya.

  Napakagat-labi ako.

  Ilang beses akong huminga nang malalim. Nagbabakasakali na mawala ang pamimigat ng dibdib ko. Makailang minuto pa ang lumipas bago ko napagpasyahang pumasok sa kwarto ni Stuart.

How Can I Make You Love Me?Where stories live. Discover now